ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Tuesday, March 3, 2009

Dinosaurs ng buhay ko

Sa mga nagsabi kung kapatid ko nga ang nasa video, well tama kayo!!! Di ba magkamukha kami? Alam niyo kahit medyo kulang kulang yang kapatid ko na yan (hehe peace sis!), kahit na ba noong mga bata pa kami ay todo sabunutan kami kapag nagaaway, masasabi kong siya lang ang tao na kahit iwanan ako ng buong mundo ay siya itong hindi mangiiwan sa akin. Charing!

To Jean: Baka masyado kang ma flatter niyan ha! Anyway, noong nakauwi ako eh nagkataon na JS prom nila kaya ako ang nag ayos sa kanya. Ipo- post ko muna pic mo dito ah.





Oha oha! magkapatid talaga kami di ba? Masyado ko lang siguro na miss ang kapatid ko na ito. At sa ngayon siya ang tumatayong Ina (bukod sa yaya) sa aming bunsong kapatid na si Ron. Sa ngayon ay single siya. Haha! Lahat ng manliligaw ay dadaan na muna sa Ate. Although minsan siya pa ang mukhang Ate sa aming dalawa.

Tagpo habang mine- make up- an ko siya:

Jean: Che, baka dito mo ko ginagantihan ah. Please naman, walang babuyan ng mukha.
Ako: Ano ka ba? Wala ka bang tiwala sa akin?
Jean: Wala.
Ako: Okay, ayoko na.
Jean: Uy, joke lang!... Aray!
Ako: Ay sorry meron kasing namuong foundation sa ilong mo.
Jean: Maawa ka naman sa ilong ko, pango na nga yan eh, ididiin mo pa daliri mo.
Ako: Oy! Malinis 'tong kamay ko no? Kakaihi ko nga lang kanina eh.
Jean: Che naman eh.

Yung isa ko pang kalahi, panoorin niyo na lamang dito:


video

Okay, aaminin ko po, isa akong ampoooon!!!

26 comments:

kwentongkengkay.com said...

ampon nga daw kapag mas maganda, hahaha

Mon said...

cute nyo naman magkakapatid, hayz, nainggit na naman ako, bunso kasi ako at yung ate ko malayo ang agwat namin 13 yrs.. hindi ka naman mukhang ampon eh.. magkamukha kayo tatlo.

p0kw4ng said...

hmm mukhang may future ang kapatid mo sa martial arts,hehehe

utoysaves said...

hahaha! baka naman ikaw lang talaga ang tunay na anak.ü

cute si ate, si totoy naman eh may future maging member ng manoeuvers.ü

JoShMaRie said...

make up artist ka pala gurl... hehe...

payatot said...

para ngang ampon ka kase mas maganda ka kay sis..totoo ba yon?

Cutter Pilar said...

kamukha mo nga siya kafatid! :D hehehe. ganon talaga. ako siguro pag nagpost ng pictures naming magkakapatid, talagang ampon ang drama ko. lol.

Carthak said...

ahehhe..ang kyut niyo naman..namiss ko na rin tuloy mga bro at sis ko..malalaki na kami at syempre tuwang tuwa din kami pag andun pamangking namin na sobrang kulit kagaya ng boy niyo dian..hay,,

epfi said...

next time...

gayahin mo yung video ng utol mo...

i wanna see yah do KARATE!
whoah!

ehehe

csseyah said...

hindi naman halata na ikaw hindi tunay eh :) Pana panahon ang pagkakataon... maibabalik ba ang kahapon

-ellesig- said...

ur back!:)

cute! hyper si utol ah!prang yung kapatid ko din! kami naman sobrang magkakamuka, nkakaasar.

I am Bong said...

ehem... anong age na kapatid mo Ms. Cyndi? Ano ang cp number nya? Saan sya nakatira? baka naman puedeng umakyat ng ligaw... hehe... Kidding...

It's always good to see siblings who really connect. Parang na-miss ko narin ang mga kapatid ko. hehe.

GBU:-) Ingat lagi...

msPANDA said...

waaaah!

bakit niya dinilaan yun lens?~!LoL!

hindi ka ampon,..

dahil may pinagmanahan ang mga kapatid sa ate!

:))

matic na!

~~m$. DoNNA~~ said...

nagbalik ka na pala cindy!
musta???

Ivan Rubio said...

ako singaw naman hehe

Nood na lang and watch funny videos here

http://www.balitaktakan.com/funny-videos

visit and drop a smile at my blog

to all: send me a comment to those want backlinks and link exchange.

jex sah'pahk said...

sige tawagin ko na ring ampon ang sarili ko para d ka na mag tampo jan...

kamukha mo talaga yung gurl na yun para ikaw nga ata yun :d

ang kulit ng bata n un a ang ingay... nyehahaha

manilenya said...

bakit mukhang anak ni dolphy yung batang lalaki? lol!

Marites said...

katuwa naman kayong magkapatid. kakainggit ka kasi nag-iisang babae lang ako.

glesy the great said...

honga no... magkamukha kayo!!! gash.. nyahaha.. natutuwa pa naman ako pagnakakakita ako ng magkapatid na magkamukha.. cheers;p-glesy the great

karmi said...

uy nakauwi ka pala ng Pinas.. :D waaaa, inggit. hehehe.. ^^,

anyways, ayos naman, pwedeng makeup artist! ^_^ ako rin ampon. hahaha. wala akong kamukha sa mga kapatid ko. :( *sob*

joycee said...

wee kulets ng mga kapatid mo weheheheh. obvious na namiss mo talaga sila wehehhe.

dotep said...

hallimaw ah!! ang kulit.. pwede na makipagaway... hehe

Heleyna said...

Ayun alam ko na bat hindi ako nagkaron ng kapatid na lalake. Hindi sya masyadong hyper noh? hihi

Mayyang said...

ooooooppppsss! magkapatid nga kayo!..nakakatuwa naman at nakapagbonding kayo ni sister...hehehe... kainggit naman kayo.. i have a sister pero layo kasi nang agwat namin kaya d masyado close..hehehe

musta ang bakasyon d2 sa pinas sis?

neto said...

wahaha.. tama ako.. kapatid mo nga yun.. magkamukhang magkamukha nga kayo.. wahehee

eloiski said...

weh? adik ampon daw oh... ako din ampon!
hakhak!