ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, March 28, 2009

365 days

Nasaan ka at anong ginagawa mo at this period of the year last year?
Naaalala mo pa ba?

Kasi ako oo...

One year ago...
Pupunta kami ni Soulmate sa school para kunin ang clearance ko at lahat ng records na kakailanganin ko para sa trabaho. Patapos na ata ang klase at mag sisimula na ang summer kung hindi ako nagkakamali at oras na para ayusin lahat ng bayaran sa school, nandyan yung papapirmahan ko yung clearance at for sure nandyan din yung may mahabang pila sa pagpapapirma. Yung ibang studyante pinapapapirma lang yung clearance nila. Ako naman may ibang pakay. Kumukuha na din kasi ako ng copy ng form 137 ko pati yung grades ko para sa college.

Aalis na kasi ako at bilang na ang mga oras namin ni Soulmate noon.

Kumbaga nilulubos na namin... sabi ng Mama ko isang taon daw kasi ako sa Hong Kong at pagkatapos, babalik din ang buhay ko dati.

Lumalabas kami ni Soulmate ng madalas, pupunta sa school tapos tatambay lang, o kaya pupunta sa SM para mag Tom's World or Quantum. Tatapos kakain kami ng SHawarma o kaya ng paborito naming sisig sa may carinderia. O kaya pupunta ako sa bahay nila at saka kami manonood ng horror. Sa kanya ko nga pala natutunan manood ng horror. Dahil sa kanya napanood ko ang Jeeper's creepers, yung One missed call ba yun? O kaya yung, uhm, basta forgot na yung iba. Basta alam ko pianapanood namin yun habang kumakain ng Kanin with Tinola. Basta yun ata yung the best tinola days ko! Tapos, salitan kami. Minsan susubuan niya ako at minsan naman siya ang susubuan ko. (Wag green minded!) Tapos maglalabing labing na kami. Oh those days!! If only I could stay there forever.

Tapos alam niyo ba pag gabi, sa kwarto ko, gumagawa ako ng 365 letters para sa sa kanya. Kasi di ba isang taon nga ako mawawala, yung mga letters na yun ay babasahin niya every morning para marandaman niya ang pressence ko kahit papaano. Sa isang gabi nakaka 20 letters ako o higit pa. Kasi naman meron akong deadline di ba?

Noong mga panahon na yun, may mga tanong na gumugulo sa isip ko...

Yung iba, nasagot ko na ngayon.

Magtatagal ba kami?

Kakayanin ba namin ang isang taon na wala sa tabi ng isa't isa?

O masasanay na lang ba kami na malayo sa isa't isa?

Kakayanin ko ba? Kakayanin ba niya?

Eto ang kasagutan:

Mahirap, sobrang hirap, pero nakaya namin at ni minsan di siya naalis sa puso ko. At alam kong ganoon din naman siya sa akin. Hanggang ngayon, iisa pa din ang gusto naming mangyari, ang magkasama na kami. Nagbago ang ilan sa mga plano. Kami na mismo ni Soulmate ang nagplano sa kung ano ang gusto naming mangyari sa mga buhay namin. Sa mangyayari sa amin.

Ngayon, magtatanong ako ulit, kung next year ba, same period of the year, kakayanin pa kaya namin? Next year ba, magkasama na ba kami? O long distance pa rin? Magkakalamat ba ang relationship namin? Magkakaroon ba siya ng iba? Makakakilala ba ako ng ibang lalake?

Naisip ko lang, di ba may saying na wag mong ire- regret kahit anong pagkakamaling nagawa mo dahil for once in your life, ginusto mo yun mangyari. So ibig sabihin kung ayaw naming maghiwalay, at kung gusto namin magsama talaga at kami talaga 'til the end of time, syempre gagawin namin lahat di ba? Kasi nga yun ang gusto naming mangyari.

Gosh, napapadrama na ako dito. Okay change topic na lang.

*Salamat sa mga nagalala sa akin noong nagkasakit ako. Salamat talaga. Magaling na ako ngayon! Thank God, I'm still alive and kicking!

Oo nga pala, LSS ako sa song nina Maja at Rayver! Yung magkita na tayo! Eto ang tumatakbo ngayon sa isip ko...

Sino ka ba, parang matagal na kitang kilala,
Kausap kita araw araw pero di naman tayo nagkikita...
Sino ka ba, palagi na lang kitang kasama, pag uwi ko sa bahay,
pagkatapos ng eskwela,
Ngunit hanggang dito na lamang ba tayo?
Sa sarili nating mundo...
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Gusto na kitang makilala pa,
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Gusto kong makita ang iyong mukha,
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Alam kong matagal na tayong ganito, kaya, magkita na tayo...

Gosh, ano ba? Kahapon pa ito ah!! Well at least maganda naman yung song. Napanood ko kasi yung movie niyan eh na balita ko hindi pa daw napapalabas sa mga movie houses. At sabi tatlong araw lang daw yung shooting. Ang title niyan ay: Kelly Kelly (ang hit na musical)

Search niyo sa youtube!! Promise maganda! Har har!!!

XOXO (toinks!)
Cindyrella

15 comments:

bernardumali said...

hi! kakalungkot at kakasenti. mahirap talaga pag magkalayo ano. mukhang talagang vinavalue mo ang araw na yun. bawat segundo, kaya mong ilarawan. Kakakilig din ang tinola hehhehe parang title sa maalaala mo kaya. kakatuwang isipin na isang taon, nasa ospital naman ako para alamin ang resulta ng series of test ko regarding pananakit at paglaki ng tyan. at ang hatol ng doktor - beer belly lang at wala talagang dapat pangambahan hehehe in fact, biogesic lang ang bigay ni dok kontra sakit naman sa ulo -masyado lang daw stress hehehe lets value life!

payatot said...

ang sarap naman magmahal ni cindy..swerte ni soulmate at alam ko na swerte ka din sa kanya..magtatagala kayo alam ko kase nakaya nyo na ang isang taon kaya ok lang yan more yrs pa eka nga..

sabi nga e, same time nxtyr andito ka pa kaya? andyan pa kaya ako? masasagot yan sa takdang oras pero alam ko kaya nyo yan..

eloiski said...

naks. 365 letters. oh comeon!
ang hirap nun ah!
ang sakit sa kamay nun!
pero ano walang sakit-sakit pag inlab ang isang tao lalo na kung gusto niya ang ginagawa. stay inlab lang ate!

shawarma! wow!

katchupoy said...

diba kanta iyon ni rayver at shaina.
para sa akin,tlga dapat iVALUE ang buhay.
minsan lang tlga kasi ito mapapasa atin
kaya live it to its fullest.

charlie said...

galing mo naman.. tanda mo...

sweet neto!! kada segundo, cherished!! galing!!!

PUSANG-gala said...

I remember that a year ago, I was in deep trouble with my relationship. Now I am glad that we are out of it and we had grown a lot from the experience.....

kikilabotz said...

hmmm. ibig sabihin tapos na ang 365 letters mo s knya? hnd k p b gumawa ng bago?

hirap talaga pagmagkalayo noh? lagi nu namimiss ang isat isa.
para sa akin isang truelove talaga ang pagmamahaln nyo. (!_!)

punky said...

shawarma!!!!!!!!!
oOhlalah!!!!!!!!!
saraaaap!!!!!!!!!

joycee said...

At nakasurvive naman kayo ng 1 year kahet magkalayo kayo, you made it! =)

kaya yan lahat in the name of love!

Buti naman magaling ka na, ingats lage! :D

Dhianz said...

...buti naman magaling ka na ms. cindrella... napaisip akoh sa tanong moh kung ano naaalala pa ba ang ginagawa same time last year?... hmmmm... nde koh na maalala... haha... nag-isip pa akoh eh noh... lolz.. wow.. nagsulat kah tlgah sa kanyah nang 20 letters a day... ang lufet naman non... hayz.. hirap nga yan kinda 'ung situation nyo kc LDR... alam koh maraming gumi-give up sa situation na yan... pero marami reng nakakasurvived... pero kahit gano pa gano kayo kalayo sa isa't isa... kahit thousand of thousand of miles pa yan... or kahit planet away pa yan... graveh ang layo noh... lolz... eh kung destined tlgah kayo ni God para sa isa't isa eh in d' end kayo pa ren... pero syempre sabi nga nasa Dyos ang awa nasa tao ang gawa... nasa sa inyo ren ang effort... but nararamdaman koh eh you'll make it through... abah.. naramdaman koh... manghuhula na akoh ngaun?.. lolz.. nde actually ang best advice koh lang tlgah eh prayerz... lotz of prayers kay God... and trust nyoh sa isa't isa at patuloy na communication... worth it den lahat nang hirap nyoh at the end... trust God completely about 'ur relationship w/ ur soulmate... paubaya moh kay God... and i guess nasabi koh na toh sau before... lagay nyo lang lagi si God sa center nang relationship nyo cuz no matter wat happens itz Him who'z gonna put you two back together... Godbless! -di

Anonymous said...

Hi Cindy girl,

Pasensiya ka na ngayon lang ako nakadalaw, dinalaw ko kasi ang mga kamag-anak namin sa probinsiya at nangungumosta kung ano na ang nangyari sa livelihood project nila mula sa puhunan na ipinahiram ng aming Lola Liberty. Mabuti na lang at buhay pa kahit mahina ngayon ang kanilang kita.

Going back to your topic, alam ko na masuwerte ang sino mang lalaking makakakuha ng iyong puso. Sa isang mapagmahal, mabait at responsabling babaeng katulad mo, tanga lang ang umaayaw. At siempre kung may nagkakagusto diyan ay dadaan muna sa butas ng karayom, di ba? Of course may soul mate ka na. Pray na lang natin dear na forever and ever ang pagtitinginan ninyo sa isat-isa.

http:// colegialagirl.wordpress.com

prinsesamusang said...

you are so sweet cindy, soulmate is lucky to have you. hay langgam mode!

epfi said...

one year ago eh homesick ako!
kadarating ko lang kasi dito sa doha that time. walang kakilala walang kaibigan.

pero ngayon.. happy na! iniisip ko na naman ang paguwi ko sa pinas! no regrets! :)

at ganun ka din. lahat naman ng bagay na ginawa mo is alam mo na for own good. keep communications up with your soulmate. communication ang isa sa pinaka importanteng part ng relationship lalo na pag long distance.

mahirap yan pero for sure kakayanin nyo :)

the donG said...

"Tapos alam niyo ba pag gabi, sa kwarto ko, gumagawa ako ng 365 letters para sa sa kanya. Kasi di ba isang taon nga ako mawawala, yung mga letters na yun ay babasahin niya every morning para marandaman niya ang pressence ko kahit papaano.">>> wow! i know of someone who did a similar thing. ang ginawa naman niya may binigay siyang seven gifts before the birthday of my friend. and every day bubuksan niya yung gift. very thoughtful and creative.

manilenya said...

grabeh ang galing mo...gumawa ka ng 365 lab letter para basahin nya araw araw sa loob ng isang taon?