ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, November 15, 2008

Wisdom Tooth

Sabado ang pinaka paborito kong araw sa isang linggo. Siguro dahil half day lang ako sa labas at nagkakaroon ako ng oras para sa sarili ko. Madalas akong nagte- take out sa Mcdonalds at kumakain dito sa aming bahay. Pero sa panahon ngayon, masakit ang ngipin ko. (buti nga di halata sa pic ko eh, kuha yan kaninang umaga!) Sa totoo lang, naiinis na ako dahil di ako makakain ng maayos sa loob ng isang linggo. Oo, mahigit isang linggo na sumasakit ang ngipin ko at sa tingin ko mngangayayat na ako dahil di ako makakain ng pork o kahit anong matigas o mahirap lunukin na pagkain. Kailangan palagi akong may sabaw at maliit na portion lang ang meat consumptions ko. Tama ba yun? Masarap kumain sa totoo lang. Pero kung sabaw at kanin lang kakainin mo, wala man lang thrill sa pag nguya di ba? Anyway, ngayon alam ko na kung gaano kaimportante ang pag nguya ng isang tao, Ang importansya ng ngipin. Ngayon di ko lang man sila magamit ng maayos. At dahil sobrang nagcre- crave ako sa sa Mcdonalds, pinagbigyan ko na lang ang sarili ko at bumili ng large fries at Mcflurrry (oreo flavor!).


At least di ko na kailangan ngumuya di ba? Anyway, sabi ng aking Itay, magpa- check up na daw ako para malaman ang tunay na dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Pumunta kami sa isang dental clinic. Oo alam ko, ang tanga ko dahil pinaabot ko pa ng isang linggo bago ako nag desisyong magpa- check up, kasi naman ay ni minsan di ko pa naranasang ako yung ma- ospital dahil sa totoo lang hanggang albularyo lang ang afford ko eh. O dapat ko bang sabihin doon lang ako dinadala ng aking Inay para maipa- hilot pag nilalagnat ako. Madalas kasi akong napipilayan dahil malikot daw ako. Ewan ko ba. So, kanina nagpa- check up na ako sa isang dentista nangangalang Dr. Dennis Ma at sabi niya meron daw akong wisdom tooth na tumutubo pero may humaharang daw na ngipin kaya siya masakit. At meron pang issue na nagbubunggo din ang ngipin at gums ko. Kamusta naman iyon? Kaya kanina ang dinner ko ay ang mga sumusunod:

Madalas chinese food ang kinakain namin, miss ko na din ang filipino foods. Iba naman kasi talaga. But with my condition now, I can't barely eat. At least di ko na kailangan mag diet di ba? At eto ngang magkakaroon na ako ng wisom tooth, ang ibig sabihin ba nito ay magiging wise na ako sa mga bagay bagay. Eto nabasa ko sa Wikipedia, "When they appear, the person is considered to have better judgement than that of a child". Akalain mo yun? ibig sabihin, may connection nga yun sa mga desisyon mo or something? I don't think so. Susubaybayan ko na lamang ang mga desisyong ginagawa ko. Well, lets see.

No comments: