ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Monday, March 30, 2009

Congratulations!


Sa aking kapatid na graduate na ng high school, congratulations! We are so proud of you, malayo pa ang lalakbayin mo kaya sana tumulad ka sa akin, matatag anuman ang dalhin ng mundong ito sayo. Alam ko may pangarap ka para sa sarili mo at pati na din sa pamilya natin. Magtulungan tayo okay? Alam kong di mo kami bibiguin. Tandaan mo na lahat ng problema ay may solusyon kaya nga siya problema di ba? Kung wala siyang solusyon, hindi siya problema kaya wag nang problemahin.

Magpakabait ka okay? Make us prouder!!!

And of course more power!!!

Teka gusto ko din pala ipamahagi ang tag na ipinasa sa akin ng mahal kong si Dona: Ang rules ng tag na ito ay ang sumusunod:

The basic premise is this – answers should all be “at the current moment.”

1. Where is your cellphone --- sa tabi ko ngayon, wala naman akong hinihintay na tumawag dahil kausap ko naman si Soulmate ngayon.

2. Your hair --- Nakatali dahil mukhang sabog sabog siya as of the moment.

3. Your father --- sa sala matutulog na ata

4. Your favorite thing --- music player and my laptop!

5. Your dream last night --- weird sa pagkakaalala ko but I can't rememeber any of it.

6. Your favorite drink --- H20 and Milo!

7. Your dream goal --- makasama na si Soulmate at ang aking pamilya.

8. The room you are in --- my bedroom!

9. Your fear --- ang mag isa... T_T

10. Where do you want to be in 6 years --- at home!

11. Muffins --- NO THANKS!

12. One of your wish list items --- magkaroon ng sarili kong bahay sa Cebu near the beach!

13. Where you grew up --- Lumaki ako sa Cavite. Mahigit sampung taon din ako doon. And I guess hanggang sa tumanda ako hahanap hanapin ko ang lugar na iyon!

14. The last thing you did --- watch gossip girl!

15. What are you wearing --- black shirt ang black shorts!

16. Your TV --- ewan ko.. not fond of watching tv so I don't bother

17. Your pet --- taffy!! she's a cat! just a stuff cat! maganda nga yun kasi di na siya gumagalaw at di na kailangan alagaan!

18. Your computer --- compaq presario CQ40! my tressure!!

19. Your life --- complicated too!

20. Your mood --- asar?

21. Missing someone --- that's for sure!

22. Your car --- kariton?

23. Favorite store --- Metroplaza mall in Hong Kong and of course SM Southmall!!!

24. Your summer --- I wish in Boracay sana kaso I think I'm gonna be stuck here in Hong Kong.

25. Your favorite color ---pink, black and white! dagdag mo na din ang gold!

26. When was the last time you laughed --- can't remeber!

27. When was the last time you cried --- can't remember too!

28. Last person who emailed you --- too bad nobody's been emailing me...

29. Your favorite food --- salad! macaroni salad!

30. A place you would rather be right now --- In my dreams!!

At ipapasa ko ang tag na ito sa unang limang magco- comment sa akin. Haha! Wala na kayong magagawa! Minsan lang ako gumawa ng tag na ganito so nilubos lubos ko na. ^__^

21 comments:

Anonymous said...

Buena Mano na ako. Una Congrats sa Kapatid mo. See you in college darling. Sana maging estudyante kita.
Saan ba ng happenings pagkatapos ng graduation? Payo ko lang sa sister mo, study now have a bf later (iyong later after graduation from college na). Suggestion lang naman, hehehe.

Pasyal ka Cindy girl sa aking bahay at may ikukuwento akong Sex Scandal on CRV sa iyo, hehehe.

http://segundina.wordpress.com

payatot said...

congrats kay sis, lalo na sayo kase alam ko naman na isa ka rin sa tumulong sa kanya sa pinansyal na pangangailangan..mahalaga rin yon di ba?

tama si ma'm study now, bf later after college..hehehehe

Cutter Pilar said...

ako ba yon, ako ba yon? lol. gusto kong gawin yan :D iihihih.

fatherlyours said...

Congratulation para sa utol mo. Tama ka, ang problema ay hindi dapat problemahin.Ang problema lang ay you cannot face your problem if your problem is your face.

ven said...

congratulations sa graduation :) enjoy college!

eloiski said...

congrats kay sissy mo. college na siya. ano raw ba ang kukunin niya ate?

wahuuu! ligtas ako sa tagtagang ito! buti naman....

Technofied said...

Congratulations sa iyong kapatid. Tsaka na boyplen. Aral muna at chill-chill lang sa bahay. LOL.

jex sah'pahk said...

buti na lang pang walong na ako naka comment -_- eniwai congrats sa kafatid mo ^_^ paki sabi enjoyin lng ang pag-aaral para hindi maramdaman ang pagod...

gudluk sa college...

epfi said...

pwede na ako mag comment.
tapos na yung lima
wahaha

congrats sa utol mo
at nakapagtapos na sya


congrats din sa iyo
for being a good ate
weeeeeee

Mayyang said...

wow! congrats kay sister... marami pa siyang dapat matutunan. Dapat behave muna sya ngayon to achieve her goal... para walang istorbo dba?hehehe...

sistah... san k dyan sa hongkong?maybe this year.. mag tour ako..heheh..if God permit ha... :)

my mom and my sister wants to get me... pero urong sulong pa rin aq until now.. baka mahirap maghanap nang work dyan e..heheh...

Mon said...

Congrats to your Sis!
May nag-tag din sakin ng ganito. di ko pa nagawa. kapagod. hehe

laundrybag said...

halo musta wala lang napadaan lang
kung gus2 mo check na lang blog ko din nice meeting you hehe

prinsesamusang said...

congratulations sa kapatid mo! hmmm.. mukang ang daming tag ngayon ah uso na naman LOL

~~m$. DoNNA~~ said...

Congratulations!!!!

blow out!!!
blow out!!!
hehehehe

yhen1027 said...

congrats sa sisteret mo...

ang tagumpay niya tagumpay niyo rin... naks.. hehe

cpsanti said...

uy, congrats sa kapatid mo ;-) ang saya naman!

the donG said...

congratulations sa kapatid mo. kakatuwa nga talaga pag may gumagradweyt sa pamilya.

yung fear mo ang maging mag isa. hmmm... dahil ba sa multo? hehehe... just kidding.

charlie said...

congrats!! next stop, college!!

kikilabotz said...

haha. congrats congrats sa kapatid mo. ang cute nya ha? pakilala m nga aq. hahaha. joke.

kikilabotz said...

haha. congrats congrats sa kapatid mo. ang cute nya ha? pakilala m nga aq. hahaha. joke.

Cocoy said...

Congrats sa kapatid mo.Next is college and hope makamtan niya ang pinapangarap niya.