ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Wednesday, March 18, 2009

Diary (reflect! reflect!)

Sa ngayon, kahit ba umalis na si Mama papuntang Manila masaya na din ako kasi mas maalagaan na ang mga kapatid ko na naiwan doon. At isa pa gra- graduate na ang aking Sis so kailangan talaga nandoon si Mama. Hindi ko alam kung bakit pero kahapon at ngayon, feeling ko masaya ako at walang wino- worry (bukod sa cellphone kong low bat na dahil walang charger). Wala lang, wala yung Boss ko dahil nagbabakasyon siya sa Russia kuno kaya wala masyadong nagbabantay kung magi- internet ba ako. At isa pa, walang problema sa office. Everything is going with the plan.

Si Soulmate din, okay na. Grabe hindi rin biro ang nangyaring pagtatalo sa amin ni Soulmate. Nandyan yung may masasaktan tapos may iiyak, may malulungkot. I must admit, mahirap talaga ang long distance relationship. Mahirap siyang i- maintain. Kahit pa sabihin niyong mahal niyo talaga ang isa't isa, dapat merong mga certain rules na kailangang sundin, wag lang kayo masira. Oo nga, nandyan na dapat ang trust at pagiging faithful niyo sa isa't isa pero you must admit it na meron pa ding outside forces na kung di kayo matatag ay agad din kayong matitinag. May mga bagay kayong dapat na i-sacrifice kahit mahirap at kahit alam niyo namang nakasanayan niyo na. Siguro maswerte pa din kaming dalawa hanggang sa ngayon dahil nagiging success naman ang plano namin. Ilang night out ang pinalampas ko para lang maka chat ko si Soulmate at ilang lakad ng tropa ang pinalampas ni Soulmate para lang din makausap ako kahit ba paulit ulit ang pinag uusapan namin. Tinatanong na nga kami ng mga kakilala namin kung di ba daw kami nag sasawa pero iisa lang naman ang sinasagot namin. "Definitely not."

Oo nga pala, ngayon mas na appreciate ko pa ang mabuhay ngayon kahit ba may mga problema ako sa office, kahit sa laptop lang ako nakaharap palagi, kahit ang social life ko ay umiikot sa net. Masaya din ako kasi summer na. Maaraw na at di na gaanong malamig. Dito kasi sa Hong Kong, madalas ay makulimlim ang panahon. Mas masaya talaga pag summer. Excited na ako sa mga outings na pupuntahan ko. Sana wag na muna dumating ang rainy season dahil for sure mas mas mararandaman ko ang lamig at lungkot ng panahon.

At alam niyo ba na hindi na ako sa sala natutulog. Hindi ko ata nasabi sa inyo na dati sa sofa bed lang ako natutulog. Pero ngayon na umalis si Mama, solo ko na ang kwarto at nag volunteer si Dad na siya na lang daw sa sofa. Naku, buti naman no. Iritable kasi ako pag sa sala ako natutulog eh. Bukod sa maingay ay di ganoon ka lilim kahit nakatakip na ng kumot ang mukha mo.

Alam ko di ganoon ka perpekto ang buhay ko, dati kasi iniisip ko ako yung bida, ako yung leading lady, ako yung magaling, ako yung maganda. Pero as years passed by, na realize ko na di pala ganoon ang buhay. Nalaman ko na ang buhay pala di palaging masaya, di rin naman palaging malungkot. Ang buhay ay parang gulong, paikot ikot lang, minsan nasa taas ka, minsan naman nasa baba. Di mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay mo. Kahit ba sabihin mong may plano ka na sa buhay, di mo agad yun makukuha. Paghihirapan mo talaga. In the end, titimbangin mo kung naging mabuting tao ka ba? Kung may nangyari ba sa buhay mo? Kung naging matatag ka ba, kung nakayanan mo lahat ng pagsubok. Di ganoon kadali mabuhay, di rin ganoon kadali mamatay.

Sa ngayon, di ko muna iisipin ang mga pagkakamali ko sa buhay. Magiging masaya na muna ako. Ie- enjoy ang buhay na di dapat sayangin. Every moment should be worthwile. Gagawin ko kung ano talaga ang nakakapagpasaya sa akin. At kung sakali mang magkamali ako sa mga gagawin ko, sasabihin ko sa sarili ko, "Okay lang yan, ayos naman ang experience di ba? At least matututo ka pa lalo."

Oo nga pala, kating kati na din ako i post yung pic dito ni Soulmate. Gusto ko na siyang ipakilala sa inyong lahat. Well, maybe sa susunod ko na lamang na post. Sa ngayon, eto na muna.

XOXO
Cindyrella (lol)

17 comments:

payatot said...

sabi nga nila, life is too short kaya dapat enjoy lang kung ano ang dapat na maganda naman nangyayari sa buhay mo...

PUSANG-gala said...

aat least---everything is going on according to plan---happy for you---kaya pala positive yung aura na nakikita ko sa mga pics u dito sa blog-----dultions

JeanGrey said...

in love! :)

masarap talga ang magmahal lalo na kung minamahal ka rin... yeah tama yan ienjoy lang ang life lalo na habang bata pa kasi pag ang panahon lumipas na... di mo na yun mababalikan pa...

stay happy! godbless!

yhen1027 said...

we want soulmate! we want soulmate! we want soulmate! hahhaa!

cge na wag nang pigilan ang sarili sa pagpost ng pektyur ni soulmate!

siangelnawalangpakpak said...

hindi naman obvious na nagrereflect ka ngayon, ano? hehehe... girl, isa lang ang masasabi ko. YOU'RE GROWING UP. and it's nice that once in a while you reflect on what's happening around you. sign of maturity yan. naks!

anyway, just continue enjoying life and be thankful of the blessings that God has brought you. at least, kahit mahirap ang long-distance relationship, masasabi mo pa rin na andiyan pa rin kayo sa isa't isa at despite the years and the distance, you still obviously love each other. ako nga, walang soulmate. leche. hahaha, joke... seriously, ang mga trials na dumadating, hindi yan test from God, but an opportunity that He provides for you to realize just how strong you really are.

kikilabotz said...

o yeah..

lam mo cyndi bilb ako sa inyong dalawa ng soulmate m. galing galng nyo. super idol.pagdadasal ko na happy forver kayo.

parang nabasa ko n rn n ngcocommnt soulmate m ha?xa b un?

hahaha. mas masarap ang buhay pag walang problma ryt?

the donG said...

"Oo nga pala, ngayon mas na appreciate ko pa ang mabuhay ngayon kahit ba may mga problema ako sa office, kahit sa laptop lang ako nakaharap palagi, kahit ang social life ko ay umiikot sa net.">>> hehehe... at least naka adjust na rin. maganda din kasi ang pananaw mo sa buhay kaya madaling mag adjust.

dotep said...

sabihin mo sa boss mo wag na bumalik para derederetso enjoy...

hehe

ganyan ang buhay! :D

Mac said...
This comment has been removed by the author.
Mac said...

mature na mature kna na go gurl!!!sa lahat ng nag comment tama kau enjoy life wag sayangin ang oras sa mga bagay na di nkkpag pasaya sa buhay...boring un gawin noh "A life full of positivity is a life full of posibilities"...ganda tlga ng nag iisang cindyrella ng buhay ko ill be ur prince and youll be my princess wooooo love story XOXO....saging managing we want soulmate!!!!

joycee said...

Wow si soulmate ba yun sinundan ko na comment?? Ang sweeet naman weeee.

Keri lang yan girl, basta lahat ng nae-encounter naten siguradong learning experience yun, kaya enjoy lang lage.

*mwahmwahmwah

mavs said...

hello ms cYndY
tnx sa pagdaan sa newly-renovated kong tahanan...
hehehe
later ko na babasahin ng buo ung post mo kc ngmamadali eh...
mangangamusta lang...
ingatz...

mavs said...

Every moment should be worthwile.

I like this line. Kasi nga we don't know long ang layp span natin sa mundong ibabaw. kung maputol man ito sooner than u expected at least wala kang magiging regrets kasi nga u lived ur layp to the fullest.

ayan, nakaepal din ako...
nga pala sa wakas at may big reveal ka na rin sa katauhan ng soulmate mo...
haha, cant wait your nxt post.
ciao!
ingatz!

neto said...

dapat dito maging lovesite.. hndi blogsite.. all about love mdalas ang topic mo..which is oh so good naman.. bwahahaha.. iba tlga kpag inlove ang tao..hehe

daan lang po

charlie said...

"Alam ko di ganoon ka perpekto ang buhay ko, dati kasi iniisip ko ako yung bida, ako yung leading lady, ako yung magaling, ako yung maganda. Pero as years passed by, na realize ko na di pala ganoon ang buhay. Nalaman ko na ang buhay pala di palaging masaya, di rin naman palaging malungkot. Ang buhay ay parang gulong, paikot ikot lang, minsan nasa taas ka, minsan naman nasa baba. Di mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay mo. Kahit ba sabihin mong may plano ka na sa buhay, di mo agad yun makukuha. Paghihirapan mo talaga."

lam mo kapag nabasa to ng titser ko nung high school sa Filipino, babanggitin nya to... astig a!!

prinsesamusang said...

LOL i think i feel the same way as you na gustong i post ang photo ng love life LOL why not diba pakilala na yan si soulmate!

BURAOT said...

nyehheeh. feeling ko naman mature ka na talaga sa post mo na to. heheeheh. pero at your age, you're wise enough naman na.

lam mo i am rooting for you and your soul mate na you can get through with the long distance relationship. i'd been there at isa lang ang masasabi ko. it wasn't easy.