ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Sunday, February 15, 2009

Lessons from the shoes

Ang sapatos talaga alam na kung kelan magre-resign eh no? Naglalakad ako kahapon papunta sa train station, pupunta na din sana ako as Mall para bumili ng bagong sapatos. Feeling ko kasi masisira na yung sapatos ko eh. Masyado na siyang pudpod at minsan natatapilok na ako dahil medyo nagkakaroon na siya ng parang "lips" sa may harapan. Ayun nga naglalakad ako nang bigla na naman akong matapilok. Nakita kong natanggal ang design nito sa may harapan. Hay naku, nasabi ko na lang. Tinanggal ko na din yung design sa kaliwa kong sapatos para magkapareho na sila. Kawawang sapatos.

Ilang minuto lang at nakarating na din ako sa mall at saka tumingin tingin ng sapatos. Mahirap talaga makahanap ng sapatos kung meron kang malaking paa eh no? Wag niyo na lang siguro hulaan kung gaano kalaki ang paa ko bast aang masasabi ko lang, of all na nagustuhan kong sapatos kahapon, iisa lang talaga ang nag kasya sa akin. Gusto ko din ng design niya at kulay kaso sabi ko babalikan ko na lang. Umalis muna ako at naghanap sa ibang shop. Kaso kahit anong gawin ko, wala talaga akong ibang nagugustuhan eh. O kaya naman walang nagkakasya.
In the end, napag desisyunan ko na lamang balikan yung tanging sapatos na nagkasya sa akin. Sinubukan ko siyang ilakad at okay naman. Walang duda. Kumuha na ako ng pera sa wallet at saka binayaran. Siya na ngayon ang bago kong sapatos at tuluyan ko na ngang pinag resign ang aking silver shoes na nakasama ko din for a couple of months.

My old silver shoes

And my new black shoes


Buti nga at nabalikan ko pa yung black shoes. Buti at hinintay niya ako. Buti at wala pang ibang nakakabili sa kanya. Naisip ko tuloy, parang love din pala yun pag bili ko kahapon ng sapatos. Parang eto lang ah, siguro kinakanta niya din yung kantang "heaven knows" habang nakikita niya na umalis ako at di ko muna siya binili. Kung nakakapag salita lang siya siguro sabi niya, "If she come backs in time, I know she's mine."

Parang pag hahanap din pala ng taong mamahalin ang pag hahanap ng sapatos. Una sa lahat, dapat bagay kayo sa isa't isa. Kung sa love naman, dapat ay compatible kayo, comfortable dapat kayo sa isa't isa. Kasi tingnan mo kung sa sapatos, pag maling sukat ng sapatos ang nabili mo, mahihirapan ka lang at sasakit lang at masusugatan lang ang paa mo. Parang sa love, masasaktan ka kung di kayo magkasundo dahil mag kaiba naman kayo ng gusto. Magkakaaway lang at sa huli ay magkakasakitan.

May mga sapatos na nagtatagal dahil matibay at meron namang sapatos na panandalian lang at agad at napapalitan.

At dapat siguro pag nahanap mo na yung perfect shoes, bilhin mo na agad kasi minsan"the grass is not always greener on the other side" . Kung sa tao naman, kung sa tingin mo siya na ang nararapat sayo, wag mo ng hintayin pang maagaw ng iba.

Hay, talaga nga namang nakaka stress at pagsho- shopping eh no? Kung anu- ano ang nare- realize ko.

27 comments:

Mon said...

Ang galing po ng realization mo tungkol sa pamimili ng sapatos. Tama, parang paghahanap din ng taong mamahalin yan. Teka, kelangan ko na ata bumili ng bago. ;)

http://monzavenue.blogspot.com

payatot said...

may konek ano? pero totoo yan dapat compatible kayo ng kahit sino magustuhan mo..dahil pag di kayo nagkasundo, yari ka..ang kakauwian nyo lang ay hiwalay..

MIke Avenue said...

Kailangan talaga bago bilhin ang sapatos tiyaking komportable at masarap sa paa. Parang pag-ibig, siguraduhing babagay sa isa't isa.

size 8!

unnoticeably said...

lol... kasing hirap yan nang pagkakaroon ng maliit na paa... tulad q hahah! yung mga mamahalin pa ang kadalasang nagkakasya, tsk, tsk. gastos...

-marah

Marlon said...

May love twist pati iyong shoes? hehehe nagdadaan at nagpapacute ngaun linggo

epfi said...

At dapat siguro pag nahanap mo na yung perfect shoes, bilhin mo na agad kasi minsan"the grass is not always greener on the other side"
.
.
.
at kung hindi mo man makita ang perfect shoes... dont settle for anything less.
:)

kwentongkengkay.com said...

eekkk, ang taas ng black shoes mo. hindi ko kaya yan. mahirap makipaghabulan sa mga little kengkays kapag may takong, hehe

Rawr Prince said...

ate.hehe

ung pic po.
diba nagpapagawa po kayo ng vector?

send nyo po sakin yung pic nyo!hehe.

sa FS ko nalang poh!

deviantprince69@yahoo.com.ph

PaJAY said...

Kung ganun ang sapatos na ikukumpara sa pagibig..sa tsinelas na lang ako...lolz..

ang taas e..parang di ko mareach..lolz...buti pa ang tsinelas kahit matagal na ,taon taon naman kung gamitin...hahaha..

pero panalo tong entry na'to..sapatos biglang hiniritan ng kanta tapos ang bagsak pag ibig din pala...

AYos DJ Cynd...

Cheers para sa bago mong SHoes..

Vhonne said...

galing naman... nagawan mo agad ng kwento ang sapatos...

pero sana... ung sapatos natin... mahalin natin ng sobra... wag natin tapak-tapakan... kasi.. mararamdaman ng sapatos na minamaliit xa... tinatapakan... habang sila eh nakatingala na nakatingin sa atin... sumusunod lng kung saan gustuhin natin...

hehehe...

Offtopic:

"anksizip" ang word verification... angpagkakabasa ko... "ang sikip" ahaha.. bagay sa post mo... lol

p0kw4ng said...

sabi nga nila..ang pag ibig ay parang sapin sa paa!

takong kung takong talaga ha,hihihi..di pwede sa akin yan..iylab sneaker kasi!

joycee said...

grabe sis, lupets ng shopping moments mo may mga realizations pa..

out na muna ko sa mga love topics ha, masakit na ulo ko sa topic na yan hehe..

pare mukhang malaki nga paa mo nyahaha..

-ellesig- said...

nice post! mahilig ka sa peep-toe? :) --napansin ko lang.

dotep said...

basta meron... yun ang importante!

sa akin ha... di naman kasi ako babae... hehe

mangbadoy said...

kahit mahal basta okay sayo dapat bilin mo.. parang mahal kahit iba ang level nyo kung may connect paglaban mo... :P

PUSANG-gala said...

alala ko tuloy gf ko na adik sa shoes----bat ba obsessed mga babae sa shoes?

Anonymous said...

Sapatos ni Cindyrella. Wow baka magkasya iyan sa paa ni prince charming, hehehe.
http://colegialagirl.wordpress.com

mavs said...

ba ang ganda naman ng istorya ng pares ng sapatos
akalaing mong may istorya talaga? hehe
at nai-connect pa sa love..
galing talaga miss CindY...
buti na lang may new shoes ka na...

desza said...

Kuhang-kuha! Bagay talaga!^^

Konek ko lang ung isang side>>>

Minsan naman, pag may nakita kang shoes & u "fell in love" with it, bili agad. Kahit di naman kailangan, kahit mahal, kahit maraming kapalit...
Tapos, may makikita kang mas "perfect fit" para sau.. Aun, nabili mo na ung isa, d mo na mbili ung mas maganda..
Maxado ka kasing nagmamadali..

Nasa huli talaga ang pagsisisi..:)
Hahaha!

the donG said...

hehehe... parang kailangan ko tong pabasahin sa mga kaibigan ko ah.

prinsesamusang said...

wow all that from shoes huh? LOL is it really like choosing a lover? i'm not sure! LOL

gladyspillbox said...

aww.. hehe. ate cindy.. ngayon lang ako napadaan ule.. hahaha.. you're in Hongkong pala? layo mo pala.. galing naman ng internet no.. ahahah :D

i love your new shoes.. gs2 ko na din 2loy bumili ng bago, kaso dahil dun sa post mo, hmm.. let's wait.. ehhehe..

--gudang!

yhen1027 said...

galing namn ng analysis mo... hehhe...

pero tama, parang tadhana lang yan... if its meant to be then its meant to be... if its not... then its not...

kaya alam din natin gang saan ipupush ang limits... naks!

~~m$. DoNNA~~ said...

hi cindy...
wala lang
napadaan lang
nagpapalipas ng antok

add moko sa ym mo
nancydrew0709@yahoo.com

may ym ka ba?? hehehehe

caryn said...

love the analogy between love and shoes ;-) heehee. as a fellow shoe-lover, damang-dama ko sya

Mayyang said...

hi sistah!

naku! pareho tayo ng shoes ngayon...may takong!hehehe.. pero keri natin yan.....

the story of shoes and love...hehehe..

hmmmm...dapat alagaan at wag hahayaan na mawala... yun lang po :)

Marlon said...

I'm happy that you like the ID...hehehe padaan lang muna