ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, October 24, 2009

Trip trip lang.. ^__^

6th birthday ng little brother ko ngayon, at sayang kasi wala kami sa Cebu para maki- celebrate, isa kasi yan sa mga disadvantages ng pagiging malayo sa pamilya. Anyway sinigurado naman ng aking parents na magiging memorable ang araw na ito para sa kanya. Yup, 24 ang birthday niya at ako naman ay 22. So halos sabay din pala kaming ginawa no? Naaalala ko pa nga noong buntis si Mommy, eh siya ang nagluto para sa birthday ko, pinagluto niya ako ng spaghetti, I was in 2nd year highschool then. Ang video nga pala na nasa baba ay tungkol sa mga alaga kong stuff toys: Piggy and Sheepy at dahil isang gabi, wala kaming magawa ni Soulmate ay pinaglaruan na lang namin ang mga ito sabay video. Hehehe!


video


Trip ng walang magawa... LOL!
Hehe so to my brother, Ron, Happy birthday sa imo! Huggssss!!!

Friday, October 23, 2009

Birthday Gift

Eto ang isa sa mga regalong natanggap ko ngayong birthday ko, binigay eto sa akin ng aking napakagaling na kaibigan na si Marlowe. At nang nakita ko yung video, I feel so touched, Marlowe, alam ko, it takes a lot of time and effort to do this at eto lang masasabi ko, samalat!!! You don't know how it made my day! Grabe kumpleto na birthday ko, nabati ako ng family ko, ni Soulmate, mga friends ko sa facebook and friendster, at isama mo na ang mga friends ko dito sa blogsphere, grabe,minsan nga naiiyak pa ako, di lang siguro ako sanay na matrato ng ganito na nangyayari kang once a year.

P.S: Bago panoorin ang video sa baba, please paki- pause po muna ang player sa taas ^__^ Salamat po!
warning:putol ang video sa baba so for a fuller video, click:niyo ito=== iloveit!



This video contains pictures of those person that are important to me, this signifant people who made me as I am today...

Wednesday, October 21, 2009

Power of Two

October 22, this date is truly a memorable date to Soulmate and me, bukod sa eto ang birthday ko, eto din kasi ang date ng anniversary namin. And tomorrow, October 22 is our 2nd year anniversary. Di ko akalaing two years na pala. Ang bilis ng panahon. 2 years. Ang dami ding naming napagdaanan, he messed up, I fucked up as well, nagaway, nagkabati, kinasal, pumunta na ako sa Hong Kong, nagbakasyon na ako sa Cavite ng dalawang beses, at si Soulmate naman napunta na sa Hong Kong hanggang sa umalis siya, umiyak ako, umiyak din siya, nagyakap, naghalikan at nagsaya, nalungkot at nagmahalan. May oras pa nga na akala ko, walang wala na talaga at imposible na ang relasyong ito pero grabe pala talaga ang power ng pagmamahalan namin, in the end, kami pa din. Mas tumatag pa nga sa loob ng dalawang taon.

Okay backtrack...

October 22, 2007, 2 years ago...

Sumakay kami ng tric dahil kakagaling lang namin sa SM Molino *yung mall* dahil sinelebrate namin ng friend ko ang birthday naming dalawa, sabay kasi kaming magbi- birthday, October 22. Matapos ang celebration, nagpasya si Soulmate na ihatid ako sa bahay namin. Malakas ang patakbo ng tric at sobrang hinahangin ang buhok ko... Hanggang sa makarating kami sa bahay, nalaman kong hindi pa dumadating sina Mama kaya pinapasok ko muna si Soulmate sa loob ng bahay namin. Umupo kami sa garden namin, umupo kaming magkaharap. Maya maya lang ay hinawakan niya ang kamay ko...

SOULMATE: Cindy, di ba sinabi mo sa akin dati, pag 18 ka na legal ka ng mag boyfriend? (Tumango ako, naaalala ko pa noong sinabi ko yun sa kanya, Isang gabi, nakaupo kami sa may garahe at noong sinabi niya sa akin na kung pwede ba daw siya manligaw, sinabi kong pagka-18 ko na lang dahil sa edad na iyon ay sure na pwede na akong magkaboyfriend, sinabi ko din kasi sa sarili ko na pag nagboyfriend ako, gusto ko yung seryoso na dahil marami na din akong nagawang pagkakamali at ayoko ng maulit iyon. Prospect ko na talaga si Soulmate, ang tagal na din kasi naming magkaibigan. Grade 4 pa lang ata ay magkakilala na kami.) Eh birthday mo na ngayon, 18 ka na at pwede ka ng magboyfriend, pwede mo ba akong maging boyfriend? (Katahimikan ng ilang segundo, eye to eye.) AKO: Oo, pwede na. (pasimpleng sagot ko) SOULMATE: Talaga? (aniya na para bang di ko malaman kung ano ang susunod niyang gagawin, tatalon ba siya o yayakapin ang paso sa halamanan o magtu-tumbling.) Hindi nga? Talaga? As in tayo na? (Maraming beses niyang tanong.) AKO: Oo nga, ayaw mo ba? (Pa cute ko namang reply, nakangiti lang, cool lang.) SOULMATE: H-hindi, gusto ko syempre, nagulat lang ako, thank you! (Pinisil pisil niya ang kamay ko) Uhm pwede ba kitang yakapin? (Di pa rin niyang mapakaling tanong.) AKO: Oo naman! (At nagyakapan na nga kami ng ilang segundo, Gosh, kahit alam ko na na mangyayari ito, natanong ko pa din sa sarili ko kung totoo ba itong nangyayari sa akin? Ang pagyayakapang iyon ay tumagal ng 15 seconds, binilang eh no?) Ano okay ka lang? (tanong ko.) SOULMATE: Kinakabahan ako, hawakan mo ang dibdib ko. (Kinuha niya ang kamay ko at itinapat sa bandang puso niya at narandaman ko nga ang lakas ng tibok ng puso niya, grabe totoo ngang kinakabahan siya, mas kinakabahan pa ata siya kaysa sa akin.)

Maya maya lang ay narinig kong may padating na tric, naku, padating na sina Mama kasama si Daddy, lagot... Kahit ba 18 na ako, ayoko pa ding madaliin ang lahat, saka ko na sasabihin ang tungkol sa amin ni Soulmate.

PS: Actually nagpropose na si Soulmate habang nasa tric kami kaso dahil nga sa nililipad ang buhok ko, sa tingin ko ay hindi magandang place ang tric para sagutin ang kanyang katanungan, magiging witness pa ba namin ang driver? Hehehe!

Isa pang PS: Nagcelebrate ako ng 18th birthday ko noong October 27 instead of October 22 dahil super busy kami. Birthday din kasi ng little brother ko sa October 24 so pinaghandaan na muna ang children's party niya. Si Soulmate ang naging escort ko at sa gabi na iyon at pinakilala ko din sa lahat ng tao kung sino talaga ang lalakeng nagma-may ari ng puso ko.

To my Soulmate: Happy 2nd year Anniversary, I love you! Will always be here as your angel and devil, your wife, your girlfriend, your best friend, your best enemy and your lover,

Cindyrella ^0^

Sunday, October 18, 2009

Birthday Post

Di ko namamalayan na isang linggo na pala mula noong umalis si Soulmate, pero feeling ko isang taon na. Ang hirap lalo na sa gabi dahil sanay ako ng may kayakap. Ngayon kasi magisa na naman ako sa malaking kama at pag nami- miss ko siya ay niyayakap at inaamoy ko na lang ang tshirt na suot niya bago siya umalis. Iniwan niya yun sa akin para di ko siya masyadong nami- miss. At noong mga unang gabi pa nga ay iyak ako ng iyak hanggang sa sumakit ang ulo ko at hanggang sa makatulog ako. At kung sa tingin niyo ay ligtas na ako sa umaga, pag gising ko ay nahihirapan pa din ako. Sanay kasi ako na pag gising ko ay may kayakap pa din ako, pagnakakarandam na ako ng ganoon ay tumatayo na ako at inililigo na lang ang pakirandam na iyon. Pagdating naman sa office ay isinusubsob ko ang sarili ko sa pagtratrabaho para wala na akong maaalala na kung anu- ano. At sa totoo lang, effective pala yung ganoon. Yung wala akong ibang iisipin kundi ang mga ginagawa ko. Isa pa sa mga bagay na nahihirapan ako ay ang pagbisita ko sa little house in the city namin, which is ibang iba lalo na pag wala doon si Soulmate. Parang I don't belong there pag wala si Soulmate. Para akong outcast sa sarili kong pamamahay. Buti na lang talaga at pinayagan ako ng mga magulang ko na dito muna ako sa bahay mag stay. May net din kasi dito at makakachat ko pa si Soulmate. Nakita ko din ang pagkakaiba ng perosnal kayong nagkakausap at ang pagcha- chat lang sa net. Pag nagcha- chat kasi, hindi ko siya mahawakan, ni hindi ko man lang mayakap...

Dahil ito na akong birthday week, ang post na ito will be all about my birthday para masaya... ***Now lets change the mood!!!

Gusto kong batiin ang sarili ko ng isang happy happy happy birthday!!! Hulaan niyo na lang kung ilang taon na ako ah dahil hinding hindi ko aaminin! hehe! Clue: Below twenty! Akalain niyo, nakaabot ako sa edad na ito. Thank you God at pinaabot mo ako sa ganito, kahit minsan nagtatampo ako sayo kasi hindi mo tinutupad ang mga importanteng wishes ko. Alam ko namang hindi lang ako ang tao sa mundo at baka ang wish ko ay hindi kasing importante ng wish ng iba pero God, I've been good naman di ba? Gusto ko ding pasalamatan ang mga parents ko na super naging understanding sa akin. At sa mga kapatid ko at kay Soulmate na ini- inspired ako. At ang mga friends ko dito sa blog world na too many to mention, I thank you all. Mwahhhhhh!!!

Para sa akin isang milagro na ang pagbi- birthday. Kahit nga bawat gising ko sa umaga, iniisip ko, aba buhay pa pala ako. *Thank God for that. Ibig sabihin hindi pa tapos ang mission ko sa mundong ito.

Ano bang wish ko ngayong birthday ko?

Wish ko sanang mag spaghetti o kahit pansit na lang, wish ko din na sana makasama ko ang family ko sa birthday ko, wish ko din magkaroon ng kandilang hihipan para matupad ang wishes ko, kahit wala ng gifts, ang pagbati at pagalala ay sapat na... Yun lang po!

Oprah Winfrey
The more you praise and celebrate your life, the more there is in life to celebrate.

Saturday, October 10, 2009

I'll be Waiting...


Isa sa mga pinakapaborito at ang pinakaayokong lugar in the same time ay ang airport. Sa lugar na ito kasi ay magkakaroon ka ng sari saring emosyon na di mo akalain ay posible pala na mangyari sayo. At sa airport it will always be two things: Arrival and Departure. Sa arrival, masaya. Ibig sabihin, ay may dalang pasalubong, o di naman kaya ay simula na ang bakasyon. Sa aming dalawa ni Soulmate, it means renewal. Dumaan kasi kami sa isang matinding pagsubok at ang pagdating niya dito sa Hong Kong ay nangangahulugang pagbabagong buhay namin bilang magasawa. Noong dumating siya ay napagusapan namin ang mga bagay bagay na dapat pagusapan para maayos na once and for all ang gumuguhong relasyon. We never failed naman dahil it was indeed a success. Natutunan naming mag adjust bilang magasawa at natutunan namin kung ano ang mga hindi dapat gawin. Marami din kaming naeperience na magkasama at sa totoo lang ay sobrang naging attached na kami sa isa'tisa kumbaga sobrang dumidepende na kami sa isa't isa. Na-realize ko nga na of all of the people in this world, isa lang talaga ang taong kahati ng puso mo. Soulmate is my other half at kahit bali baligtarin ang mundo ay hindi na siguro magbabago yun. And without him it will be just the half of me, dying.

Kahapon ay pumunta kami sa immigration para magpa extend pero di na siya pinayagan. In the process na naman daw ang dependent visa pero sa pinas na lang daw siya paghihintayin dahil ngayon daw di na valid na rason sa pag extend ng stay ang paghihintay ng dependent visa. Sabi ng mukha namang mabait na immigration officer ay, "We understand you want to be together but you just have to be patient but he have stayed here for two months already, he can just wait for the visa in the Philippines." Ibig sabihin ay kung sakaling naaprubahan ang visa ay yun na ang gagamitin niya pagbalik niya dito sa Hong Kong. I was surprised at maluhakuha at the same time, kung nadadaan lang sana sa luha ang officer na yun ay iniyakan ko na siya peromukhang imposible ang iniisip ko at baka sayangin ko lang ang luha ko so I just tried to accept ang hatol. Tama nga ang sinabi ko sa last post ko, nasa immigration pa din ang desisyon kung magsasama kami ni Soulmate o hindi. Actually kaya humigpit ang immigration ngayon ay dati kasi ay may nagkukunyaring magasawa para lang madependent ang isang tao which is mali naman. At nag comment pa nga pala ang officer na ang bakitdaw ang bata bata pa namin ay nagpakasal na kami, ang isinagot ko na lamang ay "It's a long story." dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga kayang i-explain sa kanya ang mga pangyayari, kumbaga kulang ang buong araw para makwento sa kanya kung paano nagsimula ang lahat, at sa tipo niya ay mukhang maiintindihan niya naman kasi nga mukha siyang mabait, o di naman kaya dahil magaling lang talaga siya mag deliver ng masamang balita. Ang batas ay batas. Kaya wala kaming choice.

And here comes the departure part. Kanina ay inihatid ko na si Soulmate sa airport at siguro kung tatantyahin ay isang tabo na din ang iniyak ko, sumakit na nga ang ulo, mata at lalamunan ko. Naaawa na nga ako sa mga unang iniiyakan ko, sa damit ni Soulmate at sa damit ko na din. Si SM naman ay nakitaan ko ng lungkot pero nase- sense ko na pinipilit niya lang ding maging masaya dahil ayaw niyang magpakalungkot. Samantalang ako sa sobrang bigat nga ay di ko na lang pinigilan dahil pakirandam ko sasabog ang lalamunan ko pag hindi ko ginawa at mukhang mumutain lang ako pag di ko nilabas ang mga namumuong luha ko. Feeling ko nga bakit ganoon, pinipilit namin na magsama ni SM pero bakit there will always come a time na may magsasabi na "O tama na, tama na, back to reality na tayo." How cruel...

Paano ba 'to, magce-celebrate na naman ba ako ng birthday ko na walang kayakap o kahalikan man lang? Di ba ako deserving na sumaya. Sa huling pagkakaalala ko, hindi rin maganda ang last birthday ko eh. Ang naaalala ko na lang na pinakamagda kong birthday ay noong 18th birthday ko kung saan trinato akong isang prinsesa sa buong araw, I just feel lucky at that day. Pero ngayong taon na 'to, paano ba? Tawagan ko na lang kaya ang immigration officer at sabihing, "Birthday ko naman eh, pa birthday mo na 'to sa akin." Pwede kaya yun? Kaapelyido ko pa naman siya.

Kakatawag nga lang pala sa akin ni SM, nasa Pinas na daw siya. Ako naman ay balik sa bahay ng parents ko kung saan pwedeng mag net at magupdate ng kung anu- ano. Paano ba 'to mukhang balik na naman kami sa pagcha- chat. *Shrug* Naisip ko lang, malaki pala talaga ang kaibahan pag magkasama na talaga, kumbaga iba ang personal na naghahalikan o nagyayakapan kaysa sa computer screen ang nagbebenefits ng laway mo. Sa totoo lang miss ko na nga din ang little house in the city namin eh. Kamusta na kaya yun? Naabondana na naman kasi ang bahay na yun. Balak ko nga bisitahin yun araw araw although I know it will never be the same without Soulmate.

In conclusion, isa lang naman talaga ang kinatakutan ko, ang magisa. And with Soulmate, actually hindi ko narandaman na magisa ako. Siya lang kasi ang tipo ng tao na kahit kayong dalawa lang, feeling mo, isang dosena na kayo. Meron naman kasing klase ng tao na kahit madami kayo ay pakirandam mo ay magisa ka lang.

So for now, I'll be alone for a while. Alam ko naman na babalik din si Soulmate, so kung dati siya ang naghihintay sa akin, maybe it's my turn this time. I'll be waiting...

Monday, October 5, 2009

Worries and Stuffs

Ilang linggo na kaming naghihintay ng sulat galing sa immigration. Magdadalawang buwan na si Soulmate dito at mae- expire na ang visa niya pero kahit anino ng sulat na hinihintay namin galing sa immigration ay di man lang namin makita. Nakakakaba at nakakatakot. If there's one thing na kinakatakutan kong mangyari, yun ay ang magkahiwalay na naman ni Soulmate. Dahil sa totoo lang takot akong magisa at kung may tao mang makakapagpawala ng pakirandam na iyon ay siya na yun. Kumbaga kahit gaano na kasama or nakaka-stress ang trabaho ko, just his presence his enough, nagtatalo man kami or hindi. Sa ngayon ay nakasalalay ang pagsasama namin sa desisyon ng immigration. I tried thinking positive pero we're running out of time and this time I really can't bear to be not with him again kahit ba minsan ay sobrang pinapainit niya ang dugo ko. kakaiba ang level ng happiness pag kasama ko siya.

October na nga pala and it means birthday month ko na. Huhuhu, madadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko. Sa inilagi ko dito sa Hong Kong, hindi na ako gaanon ka excited sa birthday ko, siguro dahil sa mga nakakainis na pangyayari sa buhay ko these past few days. Pag naaalala ko nga ang mga pangyayari na gusto ko na lang kalimutan ay iniisip ko na lang si SM and of course, my family. Tama nga sila, pag galit na ang buong mundo sayo, they will be there for you no matter what. There will always be a way para mapasaya ka nila kahit pa hindi mo pa sinasabi ang problema mo, and of course nandyan din ang mga loyal friends ko, they never cease to be always there especially Ahren, Jmie, and Mayyang. I would not know what to do without your support, di niyo alam kahit sa konting bagay lang ay napapasaya niyo na ako. And of course si God, who give me strenght all the way. Well kung nagtataka kayo kung ano ang pinagdadaanan ko? Well, mahirap sabihin kasi hindi siya appropriate na sabihin sa blog. *Sabi sa rule ng pagblo- blog ay isa yun sa mga hindi mo pwedeng banggitin lalo na kung ang kasama sa problema mo ay mababasa ang blog mo. Alam mo yun? Clue na lang: tao siya at siguro kung meron lang akong pana ay pinana ko na siya. Ooops, nadulas ako.

Well moving on, I better go back to what I am reading right now dahil it's almost 2 pm on my clock. At kung ano mang ang nagwo-worry sa akin ngayon, well let it take care of itself right? I have better things to do anyway. Ciao!

Friday, September 18, 2009

Little House in the City


Sa buong buhay ko at kung tama ang memorya ko, anim na beses na kami lumipat ng bahay mula noong baby pa ako. Sa Pilipinas lang iyon and it means ilang bahay na din ang tinuring kong tahanan. Alam niyo naman na malaki ang pagkakaiba ng bahay sa tahanan. Ang bahay ay structure lamang samantalang ang tahanan ay lugar kung saan ka natutulog, kumakain o kung saan ka nakatira magisa ka man o may kasama kang pamilya. At noong nagaaral pa ako, it's always either of the two. Either excited na ako umuwi o ayoko pang umuwi kaya gagala muna or tatambay kung saan saan. Pinakamatagal kaming tumira sa bahay namin sa Cavite na mahigit sampung taon din naman. Dito na ako nagdalaga at dito na din ako nagkaisip ng matino tino, hehe. Marami akong alaala sa bahay na yun pero dahil sa financial na problema namin ay naisipang ibenta ang bahay at kinailangan pa namin rentahan ang sarili naming pamamahay at sa bandang huli ay lumipat din kami sa Cebu. Ang layo no? Cavite na, naging Cebu pa. Pero laging sinasabi sa amin ni Mama na mas ayos doon sa Cebu manirahan dahil nandoon ang mga kamaganak namin. Yup, bisaya po kami at marunong din akong magsalita kahit di ako pinalaki doon dahil yun ang second language sa bahay namin.

Noong nandito na ako sa Hong Kong, dalawa lang naman ang naging tirahan ko bukod doon sa bahay ng Auntie ko kung saan ako dati nakiki- internet. BTW halos doon na nga ako tumira dati pero syempre may hiya pa ako kaya umuuwi pa naman ako sa amin. Una ay ang bahay ng Daddy ko at pangalawa ay ang bahay na tinitirhan namin ngayon ni Soulmate.

Maliit lang talaga ang kwartong tinutuluyan namin. Ganoon talaga dito sa Hong Kong, ang tipid sa space at syempre mahal. Kasing laki lang 'to ng kwarto ko noong nasa Cavite pa ako kaya naman parang sikip na sikip ako noong una at dahil nagtitipid ay kinuha ko na itong walang bintana. Grabe, ang init. Ni hindi namin nakikita kung umaga na ba kasi palaging gabi kung walang ilaw, Sad. Pero ano bang magagawa ko? Eh sa eto pa lang ang kaya ko ngayon. Everybody has to start somewhere di ba? Kahit ba gaano lang ito kaliit. Sa kwarto namin na ito ay nandoon na ang kama, ang ref, ang cabinet, maliit na stove at ang banyo. Kinuha ko din 'to dahil nga fully furnished na din, may kasama ng aircon, electic fan, heater, thermos. Actually ang cute niya kung titingnan. At hindi ko siya nilinisan hangga't di dumadating si SM dito sa Hong Kong kasi naman sa totoo lang napakatamad ko maglinis. Pag nakita mo kong naglinis, please consider it is as a miracle. Ayoko sa madumi at makalat kaya naman asar na asar sa akin si SM na hindi ko naman masisisi kasi naman napakareklamador ko daw pero magaling lang naman daw ako magutos. Later on, after ilang weeks, narealize ko na mali nga yung ginagawa ko kaya I tried reducing my demands and act on my own na lang, kumbaga kung gusto kong maayos ang bedsheet, ako na ang nagaayos. Oh, I'm so proud of myself at sa tingin ko proud din sa akin si SM. Naku dapat lang no, hehehe. Akala ko dati madali lang ang magkaroon ng tahanan, pero actually you have to maintain it. Linisin araw araw kung ayaw mong mabahayan ng ahas or ng daga.

Sa ngayon ay iniisip ko pa kung paano siya mapapaluwag pero kahit anong gawin ko, ayaw niya lumuwag. Baka naman kailangan ko lang magpapayat? What do you think? Hey. I'm trying pero bakit ba ang sarap sarap na lang humiga at manood ng TV pagkatapos kumain?

Sa totoo lang, sa mga oras na ito ay namro mroblema ako kung paano babayaran ang internet. Kasi binabayaran ko naman siya pero tumaas lang ang bill? Paano nangyari yun? Hay naku, di ko kasi siya nabayaran ng ilang buwan before kaya heto dumadagdag ang interest. Actually sa bahay ng parents ko yung internet na yun noong doon pa ako nakatira. At actually sine- save ko lang sa USB ang post na ito at copy paste lang tomorrow pag nasa office na ako. Nakakainis dahil hindi ko naman nagagamit ang net sa bahay ng parents ko pero bakit kailangan ko pa bayaran? Kakaasar. Okay, ginamit ko so babayaran ko, pero binabayaran ko naman ah, di nga lang kumpleto. *Shrug!
Anyway umiinit na dito sa kwarto namin and so I'm thinking of turning the aircon on and turning this laptop off. Naiisip ko na din makipag loving loving for a while with my Soulmate dahil after a long day in the office, yun lang naman ang hinahangad ko. Makauwi sa bahay namin at makapag relax. There's no place like home nga di ba?

Tuesday, September 8, 2009

Dad's Bday



Tuwang tuwa ako ngayong araw na ito. Birthday kasi ni Dad at nangyari ang isa sa mga hindi inaasahan. Ilang araw ko ng iniisip kung ano ang magyayari kung sakaling nalaman ng Daddy ko na nandito na si Soulmate, lalo na pag nalaman niya na kasal na kami. Alam kong mali na itago sa mga magulang ko na kasal na ako. I was very young at that time which is what? Last year? At siguro matigas ang ulo ko noong time na yun at kahit pa alam kong bawal ay syempre ako pa din ang masusunod. Ang motto ko pa naman noon ay Buhay ko 'to and I'm gonna do what will make me happy. Irrational man yan o hindi, yan ang sinusunod ko.

Naglalakad na kami papunta sa meeting place namin which is Mcdonalds at talagang kinakabahan na ako. Actually the day before sinabi ko na sa Daddy ko na nandito na si Soulmate at sinabi ko na din na kasal na kami. Pero kumakain kami noon at mukhang nasa good mood siya kaya parang wala namang gaanong reaction. So alanganin pa talaga kung okay ba talaga o hindi. Baka kasi nagiilusyon lang ako noong isang araw. Mahal ko ang mga magulang ko at higit sa anu pa man, sila ang mga taong ayoko talagang saktan although minsan, dahil nga sa tigas ng ulo ko ay nakakagawa ako ng desisyon na hindi tama and it leaves them, sometimes heartbroken. At dahil hindi na ako bata, ayoko ng maulit ang mga pagkakamali ko dati. I wanted to make it right this time.

Hawak kamay kami ni Soulmate at kahit malayo pa lang ay nakikita ko na ang Mommy at Daddy ko na nakangiti. Oh my gulay!!! Hindi naman nagtagal at ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa. Niyakap ko ang Daddy at binati ng Happy BIrthday. Si Soulmate naman ay nagmano kay Mommy at Daddy at bumati din. Nakangiti ang lahat ng tao.

"O tara na, kain na tayo." sabi ni Mommy. "Ang tagal niyo naman, kanina pa kami nagugutom."
"Saan tayo kakain?" tanong ko.
"Doon tayo sa masarap, patikimin mo naman si Mac ng chinese food."
"Mukhang bumabata si Daddy ah." puna ni Soulmate.
"Syempre nandito ako no kaya masaya yan." sabi ni Mommy na sinangayunan naman ni Daddy.

Kumain kami sa isa sa mga paborito naming chinese resto at may mga moments pa nga na si Daddy ang naga- approach kay Soulmate. At dahil hirap na hirap si Soulmate sa chopsticks ay tinulungan siya ni Daddy. Kinuhaan siya ng spoon para mas makakain si Soulmate ng maayos. Tinuturuan din ng ilang chinese na salita at nakakatawa dahil ang tigas tigas ng dila ni SM. Hindi nagkaroon ni isang segundo ng tensyon, everyone is in a relaxed mode, nagsasaya hanggang sa magpaalam kami para umuwi.

Na-realize ko na hindi mababayaran ng pera ang masayang araw na ito. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
Na-realize ko din na sa lahat ng tao mga magukang mo lang talaga ang tunay na makakaintindi sayo. Sila lang, without question ang makakatanggap kung ano ka dahil sino pa nga ba ang magdadamayan kundi kami kami din naman. I feel so happy at talagang madami akong na-realize. Bago pa nga kami umalis ay sinabihan kami ni Daddy na kung gusto daw namin ay kokontakin niya daw ang pinsan ko para magkaroon kami ng libreng ticket sa Disneyland. Weeee!!!

Thursday, September 3, 2009

Good Old Days

These past few days nami- miss ko ang mga panahon na bata pa ako at maliit pa ang problema. Nami-miss ko ang mundo kung saan ang tanging problema ko lang ay ang mga assignments ko lang, mga projects sa school, ang panahon kung kailan pagaaral lang ang inaatupag ko, nami- miss ko ang panahon na ang tanging pinoproblema ko lang ay kung may dumi ba ako sa mukha o kung nakatingin ba sa akin ang crush ko? Nami- miss ko ang panahon na magkakasama kaming magkakapatid tapos maglalaro o di naman kaya magkwe- kwentuhan sa garden namin. Nami- miss ko ang panahon na di ko pinoproblema kung ano ang kakainin ko dahil palagi namang masarap ang pagkain na luto ni Mama, hotcake, sinigang, adobo, sisig, tinola, pancit, spaghetti at iba pa. Nami- miss ko din ang mga panahon na tuwing Linggo dahil puro luma ang mga tugtugin sa radyo ay papalakasan ang stereo at halaos manganig ang buong bahay at maaasar kami dahil bawal kami manood ng tv pag Linggo dahil istorbo sa pakikinig ni Mama ng Begees, Air Supply, Bread, Beetles, Kenny Rogers, Madonna, Cyndi Lauper, Bryan Adams at sari sari. Nami- miss ko din ang tuwing Sabado ng gabi na pagsisimba tapos pag uwi namin bibili kami ng isaw, dugo at bbq tapos manonood kami ng Jessica Soho tapos Imbestigador. Gusto kong bumalik sa panahon na tuwing Linggo ay pupunta kami sa SM para mag grocery tapos kakain, masaya na kami dun. Gusto ko din balikan ang panahon na magaaway kami ng kapatid ko over simple matters, like kung kanino ang kulay ng damit na ito or kanino ihaharap ang electricfan. Bawal din kami lumabas kapag mainit, bawal mag boyfriend, bawal magtagal sa telepono, bawal umuwi ng lampas sa curfew. Nami- miss ko ang panahon na yun, kung saan kahit wala pang masyadong freedom, masaya na ako sa mga simpleng bagay lang.

Gusto kong balikan ang panahon na okay pa ang lahat, ang panahon na naging masayang masaya ako, yung tipong di matatawaran ang saya na nadadama ko.

Ngayon kasing malaki na ang mundo ko, at malaki na ako, kailangan ko ng magtrabaho, ultimo susunod naming kakainin ay pinoproblema pa. Hindi naman ako nagrereklamo. Feeling ko kasi pahirap ng pahirap ang mga bagay bagay. Mas kailangan mong makisalamuha sa tao, nagkakaroon ka ng kasalanan, mas nagiging expose ako sa mga elemento ng mga grown ups. Now that I have the freedom, sometimes I feel lonely. Suddenly, proproblemahin mo ang pambayad sa bahay, sa kuryente. Iisipin mo pa kung saan mo huhugutin ang pang shopping mo dahil usually talaga ay bumibili ako ng damit every month. Lecheng recession kasi yan. Ngayon, mabilis ng ma- oily ang mukha dahil sa stress, nagkakaroon tuloy ng wrinkles. Dagdagan mo pa ng house hold chores, ang paglalaba, paghuhugas ng plato, paglilinis. Tapos I have to live on my own na din. I have to stop going to school and then go to Hong Kong and then work. Kailangan kong malayo sa pamilya para matugunan ang mga pangangailangan. Ang laki ng responsibilidad that sometimes, I can't help but be afraid.

Sometimes, I want to go back kung saan ang lalaki ng pangarap ko at feeling ko kayang kaya ko ang lahat. I want to back when the life is so much easier. (Ngayon kasi easy na lang, hehe!) Pero we all have to grow up and face life. We just have to pray for the strength to make it through.

Monday, August 31, 2009

The Senyorita


Ilang araw na din akong may sakit, inuubo, sinispon at nilalagnat na para bang may H1N1. Pero sa awa ng Diyos, buhay pa din ako hanggang ngayon. Sinulat ko ito hindi para sa sakit ko, (ano siya, sinuswerte?) kundi para ipangalandakan sa buong mundo na masaya ako kahit may sakit. Bukod sa mga magulang ko ay inalagaan ako ng mahal kong asawa. Sa bachelor's pad na tinitirhan namin ngayon na kasing laki lang ng kwarto ko sa Pilipinas, napatunayan ko na ang swerte ko pala talaga. Isang Linggo na din akong may sakit at isang Linggo na din akong nilulutuan, pinapainom ng gamot at hinihilot sa likod ni Soulmate. Minsan masarap magkasakit lalo na kung may magaalaga sayo. Lahat ng request ko kay Soulmate ay ginagawa niya. Pag gusto ko ng juice, pinagtitimpla niya ako. Kung gusto ko ng sinigang, ipagluluto niya ako, may kasama pang subo yun. Kulang na nga lang ay siya ang magpaligo sa akin pero sa kasamaang palad ay iisang tao lang ang kasya sa banyo namin.

Actually sa dalawang linggong pamamalagi dito ni Soulmate ay siya lang naman talaga ang gumigising sa umaga para ihanda ang pagpasok ko sa trabaho. Siya ang naga- alarm, bumabangon, nagsasaing, nagluluto ng kakainin, habang ako naman ay naghihlik at naghihintay na matapos siya sa gawain niya saka niya ako gigisingin para maligo. Naalala ko noong bata pa ako ay nasabihan ako ng Tita ko na paglaki ko daw ay kailangan ay magasawa ako ng lalakeng susubuan ako pag kumakain dahil napakasenyorita ko daw. Tama siya doon dahil bata pa lang ako ay wala na akong hilig sa mga gawaing bahay. Maghanap daw ako ng lalake na maglilinis ng bahay, ng lalakeng paliliguan ako o huhugasan ang pwet ko o di naman kaya ng lalakeng kayang mag afford ng katulong. Pero sa panahon ngayon kukuha ka pa ba ng katulong lalo na kung ang liit ng tinitirhan namin? Hindi man ako nakuhaan ni Soulmate ng katulong ay siya naman ang gumagawa ng gawaing bahay at pagaalaga sa akin. Spoiled ako sa kanya at syempre ginagantihan ko din naman siya ng toding lambing. And of course satisfaction. Yun lang ata ang gawaing bahay kung saan ako "the best" talaga. Joke yun syempre, hehehe!

Natutuwa ako dahil tinupad niya naman ang mga sinabi niya na aalagaan niya ako pag magkasama na kami. He never fails to do that. Feeling ko pag siya ang nagaalaga ay magaling na ako agad. At natutuwa ako dahil kahit anong i- request o iutos ko sa kanya ay ginagawa niya, hindi nga lang agad agad pero he still do it. Kahit ba ang kulit kulit ko at magtatalo na kami dahil sa kakulitan ko ay ayan pa din siya, obedient to the greatest senyorita in his life.