ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Monday, February 2, 2009

Whatever 10 & inlove ka ba?

Medyo mahaba haba ang post ko para sa araw na ito. Na- tagged kasi ako ni Mareng Pillar, post daw ako ng 9 na facts at isang barberong fact about me. Unang post ko din ito for the month of February, isa ito sa aking paboritong buwan, alam niyo naman na eto ang month na birthday ng aking Soulmate in which I'll be going home for three days at Valentines month din kaya gusto ko tungkol sa love ang aking ipo- post. Pero for now, facts about me, so here it goes!

1. Mahilig ako sa magagandang papel. Bata pa lang ako, pangarap ko na magkaroon ng pagawaan ng stationary. Mapa notebook, mapa libro collection ko na yun. Pero syempre may mga sulat na ang notebook, kung anu- ano ang mga sinusulat ko. Lyrics ng kanta, kwento, gagawa ako ng comics, meron din akong notebook na puno ng quotes at meron din diary. Pero ngayon di na ako nagda- diary at most of the time, wala na akong masulat sa notebook mula ng nag blog ako at mula noong nag cha- chat kami palagi ni Soulmate kasi naman kinukwento ko na sa kanya ang lahat at sinusulat ko naman sa blog ko ang mga gusto kong isulat.

2. Okay, collection ko nga ang mga books pero dahil sa mahal ng libro dito sa HK, punta na lang ako ng library.

3. Pangarap ko ang maging sikat na author, hanggang ngayon, nagsusulat pa din ako kahit ako at ang kapatid ko lang ang nakakabasa. Nabasa na din ni Soulmate ang mga gawa ko. Isa sa mga paborito kong gawa ay ang "Cinderella Shaine" . Iyon kasi ang naging theraphy ko after ng magulo kong relationship. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano ang gagawin ko doon.

4. Hindi na ako mahilig mag text ngayon, siguro dahil wala naman akong ka text at siguro mas nadadalian ako kung tatawagan ko na lang ang isang tao, mas malinaw pa ang usapan.

5. Dalawang singsing ang suot ko sa kanang palasingsingan ko. Isa ay engagement ring at ang isa ay...wedding ring. Meron din akong suot na bracelet na bigay ni Soulmate at hinuhubad ko lang siya pag maliligo na ako.

6. Pinangarap ko dati ang mag artista hanggang sa I have outgrown it. Nalaman ko kasi kung gaano kadumi ang showbiz, Hayz! Para din siyang politika.

7. Mahilig akong makinig sa musicals especially HIgh school musical. Alam niyo ba na sabi sa Reader's Digest, ang taong mahilig makinig ng musicals na kanta, tend to have a lasting relationship. hehe...

8. Ginanap ang debut ko sa bahay namin at si Soulmate ang aking escort. Alam niyo ba na 2 years ago, di ko akalain na siya ang magiging partner ko? Iba kasi ang naka assign sa post na iyon. Di niya din alam na siya ang escort ko until nakita niya ang pangalan niya sa invitation.

9. Meron akong dalawang kapatid. Isang babae at isang bunsong lalake. Panganay ako sa kanilang dalawa at sobrang miss ko na sila. Sa totoo lang, feeling ko ang ganda ng lahi naming tatlo. Ang bunso kasi namin, tsinito at ang babae kong kapatid, well mana sa ate kaya maganda din. Wahaha!

10. Alam niyo din ba na noong college pa ako, nasa 5th floor ang classroom namin kaya malas ko pag nale- late ako. May mga panahong muntikan na akong masubsob at minsan dahil malakas ang hangin sa 5th floor, pagdating ko pa doon ay sabay liliparin ang palda ko. Talaga naman!

At ipapasa ko ang tag na ito kina: Aries, Jean, Ms panda at si Marlon

Isa pang topic. Sabi ko sa inyo eh, mahaba 'to eh.

Paano mo nalaman na inlove ka? Hindi ka ba makakain? Hindi ka makatulog? Palagi ka bang balisa? O di naman kaya, nananaba ka dahil inspired kang kumain? Bigla ka na lang bang tatawa sa isang tabi habang nagle- lesson kayo dahil meron kang naalala at bigla kang kinilig? Bumibilis ba ang tibok ng puso mo o namamawis ang iyong mga kamay pag siya ay iyong nakikita? Para bang konti na lang at maiihi ka na?

Ilan lang yan sa simtomas kapag ikaw ay inlove! Ibig sabihin madami ka pang pwedeng marandaman kapag inlove ka.

Ako? Paano ko ba nalaman na inlove ako kay Soulmate?

Ikukuwento ko na lang isa sa mga tagpo namin ni "Soulmate" kung saan ko narandaman na eto na nga. As in, this is it!!!

Isang araw, laban sa varsity ng aking best friend na si Jmie kaya nandoon ako sa may field at nagchee- cheer sa kanya. May usapan na kami ni "Soulmate" na magkikita the next day dahil baka masyadong maging busy ang aking best friend kaya kailangan ko ng kausap o kasama man lang. Eh kaso, bigla kong narandaman na mas gusto ko na lang mag isa kaya nagtago ako sa may bandang puno kaya di niya ako nakita. Kinahapunan, nagkita din kami. Buong araw niya na daw akong hinahanap. Medyo na- guilty naman ako kasi nga di ako tumutupad sa napag usapan. Natapos na ang laban at nagkaroon ng meeting ang bestfriend ko pati ang iba pa niyang ka- varsity kaya naiwan kami ni Soulmate na magkasama. Umupo kami sa isa sa mga blue benches, doon pa kami sa may taas, magkalapit ang mukha namin tapos nagkwe- kwentuhan lang kami at nagtatawanan. Tapos sa isang iglap, parang naging gwapo siya sa paningin ko. Narandaman ko ang sinasabi nilang spark. Ang spark na iyon ay dahan dahan lang at nararandaman sa loob ng aking puso. Wahahaha! Ang sarap sa feeling! Para kang nagcla- climax! Ayoko ng matapos ang moment na iyon.

Yun ang maikling story kung kelan ko nalaman na gusto ko si Soulmate, ang pagmamahal ko sa kanya at doon nagsimula and until now, it keeps on growing. Kayo paano niyo nalaman na inlove nga kayo? Hmmm...!! ^_^

11 comments:

payatot said...

parang kahit bukas e mag tag ka ulit, ok lang sayo yon kase ang dami mong kwento..at pareho pala kayo ng anak ko ha, laging gusto e panoorin ang hi skul musikal, sobrang adik..

ako naman kung in love e pinagpapawisan ako kase medyo may pagka torpe ako..ehehehe

yhen1027 said...

hindi ka naman in love niyan cindy? hehehehe... di halata! harhar! nwei, infairness cge na magpatayo ka na ng kumpanyang gumagawa ng stationary, ako magiging number one customer mo...

the donG said...

"Alam niyo ba na sabi sa Reader's Digest, ang taong mahilig makinig ng musicals na kanta, tend to have a lasting relationship.">>> bakit kaya? ngayon ko lang to nalaman.

buti ka pa may bunso. ako kasi bunso. swerte naman ng mga kapatid mo at ang bait ng ate nila.

Marlon said...

uy! post mo naman minsan iyong cindyrella shaine ba iyon? hindi ko maalala spelling! lols!

Balentayms fever, naamoy ko na dito.

cute blogger nagpapacute!

lambing said...

ako halata ako pag inlove.. pero sa ngayon parang ayaw kong isipin ang mga yan huhu.. sana ako din makita ko na ang soul mate ko.. ganyan din ako dati ka inlove gaya ng sayo..

kakatuwa ka naman.. it shows na mahilig ka talaga sa papel kasi pati layout mo gayang gaya hihi

ayun mukhang napahaba ang comment ko.. ;)

aries_arevalo_ax said...

ui salamat sa comment at sa tag... sakto talaga tag para sayo e haha... iba talaga pag inlove ka... cgecge gawin ko nga ung tag...

badoodles said...

haha. two in one. ayos.

epfi said...

na tag ka na rin!

parang ang liit ng circle sa blogosperyo

lahat na tayo ata may TAG!
lolz

Vhonne said...

aahaha... natawa ako.. akala ko tapos na dun sa pagbibigay ng tag... may ibang topic pa palang kasunod.. ahaha...

hindi ka halatang inlove... ehehe... gudluck n lng sa inyo ng soulmate mo... ;)

utoysaves said...

ayon, sparks pala. hehe...

ang cute naman kung paano kayo nagka-inlaban.
teka, ano palang background music nun sa bench?ü

Mayyang said...

hmmmm... we have so many in common tlga che..hehe

i love reading your stories!.. hope my "life" will be my soulmate na... yaw ko na ng iba e....hehehe

*high school musical was very nice! ang sarap panoorin yan....talaga bang pag mahilig kang makinig ng musicals na kanta.."tend to have a lasting relationship"?sana nga..hehehe...hmmmm..hilig ko rin nun mgbasa ng readers digest kasi meron yan papa ko..pero when i grow up na..wala na!hehe...

*ay! i love it.. patayo ka nga ng stationery company! kunin mo ako...heheh...

by the way sis.. baka mag tour ako this year dyan sa HK..

Godbless :)