Ako, oo. It was almost 2 years ago at bigla ko lang na miss ang mga araw na umaga na ako umuuwi at bago ako matulog sesermunan muna ako ng Mama ko pero di ako iimik kasi gusto ko talagang sumali at baka pag sumagot pa ako ay baka di niya na ako payagan.
Nagpra- practice kami sa iba't ibang basketball court ng Molino. Araw araw yun hanggang alas dose ng hatinggabi at uuwi na ng madaling araw. Syempre di pwedeng maligo agad dahil baka magkapasma at pagdating ng umaga, para akong ginahasa ng paulit ulit sa sakit ng katawan ko. Mga kasu kasuhan na kahit sa salon pas ay di mo madadaan. Kulang na lang ay gumapang ako paakyat sa 5th floor para sa aking klase. Ano ba ang ginagawa sa isang practice ng cheering?
Eto ang aming cycle:
1. Meeting point 4:00 pm sa **** court. Dadating ako sa meeting place sharp dahil ayokong nale- late at ayokong may nami- miss at sabi ng instructor namin ay ma- late ay kailangang mag bayad ng piso. Kapos na nga ako sa pambili ng pagkain eh, magbabayad pa ako dahil sa lateness. Sa wakas, makalipas ang isa't kalahating oras, may isa ng dumating.
"Bakit ang aga mo?" tanong sa akin ni Amy, ang cheerleader namin.
"Akala ko ba, 4:00 pm?"
"6 pm na daw, wala bang nag update sayo?"
"Wala." Shit!
2. Sa wakas, makalaipas ang halos tatlong oras, kumpleto na kami at magsisimula na kaming mag stretching. Tapos tawanan, landian at tsismisan. Madalas pagusapan ang isa naming ka mate na laging late tapos di naman ganun kagaling sa pagkuha ng steps. Pinaguusapan din ang mga buhay buhay namin, kung sino ang ayaw naming prof, sino ang prof na pag nagsalita ay kailangan ng payong, minsan naman sinasamahan pa namin mag review dahil meron kaming exam kinabukasan.
3. Tapos, nandyan yung pag isa sa inyo di nakakuha ng steps, uulit ulitin niyo siya hanggang sa makuha niyo na iyon ng tama. Kailangan ng team work dito, ng concentration dahil pag di mo nakuha, patay ka sa mga nakakuha ng steps. Maaasar ka talaga.
4. Break time. Pupumta sa van ang majority of guys sabay mag iinom. (tama ba iyon?) Kami namang mga gurls ay magto- toilet, maghahanap ng barbecue, iinom ng tubig. Tsismisan ulit tyapos bonding na din. Pahinga konti tapos rampa na naman.
5. Tapos, magkaka problema ang CD player, magkaka delay na naman ang practice. Magkakaroon ng sisihan, tapos may magvo- volunteer na magdadala ng maayos na CD player kinabukasan. Countings na lang kami tapos pagdating 11:30 pack up na kami.
6. Sabay sabay maglalakad pauwi ang mga walang pamasahe. Mauuna na ang may mga pamasahe pa at mga takot sa magulang. Magpapaalam at uuwi.
Madami akong natutunan sa halos dalawang buwang pagpra- practice. Magugulat ka na lang may matututunan ka pa pala kahit palpak ang kinalabasan.
-Natutunan ko na sa cheering, may mga nagkaka developan ng damdamin. Magkakaroon ng crush tapos hihingin number tapos malalaman mo na lang sila na pala. Ang bilis nga. Sabagay sabay ba naman kayo umuwi gabi gabi eh. Buti na lang di ako na develop sa kung sino sino dahil nag focus ako ng husto sa cheering. At nung mga panahon na iyon, magulo na ang love life ko. Ayoko na siyang dagdagan kahit pa nali- link sa akin ang instructor. (duh?)
-Nalaman ko din na importante ang team work dito, walang mangyayari kung kukutyain mo lang ang isang taong parehong kaliwa ang paa. Kailangan mo siyang turuan dahil ikaw din ang mapapagod kung paulit ulit kayo.
-Kung wala kang kaibigan, sumali ka lang dito at magiging kaibigan mo silang lahat. Pati yung guy na akala mo patahi- tahimik lang dati sa klase niyo, aba'y mala JUSTIN TIMBERLAKE pala sumayaw!
-Natutunan ko din na kailangan nasa kondisyon ang katawan mo. Kung gusto mong pumayat, sumali ka na dito. Pero kailangan ng determination. Kung ayaw mong mapawisan at ayaw mong maamoy ang umaalingasaw mong amoy, sa bahay ka na lang at mag aircon.
-Kahit papaano, nakaka- miss pag nasa bahay ka lang. Feeling ko kasi ng mga panahon na iyon, sa kalye na ako nakatira eh dahil umuuwi na lang ako para matulog at kumuha ng gamit.
-Kahit anong kinalabasan, sa bandang huli kahit talo kayo, okay lang. Malalaman mo ang pinaka importante sa lahat. Ang makisama, ang magkaroon ng kaibigan. One for all, All for one ang drama namin. Ang mga friendhip na nabuo. Hindi ganoon ka importante ang manalo, dahil feeling ko panalo na kami noong nakasayaw kaming lahat ng sabay sabay at meron kaming nabuo.
Alam mo ba kung ano kinalabasan ng competition?
Ayun, talo.





12 comments:
alam mo ba ang gandang tignan ng cheering squad kapag nagsasayaw na sila..at tulad nga ng sabi mo, di dapat tinatawanan ang parehong kaliwa ang paa dahil lalo kayong walang mararating nyan...bacoor ka ata ano?
astig... ang kyut tignan... nwei, di baleng talo sa competition as long as you did ur best naman di ba at masaya ka kht ano resulta, yun ang mahalaga!
wow! ang saya naman..
madalas akong sumali ng cheering competition nung highschool pa ako eh...
nakakamiss :(
wow.. cindy buti hindi ka nadebelop sa isa sa mga kasamahan mu??eheheh
masaya sumali sa ganyan..nakasali nako nun hs pa ako..
wehehehe nakasali na ko pero dahil hinde ako magaling sumayaw, ako nalang lage ang binubuhat dahil maliit ako..
yah! nasubikan ko na ang sumali sa cheering...nung asa college pa aq.. every foundation day namin..sumasali kami sa cheering competition!.. nung 4th year college ko.. ako na yung socio cultural coordinator.. sa mga ibang events dna ako pwedeng sumali.. at saka yan yung time na bf ko na si "life"..hehhee..ayaw nya sumasali ako sa mga ganun.. pero dahil kelangan kong sumali sa cheering competition at dahil sabi ng dean namin, huli na ito kc nga magggraduate n aq that time..dpat maging active daw aq... kaya ayun! nag away kmi ni "life"... tapos meron pa aq cnlihan na mega retro dhil kulang ang participants...xmpre!for the rescue ang lola mo kc nga ako yung ngtuturo that time...hay!..
lam mo, pinakapangit lang dun.. nkipaghiwalay "lfe" ko that time kasi hindi ko daw xa pinakinggan.. well, its my fault naman.. kc nagpromise aq nun n d aq sasayaw... c dean kc eh! (cnisi ko daw?!)hehehe... pero lam mo kung bakit kmi ngkblikan...sayawin daw nmin sinayyaw nmin sa mega retro na yung bubuhatin ako... ayun! nagselos pla xa sa partner ko....dyosku naman! ang bata kaya ng partner ko...hehehe... kaya ayun! sumayaw naman daw kmi ni "life"..hehehe.. sa house nga lang nila..para kaming tanga dun! (baliw pa!)hehehe...
*masaya na nakakapagod ang cheering... tama ako dba?
@PAYATOT
oo taga Bacoor ako! ehehe! pano mo nalaman? Tama, kaya nga kailangan ng teamwork di ba?
@YHEN
oo, we did our best. kumbaga bonus na lang yun manalo eh... ok na sa akin ang makapag perform!
@DONA
kahit ako na- miss ko din siya kaya ko naisipang mag balik tanaw.. ^^
@NETO
sabi ko nag magulo na ang love life ko nang mga panahon na iyan, kukuha pa ba ako ng isa pang bato at ipupok pok ko sa sarili ko? hehe!
@JOYCEE
pangarap kong ako naman ang buhatin pero sa awa ng Diyos, hindi yun nangyari, dahil nakakatakot pag ako ay di nila nasalo.. ^^
@MAYYANG
bakit ka naman niya pinipigilan? dapat nga maging masaya pa siya para sayo di ba? Kung ako BF mo, magiging proud ako dahil napaka talented ng gf ko..!! tsaka hello??? promises are made to be broken!! ehehe! napaka talented mo pala Mayyang! Pero, ngayong nagtratrabaho na ako, pwede pa ba mag cheering? ^^
sa pagkahaba haba ng prosisyon.. talo parin. lol. gusto ko magcheering noon kaso hikain kasi ako. at mas pinatitibay ko ang academic skills *excuses* haha
kakamiss ang school days ;)
pero ni minsan di ako nakasali sa cheering squad, nanonood lang ako palagi sa practice noon kapag wala pang klase... pero if ever na makasali ako sa cheering squad siguro ako lagi yung tagabuhat or yung aapakan kasi dabyana ako noon e jejeje
hehehe...kasali ako before nung highschool sa cheering competition. masaya yan. ^_^
sporty talaga si cindy namin. aww!
dyan ako humahanga sa mga babae. yung inihahagis at ibinabalibag sa ere pero paglanding, nakatayo pa rin, parang pusa lang.
alin ka sa picture, cindy? malabo eh...
Post a Comment