ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, January 3, 2009

Bedtime Stories

Napanood ko ang movie na "Bedtime Stories" at muli akong nabuhayan ng loob. Okay, aaminin ko, noong bata pa ako naniniwala ako sa fairytales. Noong bata pa kasi ako, mahilig talaga ako magbasa ng libro, tagalog at english, school books, story books hanggang sa naging uso sa akin ang pocket books. Basta gusto ko merong kwento. Feeling ko kasi ako yung bida doon sa kwento at feeling ko sariling adventure ko iyon. Kahit hanggang ngayon, nagbabasa pa din ako. Kasalukuyan ko ngang binabasa ang last book ng "Harry Potter". Yup, nasa last book na ako! Nasa "to do list" ko kasi ang tapusin ang Harry Potter series kaya nagtiya- tiyaga akong manghiram sa library ng Hong Kong. Kahit nung nagaaral pa ako, hindi pwedeng wala akong library card na madalas ay nakaka dalawang palit ako sa isang taon. Hindi naman ako halatang adik ano? Pag nagbabasa kasi ako pakirandam ko pinagdadaanan ko talaga yung adventure. Ang saya. Nakakainis nga lang kasi pag natatapos ko ang isang libro, ayun, feeling ko tapos na din ang adventure. Tapos na ang kwento.
Pagdating naman sa kwento, ang mga kinu-kuwento lang sa aking ng aking Nanay ay ang past niya, tsismis at minsan mga kwento ng aswang. Kaso mas gusto ko kasi ang kwento na yung may happy ending at hindi yung may mamamatay, may nakakatakot, although gusto ko din naman ng ganoong kwento pero mas gusto ko kasi yung sinasabi nilang imposible eh, gusto ko yung palaging masaya ang ending. At yun nga, yung may happily ever after. Syempre noong una, paniwalang paniwala ako sa binabasa ko. Mahilig din kasi akong bilhan ng libro eh noong ako ay four years old kaya siguro, kinder pa lang ako, ang bilis ko ng magbasa. Ngayon, alam niyo na kung bakit hilig ko ang magsulat? Kasi, hilig ko ang magbasa.

Okay, balik tayo sa bedtime stories. Sabi ni Adam Sandler, di daw totoo ang happily ever after kahit tumingin ka sa paligid mo. Iyon daw ang realidad. Hanggang ngayon naman naniniwala pa din ako sa happily ever after. Pero dumating din naman ako sa point ng buhay ko na I have stopped hoping na iyon ang kalalabasan ng aking buhay. Dumating yung time na feeling ko wala na akong magagawa sa sitwasyon at sa tingin ko hahayaan ko na lamang na ganoon ang ending.

Eto pa ang isa, alam niyo ba na akala ko pag kinasal ang isang tao sa taong mahal niya, forever na silang magmamahalan. Yun talaga yung paniniwala ko, na kahit may mga taong naghihiwalay, alam kong may mga tao pa ding nananatiling masaya. Pero noong dumating ako dito sa lugar na kinalalagyan ko ngayon, talamak mong makikita at maririnig na kesyo hindi sapat ang isa, hindi naiwasan at kung anu- ano pang dahilan, naghihiwalay sila. Sinubukan ko pa ngang ipagtanggol ang side ko pero ano ang sabi sa akin? "Mare- realize mo din na tama kami pagdating ng panahon, kapag meron ka ng sariling pamilya.. blah blah blah" Di na ako nakinig pa. Okay, life is not a fairytale pero can we at least make it be? Matapos ang conversation na iyon, medyo nanlumo ako kasi feeling ko pinapaasa ko lang ang sarili ko na totoo talaga ang masaya kayo forever. Kinuwento ko nga yun kay "Soulmate" at madalas niyang isasagot sa akin ay hindi kami tulad ng iba, na hindi mangyayari ang ganoon, na kung magkaka- problema man, kakayanin namin. Isa kasi sa pinapangarap kong mangyari ang happy family.

Natutunan ko din doon sa movie na kapag nandoon ka na sa sad part ng iyong buhay, wag kang titigil doon. Huwag mong iisipin na iyon na ang ending ng story. Nakakalimutan niyo na ba na pag dumating yung sad part, eto yung time na kailangan ipaglaban mo na ang gusto mong mangyari. Syempre, you have to strive harder para makamit ang gusto mong ending. Muntikan ko na ngang makalimutan ang part na iyon. Tama nga naman, malapit ka na sa happy ending, titigil ka pa ba sa sad ending? Parang pinagdesisyunan mo ng maging malungkot forever ah! See???? Naisip ko yun ngayon lang!!! Gosh!!! At ngayon, kahit di gaanong masaya, kailangan masaya pa din ako kasi baka dumating na din yung part na masaya ako at baka ma- miss out ko lang. Sabi nga nila "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". Kailangan gawin din ang part mo.

And one more thing, ang buhay nga pala ay magkakaroon lamang ng ending kapag patay ka na! Syempre happily ever after kapag nasa heaven kaya sa ngayon, wala munang ending ha. Huwag lalagyan ng "THE END" ang buhay mo. Tama na siguro ang happily ever after!

I'm still hoping sa aking happily ever after.
p.s. panoorin niyo yung movie, feeling niyo babata kayo ulit like me ^_^

20 comments:

katchupoy said...

sino ba hindi nabola ni rumpletilskin? [tama ba ispeling]
wag kang mag-alala.
dami may alam ng kuwento katulad ng sa iyo.

PaJAY said...

Ah..ganun na nga talaga ang mundo ngayon....panoorin mo rin ang the day the earth dot dot dot...ni keanu ...heheheh...dapat na raw tayo magbago sabi dun...kaso parang sa sinabi rin ni adam sandler,parang mahirap ding paniwalaan para sakin...hehehehe..

nice post..

btw,ang ramee mo atang site...ano ang MOTHER site mo?to ba?...lolz

Cutter Pilar said...

..."Nakakalimutan niyo na ba na pag dumating yung sad part, eto yung time na kailangan ipaglaban mo na ang gusto mong mangyari. Syempre, you have to strive harder para makamit ang gusto mong ending. ..
..... uiiii cindy, alam mo bang hindi ko naiisip yan?? salamat! :) kailangang mapanood ko yan... :D

cyndirellaz said...

@KATCHUPOY
ako di niya ako nabola.. lol!

@PAJAY
oo nga aeh panonoorin ko na din siya ngayon, 'the day the earth stood still" sana may matutunan uli akong values and lesson.. ^^

@CUTTER
o di ba? astig yung movie!! panoorin mo na ^^

Jof said...

cindirellaz, i think i know u.:p

TaDoS AdVeNtUrE said...

wahahhahaha.. ate d me nag pp alam nag papahinga lang masyadu aku afected nyahay dramaness ahihiihih balik din me sa aking pag babalik dal ku ang bagung ideial post nyahahaha okers tc kaw atehh mga 2 monts lng namn eh ahihihihih ty ah balik den me papalamig lng

joycee said...

gusto ko din mapanood yan. hehe. mukhang maganda nga.

tama ka. i believe na somehow e may control pa din tayo in our lives. it's true na naplano na ni Lord lahat, pero kelangan maniwala pa din tayo na may hapy ending! na God will never leave us. :)

cyndirellaz said...

@JOF
talaga? you know me? di nga? LOL!

@TADO
hay naku, if i know, inlove ka na naman.. ^^

@JOYCEE
oo nga joycee, pramis panoorin mo yung movie, kakatuwa siya.. dami ka matututunan ^^

Ambo said...

Hmmm dahil sayo panonoorin ko ang movie na to. Makapunta na nga sa Quiapo hahaha. Happy New Year Cindy!

Roy said...

hindi talaga tutuo ang happily ever after, pero masarap lang talaga paniwalaan.

pero maganda talaga ang Bedtime Stories, Adam Sandlers ba naman. balak din namin panoorin ng mga anak ko yan.

cyndirellaz said...

@AMBO
well, pwede niyo siyang mapanood sa watch-movies.net!!
maganda ang kopya ^^

@ROY
favorite ko na nga si Adam Sandler eh,,, nga pala, para sa akin totoo pa din ang happily ever after ^^

Mrs. Stevenson said...

thanks sis. I'm hoping too hehehe. I will be having a hard time eating veg. but aside from that the rest are easy to do. Happy new year to u as well.

~~m$. DoNNA~~ said...

Hello.. good morning..
daan lang muna..

ganda pala nitong si Cinderella
inlove pa...

siangelnawalangpakpak said...

may nagsabi sa akin na the only way para maapreciate natin ang ating mga hapopy endings ay kung marami tayong nadaraanang mga sad. kasi kung puros happy lahat, nagiging mundane na ang supposedly happy ending natin.

wishing you the happiest of all your happy endings =)

p.s. hindi ko pa ata napanood yang "bedtime stories." anong kuwento niyan?

cyndirellaz said...

@MISS STEVENSON
hope you can do all of your resolutions.. tulog na ng maaga ah!!

@MS DONNA
lawayan mo ko miss dona kasi baka mausog mo ako eh.. lol ^^

@SIANGHELNAWALANGPAKPAK
gosh, haba po talaga ng name niyo lol!! maganda yung story, ayoko naman i- spoil kaya panoorin niyo yun kung kayo ay child at heart!! wish you a happy ending too!! mwahhh!!

mavs said...

hello ms cindyrellaz
hapi three nga pala
bumibisita lang
ngayon lang ulet kasi napadpad sa blogosperyo matapos ang bakasyon...hehe
haba naman ng post...
but it's nice

cyndirellaz said...

@MAVS
haba ba? wala pa yan sa sinusulat kong nobela!! LOL!!

kwentongkengkay.com said...

ako naniniwala pa rin sa happily ever after :D

emanzky88.wordpress said...

Mahilig ka pa lang magbasa,patuloy mo lang kung anong paniniwala meron ka,darating din sa yugto na may iba ka pang babasahin mga books na hindi lang...pantasya!

utoysaves said...

true, true, ang happiness eh pinagdedesisyunan!ü we're only happy when we truly decide to be happy for whatever and wherever we are. wow, cindy, pwede ka nang maglagay ng Cindy: Tagapayo na page!
I'm reading the last book of Harry Potter too, pero in French. dalawang buwan na, chapter three pa rin ako. hehe...
uy, watch an old movie of Drew Barrymore na Ever After. It's a modern Cindy-rella story.üüü