ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Thursday, March 12, 2009

Rihanna Fever

Alam ko panis na ang story na ito pero gusto ko lamang ilabas ang aking reaction regarding sa pambubugbog ni Cris Brown kay Rihanna. Sa mga di pa nakakalam ng story, ganito yun. Dahil sa pagseselos ni Rihanna sa isang mahabang text na galing kuno sa manager ni Cris na si TIna Davis at take note meron kuno silang sexual relationship long time ago. Ang sabi daw sa text ay mag hook up sila later ni Cris. Nga pala nasa forties na ata etong Manager niya eh. Pero syempre todo deny naman 'tong si Tina. Well, who knows?

Ang kinaiinisan ko lang naman ay bakit pa sila nagkabalikan?

Alam ko wala akong connection sa kanilang dalawa pero binugbog ka na nga di ba, makikipag balikan? Well di naman ko pwede magsalita kasi wala naman ako sa kalagayan ni Rihanna. Against din ako sa sinabi ni Donald Trump na looser si RIhanna. Kaya nga lang, sige saktan mo ko emotionally pero physically? HA! You wish!

Wala lang, naawa lang ako kay Rihanna. Rihanna, alam ko di mo ko naiintindihan, pero madami kaming mga fans mo. Ngayong nakipag balikan ka pa kay Cris Brown baka gayahin ka ng ilan sa mga fans mo. Baka mas lalo pang lumaganap ang domestic violence kasi pumapayag ka lang na ganyanin ka niya eh. Tandaan mo ang sinabi ni Oprah, love does not hurt daw!!!

For more about Cris Borwn and Rihanna, visit niyo lang 'to! As in eto!

11 comments:

Dhianz said...

uy! hi.. first time atah akoh magkoment sa page moh.. pero napapadaan na akoh d2 minsan... saya naman nang pixs moh sa baba... at kasama moh si soulmate moh nde bah... yeah i think nabasa koh ren non mga sweet post moh about sa inyo ni soulmate moh... i wish yah two all d' best... oh yeah sabi nga nilah... kapag mahal kah tlgah nang isang tao... nde kah sasaktan physically.... yan ang rules den nang nanay koh... and yeah kayah pag nag-aaway silah non nang tatay koh.. basagan na lang nang pinggan or batuhan nang gamit sa pinto.. lolz.. walah lang tlgang sakitan sa isa't isah... pero thank God nde naman na ganyan silah ngaun pero syempre nde maiwasan minsan magkaroon nang away... part na nang mag-asawa 'un.. so yeah... ingatz lagi kayo ni soulmate moh... lagay nyo lang lagi si God sa center nang relationship nyo so no matter wat happens eh sya ang magpu-put back together sa inyong dalawah... Godbless! -di

Mon said...

Tama! pagmay sakitan nang nangyari lalo na't physical, it's not healthy anymore...

pugadmaya said...

hehe..may point ka dito..pero late na pala ako ah..hindi ko alam na nagkabalikan sila..hihi

payatot said...

pag ibig kase ano? pero minsan ganun talaga dahil nga mahal nila ang isat isa, ang masama nga lang umaabot pa sa bugbugan isyu na yan..dapat ginagaya nya ang mga ibang babae na matapos yon ay wala na talaga ano?

Snow said...

i see your point cinyrella pero dapat ma-realize din talaga ni rihanna na baka hindi makakabuti sa kanila ni chris brown maging sila. :(

~~m$. DoNNA~~ said...

cindy, may tag ako sayo :)

Heleyna said...

Eh ganyan talaga ang pag-ibig eh -- ADIK! But violence is another thing..so baka nasarapan sa bugbog ni brownie.

" ♫ pwede isa pa brownie, medyo bitin ang honey ♫" lolz

~mwaaah sis wag gayahin si rihanna at wag seryosohin mga lablayp ng mga tao sa showbiz parang lablayp lang din sa cyberworld...bizzare, complicated and often istupid.

jex said...

wala tayong magagawa ganun talga e bgay talaga sila sa isat isat...

Clis Blown LOVE lobyn Lihyana lenty...

joycee said...

Agree ako jan sis, oo tanga tayo pagdating sa pag-ibig pero dapat pairalin pa din ang utak. Once na nasaktan ka na physically, it can happen again.

Pag-ibig nga naman, tsktsk.

yhen1027 said...

hmmm nagkabalikan na pala sila... parang sobrang behind na ako sa showbiz happenings ah... hehhee.

nwei, di kaya masokista naman c rhiana kaya bet na bet niya ang sinasaktan? hehehe.

cguro kahit gaano ka pa saktan ng mahal mo dahil nga mahal mo, go pa rin.

kaya din nagkaroon ng saltang MARTIR sa mundong ito dahil may mga katulad ni rhianna. ehhee.

nwei, choice niya yun, buhay niya yun, kaya kung ano man consequence ng pinili niya haharapin na lang niya...

kcatwoman said...

that's true. the violence will happen again.