ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Tuesday, December 30, 2008

2009 here I come!

Okay, last post na ito para sa taong ito at bago matapos ang taong 2008 ito, gusto kong ipakilala ang ilan sa mga taong nagpapasaya sa akin ngayong taon na ito. Malupit ang taong 'to sa akin pero meron pa ding "someone" na kahit napakatigas ng aking ulo at kahit lagi ko inaaway ay pinagtyatyagaan pa din ako bilang parte ng buhay nila at ni minsan, ni nagawang itakwil ako although may mga kasalanan ako.

Unahin muna natin ang aking Mom na madalas kong naaway, nasasabihan ng problema, madalas na pinapasakit ang kanyang ulo, alam niyo ba na hanga ako sa kanya dahil kung di dahil sa kanya, wala ako sa mundong ito at kahit napakatigas ng aking ulo, alam ko mahal niya pa din ako. Mahal ko pa din naman siya. Madalas niya akong binibilhan ng siomai dahil alam niya favorite ko yun.

At syempre sa aking Daddy, I'm so proud dahil ikaw ang naging Dad ko, meron kang paninindigan at salamat din dahil never mo akong pinahugas ng plato. Salamat dahil ikaw nagluluto ng dinner at lagi mong nire- report kung malamig ba bukas. Salamat dahil spoiled mo ko dati nung bata pa ako pero ngayong malaki na ako, siguro ganoon pa din. Alam ko ayaw niyo pa akong mag asawa pero wag po kayo magalala, di ko makakalimutan ang aking responsibilites. Kayo ata ang nagpalaki sa akin.

Sa aking dalawang kapatid, lagi kayong magaaral mabuti. Wag kayong magalala, di pa ako

mamamatay bukas. Pasensya na kayo sa inyong Ate kung minsan ay mas bunso pa ako sa inyo. Alam ko naman na baby face ako pero alam ko na dapat ay nagpapala- panganay ako sa inyo. Wag kayong magalala, lalabas uli tayo sa Feb, san niyo ba gusto?

O di ba? Manang mana sa akin ang aking mga kapatid, may mga hitsura! O wala ng kokontra! Ang kumontra nawa'y magka- almoranas.

Salamat din ng madami sa aking "Soulmate". Ang mga nagsasabi na multo ang aking "Soulmate", nagkakamali po kayo dahil siya ay for real. Mabuti pa ay bisitahan niyo ang site namin ni "Soulmate" pero nagsisimula pa lang kami so more to come pa yang mga post namin sa blog na yan. Soulmate, thank you dahil napapasaya mo pa ako sa madaming paraan. Alam kong malayo pa ang mararating natin. Remember 'till the end of time ha!

Sa mga nasa itaas mahal ko kayo, sana ganun din kayo. LOL!

Oo nga pala, salamat din sa mga sumusunod na tao dahil nagawa nilang makulay ang mundo ko.

Sa aking best friend na si Jmie, friend miss ko na ang tawanan nating dalawa. Si Jmie ang taong kahit di nakakatawa ay gagawing nakakatuwa ang mga bagay- bagay at talagang di ko mababagot kapag kasama mo siya. Siya ang kasama ko sa vidoeke, sa malling at laging nagkakasundo ang aming mga utak.

Akala na nga ng iba tibo kami pareho eh pero FYI, pareho po kaming KIKAY!

Sa aking mga Varsity mates, lalo na sa aking LOLO na laging pinapalakas ang aming mga loob looban sa pamamagitan ng pagdadala ng saging kapag kami ay may laban, madaming madaming salamat.

Salamat din sa aking Prof sa Accounting, Law at Taxation. Gusto ko po malaman niyo na malaki ang nagawa niyong parte sa aking buhay. Feeling ko ang talino ko na at hindi maloloko ng gobyerno o ng cashier dahil sa mga natutunan ko sa inyo.

Salamat din sa CMYG, iyon ang youth group ko noong ako ay nasa college.

Salamat din sa nagco-comment sa aking blog. Di niyo napaparandam sa akin na isa lang akong papansin sa blogsphere na ito. Salamat dahil narandaman ko pa din na welcome ako para i-express ang aking mga feelings. Hayaan niyo nafe- feel ko kasi talaga na this is my destiny. So magblo- blog ako hangga't meron pa akong masusulat.

Salamat kay God, I love you so much Lord!

Salamat din sa inner me. Dahil kahit gravacious ang taong ito, nanatili akong matatag sa hamon ng buhay. Salamat Cindyrella dahil hanga talaga ako sa iyo. Napaka- swerte ko at ipinanganak ako bilang ikaw. I luv yah gurl!

P.S. Salamat sa mga taong naging bahagi ng aking magulo pero masayang buhay. Alam niyo na kung sino kayo. Magpapakabait kayo. You'll alwaays be a part of me.

Sa inyong lahat, HAPPY NEW YEAR!!!

Myspace Graphics

2009 HERE I COME!!!

Sunday, December 28, 2008

New Year's Resolution

Malapit na ang new year, as in ilang araw na lang. Ibig sabihin new year, new life. Panibagong new year's resolution na naman. Dahil eto ang time para baguhin ang ating mga sarili and to make ourselves a better person. Meron akong binabasang libro ngayon, isa siyang "30 day plan to transform yourself from a job slave into the master of your destiny". Kagabi, binasa ko siya at doon nakapaloob ang mga mantra na sasabihin mo sa sarili mo, once na nawalan ka ng faith and hope sa pag abot ng iyong mga pangarap. Grabe effective siya. Dahil sa totoo lang, ayoko na maging office slave! LOL! Joke lang po. I mean mas pangarap ko po kasi yung sundin ang sarili kong rules, meaning mas gusto kong magtayo ng sarili kong company. Nagtrabaho lang ako para matugunan ang aking pangangailangan na Mcdonalds every Saturday at pambayad nitong internet at ang installment ng aking laptop. At isa pa, gusto ko din namang makatulong sa aking family. Pero alam mo ba kung ano talaga ang aking dream job? Ang dream job ko ay magsulat ng magsulat. As in forever, nobela, blog, balita at kung anu- ano pa. At isa pa, gusto ko din matuto ng madaming bagay sa mundo. Gusto ko din mag lakbay sa buong mundo kasama si "Soulmate".

Ilan yan sa mga bagay na gusto kong gawin now na pero di ko magawa dahil may mga kupal pang problema sa aking daanan. Kailangan ko muna silang linisin na parang *** ng aso sa kalye.

Heto nga pala ang aking new year's resolution sa taong 2009:

1. Magiging mas positive na ang outlook ko sa aking buhay. Mas magiging thankful na ako sa araw araw ng aking life.

2. Kung may dadating mang problema, di ko sila tatakasan, bagkus haharapin ko na sila ng buong puso. Mas magiging matatag na ako sa hamon ng buhay.

3. Ang mga desisyon na aking gagawin ay pagiisipan ko muna ng mabuti para hindi ko sila ma-regret pagdating panahon.

4. Gagawin ko ang mga bagay na makakapag pasaya sa akin. Hindi ko na muna masyadong iisipin ang ibang tao at mas papansinin ko muna ang nararandaman ko. Eto, kung mabait sila, mabait din ako at kung bad sila, I'll be the worse. Masyado din kasi akong naging mabait this year. (insert evil laugh: hahahaha!)

5. Mag titipid na talaga ako at di na ako bibili ng mga bagay na di ko naman talaga gagamitin.

6. Sa library na lang akomanghihiram at magbabasa ng books, di na muna ako bibili.

7. Mas magiging firm na ako sa sasabihin ko, I'll be a girl of my word.

8. Mas mapapadalas ang aking pagblo- blog.

P.S. Magbabago na po ako ng hair style. Papakulot na ako ^_^

Saturday, December 27, 2008

Love Bus

Kanina napag kwentuhan namin ni "Soulmate" yung tungkol sa driver nung school bus kung saan kami naging close ni "Soulmate". Ganito kasi yun, nakatira kami sa may bahagi ng Pilipinas kung saan di ganoon ka- modern, sinasabing tapunan daw ng patay, well, malapit kami doon pero sa lugar namin, bihira magkaroon ng gulo. Noong una, tahimik lang talaga yung lugar namin. Bata pa naman kasi ako noon. Gigising ng 4:45 at sakka maliligo sa pinainit na tubig ng Ate Leds (ang nagalaga sa akin mula nung ako ay nasa grade 3 pa lamang), tapos kakain ng almusal at pagkatapos bandang 5:45 dadating ang aking school bus. Dahil nga nasa dulo ang aming bahay ako ang pangalawa sa sinusundo at kailangan ready na kasi ang Mama ko feeling ko siya ang papasok, mas excited pa sa amin dahil nga ayaw niya kaming ma- late. Madilim pa kapag sinusundo kami ni Kuya Roms dahil nga 7:00 ang pasok namin. Nakakatamad pero no choice.

Napagusapan namin ni "Soulmate" ang mga pangyayari pag siya na ang sinusundo. Siya ata ang 3rd to the last o 2nd. Di ko na maalala pero mapupuno na ang bus pag siya na ang susunduin. Naaalala ko pa nga na pag sasakay siya ng bus ay para siyang espasol dahil alagang alaga siya ng powder. Samantalang ako ay oily na dahil 30 minutes na mula nung sinundo ako. Maraming naiinis sa kanya kasi naman ang tagal tagal niya. Siya na nga ang pang huli pero nale- late pa din siya. Ako naman ay todo maktol kasi ang aga aga ko nga nagigising eh tapos pag daan namin sa bahay nila kumakain pa lang siya. Hayz!
Pero pag uwian naman, siya naman 'tong magpapahuli sa pag hatid eh siya nga dapat ang una. Ako ang pangalawa sa huli pag ihahatid at gustong gusto kong umupo malapit sa pintuan dahil sa wakas ay medyo solo na namin ang bus. Malayo sa kaninang siksikan at mabahong bus. Pero nandoon pa din si "Soulmate". Noong una di ko alam kung bakit gusto ng batang ito magpahuli sa paghahatid.

After 6 years, inamin niya din. Gusto niya daw kasi ako makita ng matagal. HA! Talaga lang?

Wala lang, sarap lang mag reminisce.

Thursday, December 25, 2008

Lonely is the night

Nasabi ko na ba sa inyo ang tungkol sa communication namin ni "Soulmate"? Gabi- gabi kaming nagcha- chat kapag weekdays at kapag weekends naman ay whole day. Hindi ko alam kung sa sitwasyon kong ganito, masuwerte ba talaga ako o ano? Alam ko it's too good to be true dahil kahit ganito ang sitwasyon namin (as in long distance naman kasi di ba?) nagagawa pa din niyang maging honest sa akin. Kanina dahil magsasara na ang computer shop na pinupuntahan niya dahil nga pasko, nakita ko sa mga mata niya na ayaw niya pa umuwi at gusto niya pa ako i- chat. Araw araw kaming ganito, pagkagaling ko sa trabaho, kakain lang ako at maliligo at pagkatapos ay mago- on line na ako at online din naman siya. Gabi gabi, sinusubukan naming punan ang mga moments na dapat ay magkasama kami na magkatabi at nagkukulitan. Siguro masasabi kong utang namin ang lahat ng ito sa MSN messenger. Nagagaa namin ang mag video call at yung para bang magkaharap lang kami at nag uusap. Pinaguusapan namin ang mga nangyari sa amin sa buong araw, ang mga gagawin namin kinabukasan, at mga plano namin at pagkatapos ay aming mga "sweet nothings". Sa totoo lang, masaya na ako sa paguusap naming iyon. Naranasan kong di siya maka chat at talagang di ako mapakali. Oo na, adik na kung adik, eh sa dito ako masaya eh. Madalas sinasabihan ako ng mga ka- office mate ko na wag naman daw araw araw kaming mag chat. Hay, sa totoo lang di ko sila mapakinggan kasi dito ako masaya. Masaya ako pag kausap ko siya. At sa totoo lang, sinong lalake ang uuwi ng 12:30 ng umaga galing sa computer shop para maka chat ako? Wala pang taong nag sacrifice para sa akin ng ganoon? Masaya ako dahil sa dami ng tao, merong isang ginagawa ang lahat makausap lang ako. Napapagalitan na siya at lahat, tuloy pa din. Minsan, may nagtatanong na din sa amin kung di ba kami nabo- borred sa ganitong buhay? Ang sagot namin ay palaging hindi dahil hindi naman talaga. Alam naman namin na matatapos din 'tong chapter na ito at magkakasama na din kami.

Kanina noong magsasara na ang computer shop, para siyang bata na iiwanan ng Nanay na pupunta sa kung saan. Ako naman, sinusubukan siyang pakalmahin at sinasabing bukas na lamang kami mag chat. Sinubukan niyang magmakaawa sa ng pabiro sa may ari ng computer shop pero di na siya pinagbigayn nito dahil pupunta pa ata sila sa kung saan. Narinig ko pa nga na sinabi niya na "Kahit po iwanan niyo na lang ako dito." Pero ayaw na talaga eh. Sinubukan niya pa ngang mag hintay pa ng ilang oras pero bukas na lang talaga.
Naiisip ko nga sana wala ng magbago. Sana ganito na lang kami palagi. Ayoko yung mga problema na may 3rd party or something. Dito kasi, madami na akong naririnig. Maga abroad yung isa taapos maiiwan yung isa. Tapos may mangangaliwa, may kakanan, tapos maglolokohan na. Sa tingin ko di ko kakayanin kapag nangyari sa akin ang ganyan. Parang ang hirap. Ayoko yun maranasan. Natatanong ko yun sa mga ibang taong nakaka experience ng ganoon at ang isasagot nila sa akin ay di iyon maiiwasan. Anong di maiiwasan? Di ko maintindihan. Kung mahal nila ang isa't isa, kung talagang gusto nila forever, bakit di sila gumawa ng paraan para magkasama, ba't di sila gumawa ng paraan para iwasan ang tukso? Bakit? Bakit? Bakit sinasabi nila na ganito lang ang mararandaman mo kapag bata ka pa dahil immature ka pa pero ano ba itong sinasabi nila na kapag matanda ka na, at pag nagasawa ka na mare- realize mo na sana nakipag date ka pa sa iba pang tao? Kalokohan! Ayoko mangyari yun, ayoko, ayoko, ayoko!!! Please God, keep this feeling alive! Ayokong maging tulad ng ibang tao na magmamahalan tapos bibitawan din naman sa bandang huli. Parang katanghan yun eh.

Wednesday, December 24, 2008

Diary

Eto ang unang pasko na wala ako sa Pilipinas at talagang hindi pa ako sanay. Hindi ko kayang walang Noche Buena, hindi ko kayang walang gifts, ayokong dadaan lang yung pasko na hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang, last year, ganitong araw, oras at panahon, nasa labas ako ng bahay namin at nagho- host ng isang Christmas Party kung saan nagtipon tipon ang aming mga kapitbahay. Ang saya saya. Madaming bata, may exchange gift at madaming pagkain. May palaro pa at rinig na rinig ang boses ko sa buong kanto namin, kapal ng mukha ko talaga. Sabagay, ang tanging magagwa ko lang ay pasayahin ang aking sarili. Nakakalungkot isipin pero ayoko namang palungkutin ang sarili ko. Ayokong maging parang double dead na manok. Patay na nga, pinatay pa ulit. Isipin na lamang natin ang mga positive. Aba aba, may natanggap ako today na mga regalo at birthday ng ka-office mate ko kaya nilibre niya kami sa KFC. Yum! Blessing, blessing!

Tatlo ang natanggap kong regalo ngayong taon na ito, bukod sa binigay ng Boss namin na christmas balls at Christmas basket na may laman na imported goods, nakatanggap ako ng mga sumusunod:
1.) Galing kay Ate Aileen mula sa Accounts Dept. Naglakad siya na parang siga papunta sa kinauupuan namin at sinabing, "Ano ginagawa niyo?" Aba naman may introduction pa! Ay saka niya binato na parang wala lang ang mga teddy bear sa amin na para bang nagpapasa lang siya ng panibagong trabaho. Sa akin talaga yung pink, ang cute cute niya talaga. Ano kaya ipapangalan ko sa kanya? Siguro Ally na lang, mula sa pangalan ng nagbigay sa kanya. May kinakapatid na si Sheepy the Sheep! Oh my, I feel so grade four. Feeling ko bumabalik talaga ako sa pagkabata kapag pasko. Natutuwa din ako dahil para ko siyang Auntie na binigyan pa ako ng kiss. Akala mo kung sinong siga eh no?

2. Binigyan din naman ako ng aking Nanay ng isang napakagandang brush. Meron siyang tubig sa likod at may shells shells pa sa loob. Meron ngang isang shell na may nakalagay na "I (heart) HK" Uhm, okay. Ano kaya gustong iparating sa akin ng Nanay ko? Nahahalata niya ba na isang beses lang ako sa isang araw kung mag suklay at isa na rin siya sa nabuburaot sa aking "bad hair day" *shrug*? How sad! Pero malay mo, pino- promote niya lang sa akin ang HK o di naman kaya ang pagsusuklay. Bata pa kasi ako at kahit hanggang ngayon, pinagsasabihan niya pa din ako kung ano ang dapat kong gawin sa buhok ko. Talian ba or whatever. Basta I love my Mom, kakatuwa at kaka- touch.

3. Mula naman sa aking Daddy, isang Diary. Napansin niya siguro na medyo naluluma na din ang aking diary. Tuwing umaga kasi ako nagsusulat doon habang umiinom ng kape at nanonood ng National Geographic. O ano ka ngayon, that is what we call "Multi- tasking" (babae lang daw ang may kaya niyan, totoo kaya?) Anyway, taon taon meron akong "TO DO LIST BEFORE THE YEAR ENDS" Hindi ko naman sila nagagawa lahat pero more likely 50% lang ang natatapos ko. At least improving di ba? Eto nga ang ilan sa mga nagawa ko: (Mula ito sa listahan ko ng mga Goals in life ko na isinulat ko noong August 2007)

-ang pumasok sa isang horror house

-ang magkaroon ng Hong Kong ID

-i-treat ang aking mga kapatid sa Star City

-mag bayad ng utang na loob sa aking Auntie (may balance pa nga ako eh)

-sabihin sa taong mahal ko na mahal ko siya

-yakapin ang taong mahal ko (hmmm...)

-kantahan ang taong mahal ko (ehem!)
-bagong hair style

*Yung iba ay secret na. LOL! Masyado siyang madami dahil madami naman talaga akong gustong gawin. At eto, nag iiba ang gusto ko, nag iiba din ang mga pangarap dahil sa mga dumadaan sa buhay mo. Nagiiba din ang priority. Naiisip ko sa bago kong diary, panibagong "TO DO LIST" na naman at panibagong New Year's resolution.

Matatapos na naman ang taon, magye- year of the Beef na nga eh. Oo nga pala, 12:05 na. Happy Birthday Papa Jesus. Birthday mo nga pala no? Sorry kung di na ako nakakadalaw, nawa'y gamutin mo na ang aking katamaran. T_T Basta happy birthday tol! Loves mo naman ako di ba? loves din kita, tropa tayo di ba? Tinatawagan nga kita gabi gabi eh. *O, kay Papa Jesus yan*

Pero grabe din ang taon na ito ah. Madaming kalungkutan nangyari at madami din namang blessing. Sa taong ito nangyari ang mga sumusunod:

1. Nagkasakit ang kapatid ko, overnight kami sa ospital hanggang sa kinabukasan, naisip na lang bigla ng aking Daddy na pumunta ako sa HK. Imagine? Akala ko tatlong taon pa bago ako makapunta ulit, yun naman pala, tatlong buwan na lang ang palugid ko. Feeling ko mamamatay na ako pagkatapos ng tatlong buwan, January yan nangyari at sa April ang alis ko. ang drama no? Yan ang pinakamalungkot na nangyari sa aking life. Lalo na yung tipong magkakalayo kayo ng mga kapatid mo at ng friends mo, lalo na ng "soulmate" mo.

2. Nahuli kami ng guard na nagiikot sa school na naghahalikan ni "Soulmate". Na- confiscated ang aming mga ID pero imbis na mag panic, tumawa lang kami ng tumawa. Nakukha namin ang mga ID namin matapos kaming pasulatin ng letter na hind na namin uulitin. Nilagay din namin sa letter na hindi namin sinasadya ang mga pangyayari which is totoo naman dahil nadala kami sa aming mga damdamin.

3. Pumunta nga ako sa HK, nag job hunting 2 months at sa awa ng Diyos, nakakuha ng trabaho sa isang travel agency. Isa na akong Reservationist ngayon pero never ko naman siyang pinangarap na maging trabaho. Well, at least di naman ganoon kasama ang nakuha ko.

4. Nasubukan ko ang mag hiking, di naman challenging.

5. Nasubukan ko din ang bumili ng plane ticket gamit ang sarili kong pera, umuwi ng halos di man lang nagpaalam. Nakapag paalam ako ilang oras bago ang aking flight. Syempre, sumama ang loob nila Mama. Nag stay ako sa Pilipinas ng tatlong araw at nakarandam ako ng tatlong araw na puro saya pwera lang noong aalis na ako. Masyadong ma- drama ang aking buhay na habang tina- type ko 'to, feeling ko kinukurot ang aking cute na heart. Saka ko na iku- kuwento ang buong story.

6. Muntikan na akong lumayas.

7. Nakapunta ako sa isang bar at nag disco noong Halloween. Naka- costume naman lahat ng tao, di mo alam kung talagang multo na ba ang katabi mo o kunyari lang. Di mo kasi mahahalata. Well, at least ako, naka- angel na costume.

Madami pa namang ibang nangyari. Basta ang conclusion ay talagang nagkaroon ng malaking pagbabago ang aking buhay. Di ko nga akalain eh. Oo na, di na naman pero at least naging handa ako. Malaking steps pero thank God, I've made it. Sabi din yan sa akin ng aking horoscope. Kaso di pa available ang horoscope para next year kaya I still can't guess what lies ahead. Charing!

Ngayon ano naman kaya ang aking magiging plano para sa taong 2009? Hmm.. ayan, may gagawin na ako sa aking 2 days vacation, ang mag isip ng plano para sa 2009. Maganda din kasi yung may plano ka, at least alam mo kung ano ang gusto mong marating, hindi yung nasasayang lang ang oras ko sa panonood ng TV. Uy, may naisip na ako! Wahaha! Isa sa aking mga plan ay mag blog not twice, but 3- 4x a week. Nice idea! Good, Cindyrella, good! O, may isa na ako! Weee!!!
Ano pa kaya? Pagiisipan ko na lang yan magdamag!
Anyway, Happy Christmas to all of you! Remember, make love not war!

Saturday, December 20, 2008

Oval

Dati, noong nasa grade school pa ako takot na takot ako sa bola. Ewan ko, pero pakirandam ko dati mas malakas sa akin yung bola. Hangga't maaari, iiwasan ko ang P.E. subject at uupo na lamang ako sa isang tabi. Masyado ata akong naging conscious, sobrang hinhin ko kasi talaga. Talagang di makabasag pinggan kasi di naman talaga ako ganoon ka daldal sa klase. Di ko nga akalain na magkakaganito ako, yung tipo ng taong magsasalita kahit hindi kailangan. Siguro hanggang noong mag 3rd year high school ako saka ko binasag ang aking katahimikan nang sumali ako noong Intrams sa Basketball team ng aming classroom. Imagine? Pero bigla na lang kasi lumakas ang loob ko dahil nagkaroon ako ng tropa tropa. Sumali ako sa aming basketball team. Nagulat ako sa sarili ko dahil noong try out pa lang ay nakaka- shoot na ako. Para akong may hidden talent na noon ko lang na- diskubre. Takot nga ako dati sa bola di ba, tapos bigla na lang akong naka- shoot? Ano ako? Sinapian? Nang naka- shoot ako, pakirandam ko, parang... "Wow, ang galing ko!". Kahit ako talaga nagulat. Nakapasa ako sa try out at nakasali kami sa Intrams. Dalawang beses kaming lumaban at dalawang beses ding natalo. Magkaganun pa man, ang saya ng pakirandam ko, I felt fulfilled. Magmula nang "faithful day" na iyon, sinabi ko sa sarili ko na magiging varsity player ako, kahit anong sports.
Noong nag college nga ako, nag iba talaga ang ihip ng hangin dahil niyaya ako ng aking best friend na mag try out sa track and field. My gulay naman! Wala akong history ng pag takbo pero sige susubukan ko. Pagdating namin sa may oval, nakilala namin ang team captain, nakita ko ang namumuong muscle sa kanilang binti at braso. Napanganga na lamang ako. Pinatakbo kami ng sampung rounds sa oval, walang tigil. Sumakit na ang dibdib ko, ang balun- balunan ko, ang mga hita ko at pakirandam ko nga ay sasabog na ang puso ko pero di pa din ako tumigil. Nang natapos namin ang sampung rounds na iyon, saka bumigay ang aking katawan at napaupo sa may nearby bench. Sa huli, natanggap kami dahil meron daw kaming potential.

Sa halos dalawang taon kong pagva- varsity, madami din naman akong benefits tulad ng scholarship, libreng check up at allowance na Php. 100 kada isang araw ng laban. Nagkaroon din ako ng privileges na bumango ang aking pangalan sa school dahil nga varsity ako. Nagagawa kong mag yabang dahil isa na ako sa mga chosen ones. Lumaban kami sa ibang school na ginanap pa nga sa Brent International School. May mga panahon na tatakbo kami kahit tanghaling tapat o di naman kaya ay malakas na umuulan. Walang pinipili. Nandyan yung nakakain ako ng alikabok pag naglo- long jump kami, tatakbo ng relay (eto ang masaya dahil apat kayong magkakampi at kailangan dito ng team spirit). Narandaman ko ang matalo, manalo at yung okay lang na pakirandam dahil di mo alam kung panalo ka ba dahil 2nd placer ka nga eh dalawa lang naman kayong magkalaban. Oo, nagkaka- medal ako sa ganoon! Astig nga eh. Balak ko na nga sia isangla, medyo madami na din akong naipon.

Sa halos dalawang taon ko sa track and field, madami din naman akong natutunan, mga bagay na magagamit mo para makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay. Nilista ko nga sia para di ko makalimutan dahil di ko pa din naaabot kung ano talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko:

1. Ang buhay ay parang racing lang, tumatakbo ang oras at mabilis itong tumatakbo at kailangan mong makisabay sa bilis nito dahil kung hindi ikaw na mismo ang pagiiwanan ng panahon. Huwag na huwag kang magpapahuli kung ayaw mong kumain ng alikabok.

2. Kung may gusto kang marating sa buhay, kailangan mo ng matinding practice, dapat alam mo kung ano ang dapat mong gawin, kung ano ang ginagawa mo, kaiangan mong magkaroon ng tactics, dahil kung may pangarap ka nga, wala ka namang plano kung paano mo siya mararating, balewala din naman. Sana natulog ka na lang at inimagine ang mga pangarap mo.

3. Kailangan mong mag sikap, totoo yun. Maaga akong nagigising kahit 10 am pa ang pasok ko para pumunta sa oval at tumakbo ng ilang rounds. Kailangan ng matinding training eh, di naman ako pwedeng lumaban na wala sa kondisyon ang katawan ko. Hindi pwedeng mamuo ang mga bilbil sa tiyan ko kundi ay bibigat ako. At kung natalo ka man, hindi ibig sabihin na natalo ka na nga. Wag kang magkakamaling sumuko. Kahit ngayon ina- apply ko pa din yan sa buhay ko. Madami na din naman akong naging failure pero paano pag malapit na pala ako sa mga pangarap ko ay saka pa ako sumuko? Ayokong magkamali at sumuko na lang.

4. It's all in the state of mind. Kung sa tingin mo di mo kaya, wag mo na lang ituloy. Pero kung sa tingin mo ay kaya mo at mananalo ka, ay panalo ka na. Sabi ng coach namin, mas bilisan pa daw namin, lalo na pag inoorasan niya kami at dapat malampasan namin yung nauna, aba'y bibilis ka talaga. Sabi niya tayo lang din naman ang nagpro- program sa sarili nating mga utak kaya kung natalo ka, kasalanan mo dahil kahit sa sarili mo wala kang tiwala.

5. Kung sa tingin mo mas magaling sila, then mas mag pursiige ka pa. Kung nagaaral sila ng dalawang oras sa isang araw, magaral ka ng apat na oras o kung gusto mo ay mas mataas pa.

6. Masakit matalo pag di mo naman ginawa ang lahat kaya pag nandoon ka na, i-todo mo na, go lang go.

7. Ang buhay ay parang oval lang, may cycle, may finish line. Pero sa bandang huli hindii importante kung nanalo ka o natalo, ang mahalaga ay ang journey, ang pagtakbo mo, ang experience, ang narandaman mo, ang mga natutunan mo.


Ngayon, bumalik na ang mga bilbil ko. Medyo nananaba na din ako, pero ang mga natutunan ko sa track and field ay nakatatak pa din sa isipan ko. Hindi ko yun makakalimutan at ang mga natutunan ko doon ay patuloy na nakatatak sa akin na parang tatoo. Ang mga natutunan ko ay dadalhin ko siguro hanggang sa mamatay ako.


Yun lang.

Monday, December 15, 2008

Love Lessons

Oo alam ko matagal pa ang Valentines day, di pa nga tapos yung pasko di ba tapos magpo- post na ako ng ganito. Iba lang kasi yung pakirandam ko ngayon. Siguro dahil sa kapapanood ko ng mga nakakakilig na movies. Shyet, lalo na yung "My Only You". (PATOLA!) Dahil wala ako haos magawa noong weekend, eto ang mga natutunan ko sa mga napanood ko: (na may kasamang reflection pa yan ha!)



1. Love like it's your last chance. May mga tao kasing ginagawang katuwaan lang ang salitang pagmamahal, akala nila iyon na yun, pero malalim talaga ang kahulugan nito. Dahil di lang basta basta nagsama kayo para sa sex or whatsoever na purpose. Natutunan ko na pag magmamahal ka, iisipin mo kung paano mo mapapasaya ang isa at hindi kung paano mapapasaya ang sarili mo. Nandyan yung kailangan mong mag desisyon hindi lang para sa sarili mo kundi yung para sa inyong dalawa. Nandyan yung iintindihin mo siya kahit mali siya pero dapat ipapaliwanag mo yung side mo, nandyan din yung sacrifices. Hindi biro ang mag mahal. Ayoko ng taong mag sasabi lang ng "I Love You". Mas gusto ko yung pinaparandam, pero syempre nandoon pa din dapat yung word na yun kasi malay ko ba kung ano ang intention. Tingnan niyo si "Soulmate" inabot kami ng almost 8 years bago naging kami, pinaparandam niya lang kasi eh ako 'tong si bulag at siya naman 'tong pipi. Sa totoo lang, di naman sa nag sasalita ng tapos pero ngayon lang ako nagmahal ng ganito, dati kasi kung mag mahal ako sarili ko lang yung iniisip ko, ngayon, iniisip ko kung paano mapapasaya si "Soulmate".


2. Importante ang friendship. Why? Kasi pag tanda niyo tapos kayo pa din, mawawala kasi yung romance pero yung friendship, never na mawawala yan. Hindi naman importante kung gaano kayo katagal naging mag kaibigan, importante yung napapakita mo kung sino kayo talaga at matanggap ang isa't isa. Eto din kasi yung magiging foundation ng isang relationship, kung matatag yung friendship niyo, siguradong your relationship will stand the test of time


3. You can never hurry love. Tama, di mo mamamadali ang love (tinagalog lang eh no?) May mga taong naghihintay o di naman kaya ay yung tipong minamabilis na ma- inlove kaya ang kinalalabasan ay naghihiwalay lang sila kasi akala nila love na, di naman pala. Kailangan din kasi bigyan ng time ang sarili, i- explore munang mabuti yung nararandaman bago mo sabihing mahal mo ang isang tao kasi mahirap na magkamali. Andyan din naman yung madami ka munag heartaches na dadaanin bago mo siya mahanap. Nakailang heartaches na ba ako? Dami na kaya..


4. Nakakalason ang jealousy. Wag mong iu- underestimate ang trust dahil unang una di yan pwedeng mawala sa isang relationship. Okay, base from my own experience, mahirap talaga ang long distance relationship kasi everyday is a test to both of us. Kalaban namin lahat pati mga sarili namin. Sa bandang huli, matutuwa ka kasi nabigay mo ang lahat at hindi nagkato- totoo ang mga sinabi ng mga tao sa paligid mo na naiinggit lang pala. Syempre hindi lang kayo magtru- trust, both of you have to be loyal, kailangan tapat kasi kung hindi ka naging tapat, (in my own opinion) di mo talaga siya mahal kasi di mo magagawang lokohin ang taong mahal mo.


5. Love changes people too much until there is nothing left of the person you used to be. HA! Huwag niyo ng tanungin kung ano ako dati, ang masasabi ko lang ibang iba na ako ngayon. Para akong nawala sa isang sumpa na matagal ng nakasunod sa akin. Nag iba ang lahat, mula sa panlabas (naging blooming ako lalo) hanggang sa panloob (nagsusuot na ako ng t back LOL, no I mean, ngayon mas mabuti na akong tao). I have become a better person now.


Eto ang love story namin ni "Soulmate"


Soulmate, thank you for being my inspiration. Malaking pasasalamat uli sa pinoychannel.tv dahil dito ako nakakanood ng mga pinoy movies for free!


To be continued...

Good night!

Saturday, December 13, 2008

To my long hair

Ang post naman na ito ay dine- dedicate ko sa aking buhok (sa ulo). Alagang alaga ang buhok ko mula pagkabata ko, at talagang may history kami nito. Noong 3 years old ako, maikli talaga ang aking hair tapos meron din akong bangs na hanggang mata ko na talaga at naaalala ko pa nga noong ginugupitan ako ng aking Ina, sa totoo lang siya ang naging parlor ko noong bata pa ako. Lagi niyang pinage- experimentuhan ang aking buhok at minsan pa pag pinaliliguan ako ng aking yaya (hmm.. sosyal!) pag nagsha- shampoo, iiikot niya ang aking buhok sa ulo at titingin ako sa salaamin para makita na mukha akong may korona. Well, ganoon talaga ako, kahit noong bata pa ako, feeling senyorita, feeling rich kahit hindi naman, yayaman pa lang naman. Basta napaka-arte ko noon. At pag papasok ako sa school, kung anu- anong hair style ang ginagawa sa aking buhok. Tirintas, pig tails, pony tail at kung anu- anong accessories like hair clip, butterfly na clip, korona, sanrio, pony etc. Minsan pa nga pag napagalitan ako ng Mama ko, feeling ko galit din siya sa buhok ko dahil sa tuwing tatalian niya ako, grabe batak na batak ang buhok ko na parang matatanggal na sa aking ulo.

Pero alam mo, iniyakan ko na din ang buhok ko dati. Kasi naman grade 6 ako noon at noong ginupitan ako ni Mama, di siya pantay! As in!! At ang ikli niya pa. Grabe, iniyakan ko siya maghapon kasi at that time, sa totoo lang maarte nga ako at ayokong basta na lang inalipusta ang aking buhok. Di ko siya ma- take. Galit na galit ako sa mundo dahil as in slant talaga yung buhok ko parang layer na di malaman kung saang planeta merong ganoong hair style. Naisip ko, baka pag nakita ng crush ko na ganito ang buhok ko ay baka ma- turn off siya! YES, yan ang naisip ko, imagine! Ang bata bata ko pa ang landi landi ko na! Tapos tingin ako ng tingin sa salamin. Isa siyang bangungot para sa akin. Pero di nagtagal, humaba din siya at ayun, hindi na halata.

Okay, etong buhok ko ay ang tipo ng buhok na kung sa tao ay suplada dahil kahit anong ilagay kong gel, live on, at nagpa- straight na ako ay ayaw niya pa ding mag straight ng maayos.
Hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang nag straight. Oo! Noong last year, naging straight siya kahit anong gawin ko. Bumbabalik siya sa pagiging straight. Tuwang tuwa ako. Kaya pag naglalakad ako, feel na feel ko ang aking shinny long black hair. Basta ang ganda ko. Alam niyo kung bakit? Kasi noong mga time na iyon, naging kami na ni "Soulmate". Hmm.. ano connection?

Tapos, matapos ang kalahating taon, nang napag desisyunan na ng pamilya ko na dito na ako sa Hong Kong, naisip ko siyang pagupitan. Wala lang for a change. Kasi alam ko, di na magiging okay ang lahat dahil alam ko, di kami magkakasama ni "Soulmate" ko. Pinagupitan ko siya yung style na Octopus ba yun. Oo kamo pinagtawanan pa ako ng barbero noong sinabi ko ang style na gusto ko. Sabi niya ba naman, ang exotic naman daw nang gusto ko. Tapos sabi niya, "Baka gusto mo yung pugita style o yung elephant style. Muntikan na akong mainis kasi baka mamaya kung ano na lang ang gawin niya sa buhok ko. Pinaupo ako sa harap ng isang salamin at saka ako nilagyan ng tela sa aking leeg na para bang sasakalin ako. lecheng bakla iyon. Mukhang magsasara na sila kaya feeling ko minamadali yung pag gupit sa akin, OMG, wag mo gawing bara bara ang buhok ko, puputulin ko ang lawit mo bakla ka sa oras na malaman ko na sasabotahin mo ang buhok ko. Sa bandang huli, Naging okay naman ang kinalabasan. Kung dati, mukha akong mahinhin, nang mga oras na iyon, I feel wild and free.

Lumipas ang ilang buwan, nag tra- trabaho na ako dito ngayon, at madalas napapansin ng mga ka- officemate ko ang buhok ko. Inaasar pa nga nila ako kasi sa aming magkakatabi sa office, ang hair style ko lang ang kakaiba. Lahat kasi sila ay straight. Ewan ko ba kung bakit. Sinabihan nila ako na magpa- straight na din ako pero sabi ko ayoko. Ayoko namang pare pareho kami no. At saka sa totoo lang kontento na ako sa buhok ko. Kinunsulta ko muna si "Soulmate" kung dapat ba akong magpa- straight. Sabi niya naman kahit ano ay bagay sa akin, eh kaysa naman gumastos pa ako eh di hinayaan ko na lang ang buhok ko. Niregaluhan pa nga nila ako ng plantsa sa buhok para lang daw di nila makita ang nanggagalit kong buhok sa umaga. Tinanggap ko ang plantsa matapos kong masigurado na may ceramic siya.


Before and After ako mag plantsa ng buhok (May pinagbago ba?)




Yun lang!

Tuesday, December 9, 2008

One in a Million Girl

Okay, walang kinalaman yung pic na nasa kanan sa ipo- post kong ito. Pero bago ang lahat, gusto kong pasalamatan si Ate Carla (officemate ko) sa binigay niya sa aking t- shirt na galing CEBU, o di vah? pinili niya talaga yan para sa akin. "I'm one in a million" daw kasi. Bale made in Cebu yan, as in from Bisaya Espesyal. Bale yung jacket, galing naman sa pinsan ko one year ago from PUMA. Thank you very much to all of my sponsors! Please keep on supporting me! lol! So sa lahat ng gusto mag sponsor sa akin, you're always welcome! Hirap maging celebrity ano?

Hay naku, dito na ako sa aking main course ngayon. Okay, 3 days ago, nabalitaan ko yung nangyari kay Marky Cielo (soul survivor ng star struck) na namatay dahil sa bangungot. nabasa ko siya sa PEP. At nakakalungkot talaga pero bakit ganoon? May nababasa ako na suicide daw yung nangyari? Kahapon din kasi pinanood ko yung SIS at sabi ng Mom niya, nung last time daw na nag usap sila is the night before at ang sabi pa ng Mom niya nagsumbong daw sa kanya ang anak niya na may problema daw. Sabi naman ng Mama niya sa kanya ay "Kailangan mo harapin ang consequences kasi kung gusto mong mature ka na lalake, haharapin mo ang implications ng actions mo." Something like that. So what's that supposed to mean? Para mabasa ang full article, heto click niyo lang: Marky! Tapos sabi daw nakita siyang nasa sahig! Eh bakit siya nasa sahig? Kung natutulog lang siya at binabangungot? Hindi pa din naman siya clear sa aking pagiisip.

Ang masasabi ko lang, kung sakali ngang nagpakamatay siya, which is hindi ko talaga ma- imagine kasi naman feeling ko ang bait bait niya talaga! Ang amo ng mukha niya and all! Pero kung oo nga, eto lang ang masasabi ko: Gaano ba kalaki ang problema niya at naisipan niya iyon? Di niya ba alam na lahat ng problema ay may solusyon? Di vah? Sabihin nating nagkautang siya ng malaki? Mababayaran yun kasi pera lang naman yun. O kung sakali mang nakabuntis siya, naku madali lang yan. Ako paki ko kung malaman ng sambayang pilipino na nakabuntis ako? Kung may boyfriend man yung girl, haharapin ko talaga. Actually, sa buhay niya ngayon, kahit ba stressed out siya, meron pa ding mas mabigat ang problema sa kanya. Paano yung mga taong katulad ko na nalalayo sa mga mahal sa buhay at tinitiis ang mapanis ang laway dahil wala akong makausap ng madalas. Minsan nga ay kinakausap ko ang sarili ko pero ano? Sumuko ba ako? HINDEH! Well, yun lang naman ang akin. At kung di naman totoo ang balitang iyon at talagang binangungot lang si Marky, mga hayup talaga yung mga gumagawa ng kwento, patay na nga yung tao ginagawan pa ng tsismis. Ipagdasal na lang natin ang kanyang kaluluwa.

Anyway, alam niyo ba na meron ding mga panahon na gusto ko din gumive up, feeling ko gusto ko ng tumalon sa 15th floor pero pag sa tuwing naiisip ko yung mga pangarao ko na yayaman din ako, pag naiisip ko yung mga kapatid ko, parents ko, si soulmate, gusto kong batukan ang sarili ko at sabihing, "Tange ka talaga! Minsan lang tayo mabuhay, lubus- lubusin mo na! Sayang ang beauty mo kung tatalon ka, made- deformed ang iyong mala- anghel na ganda. (Bawal po masuka!) Tsaka hello??? Kung sa tingin mo galit sayo ang mundo, so what? di vah?" I mean seriously, ayoko talaga sa mga taong mahihina ang loob dahil wala silang nararating sa buhay, Ayun, ayun! Di ako naniniwala na nagpakamatay si Marky! Kung mahina ang loob niya, paano siya nakasai sa Star Struck? Hindi, hindi siya nagpakamatay. Talagang mabait lang siya kaya siya agad kinuha ni God. Ganoon talaga. madami pa sana akong iku- kuwento about sa pagpapakamatay kaso gabi na kasi, tapos mag isa lang ako dito matutulog sa kwarto, hindi siya mabuti. Kaya to be continue na lang ulit!

Monday, December 8, 2008

Here we go!!!

Okay, dahil na- tagged ako ni HELENA!! (Kasalanan mo 'to dahil di na ako nakapag retouch) Kumbaga on the spot daw kasi ito. Okay di ko na patatagalin pa dahil mae- expire eto within 48 hours.

1. Take a picture of yourself right NOW!.
2. DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.
3. Post that picture with NO editing.
4. Post these instruction with your picture.
5. Tag 10 people to do this.
6. No more number six, lucky you.

Oha oha! ayan na! Okay maraming salamat kay Helena para dito ^_^ Heto ang aking first tag. At ang sampung taong gusto kong i- tag ay ang mga sumusunod:
Mac, Pepe Macunat, Ria Stevenson, rimewire, Boni, Batopik, Pusang gala at si JoshiMarie!

Gawin niyo yan, okey! As in pagkabasa niyo nito!

P.S. (Ang mga sumusunod ay walang kinalaman sa TAG na yan!)
Nakikiramay ako kay Marky Cielo, sayang ang pagkamatay niya. Ang galing niya pa naman sumayaw at umarte. Bakit ba maaga mamatay ang mababait na tao. Buti na lang masama akong damo! HAR HAR! Pero, advice lang guys (dahil lalake ang madalas na tinatamaan ng bangungot, yup as in bangungot ang kinamatay niya tulad ni Rico Yan), wag kayong masyadong magpapagod at magpapa- stress at wag kayo agad matutulog (mga baboy kayo!) pagkatapos kumain. Okay? Yun lang, Good night sa akin at sa mga nagbabasa nito.

Sunday, December 7, 2008

Christmas Tree

Grabe December 7 na ngayon. 18 days to go bago mag Christmas. Sana nga bumilis na ang mga araw. Feeling ko gusto ko na mag summer at mag punta sa beaches at mag swimming na lang dahil sa totoo lang lamig na lamig na ako dito at halos di ako makaligo kahit ba merong heater. Day off ko ngayong araw na ito pero imbis na gumawa ng something different, ay humiga lang ako sa kama ko at sinubukang manood ng movie o di naman kaya ay mag browse ng mag browse.

Kahapon nga pala, naisipan kong mag shopping kaya pagkatapos ng half day kong trabaho, dumiretso ako sa Mall. Noong una naglakad- lakad muna ako at naghanap ng makakain. Plano ko sanang kumain sa Mcdonalds, may bago kasing flavor yung burger nila. Kaso nakita kong madaming tao kaya nagakad- lakad pa ako. Di naglaon, napagpasyahan ko na lang bumili ng Banana pancake, takuyaki at mango shake at saka ako umupo sa may harap ng isang book store. Meron akong nakatabing matanda at feeling ko parang naulit na ang pangyayaring ito. Last month kasi bumili din ako ng takuyaki at mango shake at saka ako umupo sa tapat ng bookstore habang kumakain. Bigla kong naalala na noong oras na iyon at matanda din akong nakatabi at tulad ng nangyari kahapon ay nakaupo lang siya doon at pinapanood ang mga taong dumadaan. Pero dedma lang ako, naisip ko baka lagi na talaga siyang nandyan at tambayan na niya talaga ang inuupuan namin. Pero naiisip ko kung paano siya nage- enjoy sa pagupo lang, paano pala kung araw- araw siyang ganoon? Well, di naman siya proven dahil di naman ako doon palagi pumupunta. Oo nga pala, yung picture doon sa taas, kuha ko yan mula sa mall. Paskong pasko na kasi doon at sa bawat gilid, feeling ko may Christmas tree. Madaming tao ang nagpapakuha ng litrato sa malaking Christmas tree na yan, gusto ko nga ding magpakuha kaso ano ba magagawa ko, eh magisa lang ako. Mahirap talaga ang mag isa no? Alangan namang ipahawak ko yung cellphone ko at saka ako magpakuha? Naisip ko, paano kung itakbo ang cellphone ko? So, di bale na lang. Alam mo ba na wala akong nabili. Naisip ko kasi para kanino? Para saan? Wag na nga lang kasi naman... uhm, basta. Bigla na lang akong nawalan ng gana. Dumaan pa ako sa supermarket pero maya- maya ay ibinalik ko lang ang basket (di dahil sa wala akong pera dahil kakasahod lang naman, sadya lang talagang nawalan ako ng gana). Minsan nga di ko din ma- gets ang sarili ko eh. Kakaibang lungkot ang narandaman ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang purple at malaking Chirstmas tree. Na- miss ko bigla ang Christmas Tree namin. Alam ko sa mga panahong ganito ay nagbabalot na kami ng regalo. At naglilista na din ako ng wishlist ko, pero sa totoo lang, ang gusto ko lang talaga ay sumaya na kahit ako ay di ko maibigay sa sarili ko.

All I want this Chirstmas is to be happy. Naisip ko nga kung nabibili lang ang "happiness", bumili na ako ng libo- libong saya. Kaso kahit sa mall, panandaliang saya lang ang makikita mo. Minsan nga akala mo happiness na, pero puro material na happiness lang pala talaga ang mga nakikita mo.

Ayokong mawalan ng pagasa, pero tuluyan akong nilalamon ng alaala na hindi ako nakapagpa- picture sa ilalim ng purple na Christmas tree.
O, tulad niyan! Di naman ako likas na EMOtional, pero heto!!!
See?!! Isa na akong EMO, wag kayong mag alala dahil di naman ako magla- laslas o tatalon mula sa 15th floor! Sadya lang talagang EMOtional ako sa mga panahon ngayon, sa mga kapwa ko babae, alam kong nakakadama din kayo ng ganito. Yung tipong galit tayo sa buong mundo. Sana nga "yun" lang talaga ang rason...

p.s Congrats kay Ninong Pacquiao! Galing mo talaga! IDOL!

Thursday, December 4, 2008

Sheepy, the sheep

Gusto ko lang palang ipakilala ang isa sa mga katabi ko sa pag tulog, pag malamig ang gabi at pakirandam ko nagiisa ako, kinakapa ko lang siya at pag nahanap ko na siya, titingin lang ako sa hitsura niya at makakatulog na ako. Siya si Sheepy. Bigay siya sa akin ng aking "Soulmate" noong pumapasok pa kami sa College. Ngayon, kasi siya na lang ang pumapasok sa school. Anyway, madami pa akong katabi sa aking pagtulog. Sabi nga ng Mama ko, mababahayan daw ng ahas ang tulugan ko eh dahil ang daming nakalagay na sari- saring bagay. Sa totoo lang kasi di naman ako makatulog pag feeling ko magisa lang ako sa kama. Lalo na sa panahon ngayon.

Anyway, balik tayo kay Sheepy. Alam niyo ba na dala- dala ko pa talaga siya galing Pilipinas. Nung nakita nga ng Tatay ko yung mga dala- dala ko eh at nakita ko sa expression niya ang nawi- wirduhan. Isa si Sheepy sa nasasaktan ko kapag nagagalit ako o kapag nag aaway kami ng aking "Soulmate". Di ko din siya pinapansin kapag nagkakatampuhan kami ni "Soulmate" kahit alam kong inosente naman siya sa mga bagay- bagay. Sheepy reminds me of my teenager years. Actually teenager pa naman ako ngayon pero di na siya katulad ng dati. Dahil sa di inaasahang pangyayari, napunta ako sa mundo ng mga grown ups. Biglang lumaki ang responsibilidad ko. Para bang inagaw sa akin ang oras na pwede pa akong pumasok sa eskwelahan, pwede pa akong maglagalag, pumunta ng SM pagkatapos ng klase at tumambay lang doon sandali. Sa isang iglap, kailangan kong iwan ang pakikipag flirt sa aking "Soulmate" kapag vacant period, ang kumain sa carinderia ni Ate Beth kapag lunch break at pumunta sa library. Nami- miss ko ang mga oras na wala pa akong problema at ang tanging problema ko lang ay assignments, projects at exams, ang mga oras na makikipag agawan ka sa recitation, mga oras na nahuhuli kami ni "Soulmate" ng guard sa school na naghahalikan sa isa sa mga empty classrooms. Namiss ko yung thrill na makikipag patintero ka sa guard ng school dahil nakalimutan mo yung ID mo o kapag di ka naka uniform. Tapos uuwi ako at kakain na lang ako ng meryenda at manonood ng TV o di naman kaya ay makikipaglaro ako sa mga kapatid ko. Wala akong kaproble- problema. Wala akong pakiaam sa umiikot na mundo.

Pero ngayon, inaaalala ko na lang ang mga iyon. Malayo na kasi ang buhay ko ngayon sa buhay ko dati. Malaking pagbabago ang nangyari na para bang nagkaroon ang buhay ko ng isang make over. Nagiba ang style, nag iba ang location at lumaki ang responsibilidad. Sa ngayon, nasa phase ako ng buhay ko kung saan tinatahak ko ang aking destiny. On the way na ako sa aking kapalaran at alam kong madami pang adventure ang naghihintay sa akin. Pangarap ko nga pala makasama na si "Soulmate" dahil balewala ang pangarap ko pag di ko naman siya kasama. *drama mode* lol. Alam ko hindi naman ganun kadali para maabot ang mga pangarap na sinasabi ko. Pero sabi nga nila, "Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan... blah blah blah!" (Alam niyo na yun!) di ba? Tama nga naman. Hanggang ngayon kasi pakirandam ko, naiwan ko sa Cavite ang puso ko.

Teka, nasaan na ba si Sheepy? I need him now. Naiiyak na tuloy ako.

Sa totoo lang, pwede naman sigurong magkaroon ng responsibilidad kahit child at hear pa din di ba? Sabi ko nga ayoko pa maging mature. Gusto ko maging forever young. Anyway, bata pa naman ako. FYI, I'm just 19. Madami pang naghihintay sa akin, sa amin ni "Soulmate", sa ating lahat. Good night!

Monday, December 1, 2008

December Blues

Alright! December 1!!! Imagine? Well, sayang di ko na- picturan ang sarili ko kaninag umaga kasi naman wala male- late na ako. Okay, pagka- gising ko kanina, ang una kong nakitang commercial sa National Geographic ay yung tungkol sa nagagawa ng kiss sa tao. It can make you younger daw, makes your heart beats faster, nakakababa ng stress! Okay, so nakakabata yun, ganun? Counted naman ata yung pag kiss ko sa soumate ko sa webcam di ba?

Grabe kanina, narandaman ko talaga yung tatawagin ko talagang na "December Blues". Para siya SARS na pag di ko nilabanan ay unti- unti kong ikamamatay. Tama nasa Hong Kong pa naman ako di ba? Anyway, alam niyo ba na 10 days lang nag last ang SARS dito sa Hong Kong? Astig! Anyway, eto na lang. Alam niyo ba ang salitang prepone? HAHA! Malamang hindi! Dahi sa India lang nage- exist ang word na yan. Yan ay parang postpone. Kumbaga ica- cancel mo ang isang pangyayari bago pa ito mangyari. So pwede ko bang i- prepone ang pasko. Pwede bang pag magkasama na kami ng "Soulmate" ko? Delay pa kasi siya eh. Sana kasi totoo na lang si Santa Claus, eh di sana nakahiling pa ako sa kanya ng plane ticket pauwi sa aming munting baryo. My gosh naman, eto secret lang 'to ha. I've been celibate for ilang months na? Tigang na tigang na ako... T_T

Ano ba ang nagawa ko to deserve this kind of treatment Lord? Dahil ba di ako nagsisimba? But I keep on praying every night naman ah! Tama bang magreklamo? Okay, okay! Meron akong nakalap na quote mula sa movie na Twilight! Special thanks to my "Soulmate" dahil siya ang nagbigay sa akin nito: "

I wish normal people have hearts like vampires do. Once they fall in love, they never fell out of love."
Oha! Oha! Sabi ko na nga ba, I am destined to be a vampire! A good vampire, yung parang tiktik na parang manananggal. HAHA!! And what exacty am I talking about? Hindi, ang sabi ko sana vampire na lang kami ni "Soulmate" para di na kailangan ng plane ticket. Di na din siguro namin kailangan mag trabaho dahil may makakain na kaming madaming tao di ba? Di lang namin sila kakainin, nanakawan pa namin. Solve ang problema! At isa pa immortal sila. Okay December, alam ko namang matatapos ka din tulad ng isang menstruation period pero paki bilisan lang. I just can't take this anymore. (Nora Aunor tone) I feel so lonely na, ang wish ko lang naman ay sana sahod na, you know para makabili na akong video cam para umasenso na ang aking blog, at di magtatagal, eto ay magiging isang video blog! Uh oh! Ba't ko nasabi? Ang daldal ko talaga...