ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Monday, April 13, 2009

Away Bati

Lagi na lang ba tayo ganito?
Di magkasundo at laging nagtatalo,
Nakakapagod ng malaman kung sino ba talaga,
Sa ating dalawa ang mali at tama...

Pag sa tuwing nagtatalo ang dalawang tao na nagmamahalan nasa kanila na lang yan kung gusto nilang pahabain, balewalain o pagusapan. Nararansan namin ni Soulmate sa tuwing kami ay nagkakaproblema ang magusap isang buong araw para lang maitama ang mga mali. Actually nadadaan yan sa process, at ayon sa akin experice heto ang step by step process na iyon: (Ganyan ang nangyayari sa amin ni Soulmate, di ko lang alam kung ganoon din sa iba)

#1: Cold War
Nandyan yung hindi magiimikan. Siguro dahil sa sama ng loob, naghihintay pa kung sino ang dapat na mag sorry. Well, I have to admit, si Soulmate gusto din na nagso- sorry ako sa kanya kahit ba na sa tuwing ko siya ang may kasalanan, okay, wala tayo sa kung sino ang tama dito. Basta pareho kaming ganoon. Pareho kaming magmamatigas, lalo na ngayong long distance pa kami, pag hindi kami nagpapansinan, we just do our own thing. Ako, nanonood ng TV series, blooging, Friendster, etc. At siya naman, magtra- Travian, Dota, manonood ng ANIME at kung anu- ano pa. Tumatagal ito ng 1 hanggang 2 oras kapag weekend, half an hour kapag weekdays.

#2: Turuan
Matapos ang cold war, nandyan na yung magpapakirandaman. Dito malalaman kung sino ang hindi makatiis. Minsan si Soulmate ang nauuna, minsan naman ako pero di ko pinapahalata syempre na hindi ko na siya matiis. Sa tingin ko ay ganoon din naman siya. Ang hirap talaga kung pareho kayong mataas ang pride ano?

#3: Turuan part 2
Eto naman yung part na magsisimula na ang mahabang usapan. Magtuturuan kung ano ang mali sa isa. Hanggang sa hahaba ng hahaba ang usapan, tataas ang boses ng isa, di naman magpapatalo ang isa, mas lalakasan niya ang boses niya hanggang sa susuko ang kabilang panig. Madalas ako ang nagtataas ng boses, di ako proud sa ganoon pero alam mo yung kapag galit ka na, basta galit ako, wala kang magagawa. Ganoon yun. Puno ito ng rason, excuses at sisihan hanggang sa makakapagsalita ka ng masasakit na salita makuha mo lang ang inaasam mo na "Oo na tama ka na, sorry." HAHA! Matagal bago may umamin sa amin kung sino ang mali. Matagal bago may sumuko. May iiyak, maya maya may katahimikan, eto ang process na mahirap lampasan.

#4: Sandaling KatahimikanParehong magiisip ng tama, dito madalas nakakabawi ang isipan. Dito mo mare- realize na sumobra ka pala sa sinabi mo. Bakit ba hindi ko na lang pinalampas yung sinabi niya? Sana pinahaba mo na lang yung pasensya mo, sana di na lang umabot sa ganito.

#5: Sorry
Eto yung kakalimutan mo na ang pride mo. Dito ko madalas iniisip ang quotation na nabasa ko dati: It's better to your pride to the one you love than to lose your love because of pride. Pareho kaming magso- sorry sa isa't isa na para bang mare- realize niyo na mali naman pala ang kanina niyo pa ipinaglalaban. Suddenly, yung kaninang gusto mong marinig na sorry ay nasabi na pero hindi na yun mahalaga. Mas importante na ngayon ang nararandaman ng isa. Maaasar ka sa sarili mo kasi sana hindi mo na lang tinaasan ang pride mo kanina habang nagsasalita ka ng kung anu- anong masasakit na salita.

And so after ng process na yan, babalik na uli kami sa dati. Kahit long distance, we pretendeed to hugged and we kissed by the monitor. Ganoon lang talaga siguro ano? Kami kasi we have to go through the process bago namin malaman na di pala dapat ganoon. Di na dapat daanin sa away. Magkalayo na nga kami, magaaway pa ng ganito. Alam niyo mas maganda sana kung hindi na mauulit di ba? Pero sa tingin ko, madami pa kaming dapat matutunan di lang sa isa't isa kundi siguro pati na din mismo sa mga sarili namin. We are still two seperate entity na magkaiba ang paniniwala. (At dyan kami madalas na sumasablay) pero in the end, all that would matter is yung nararandaman niyo sa isa't isa, yung LOVE, na willing kayong magbigay at kalimutan ang sarili para lang wag mawala ang taong mahal niyo sa inyo.

16 comments:

PaJAY said...

yun o!...

ang importante may soory part...hehehehe....basta LOve talaga eno?....kunyari pride pride pa eh di rin naman makatulog kung di maayos..hehehehe


ang hirap pa naman patulog kung di ok..hehehe...pak-ibik nga naman...hehehehe..

ganunpaman....Mahirap talagang matulog kung masarap ang katabi mo!...lolz.....hehehehe..joke lang..

cheers cynd!...

joycee said...

Naku tamang-tama yang mga sinabi mo sis, kahit medyo matagal na ko di nakakaexperience ng ganyan nakakarelate pa din ako dahil nangyayari din 'to between friends, at oo madalas sa aking guy friend(s)

sensya na sis di madalas nakakadalaw, blocked ang blogspot blogs sa office waah...

missu! *mwahuggs*

epfi said...

yun ang isa sa pinaka importanteng part.. ang mag sorry

ekshulli, pag tapos ng turuan kung sino ang may kasalanan,
sa oras ng sorry, inaaako na lahat ng kasalanan.

ehehe... anlabo noh.
pero ganyan talaga larb. malabo. :)

pero masarap... este masaya

payatot said...

at dahil long distance din kami ngayon kaya nakaka relate ako dito sa post mo cindy...malimit ako ang nag sosorry kase may katigasan din ang loob nya..pero normal na ata sa babae yung ganun ano? kahit kayo ang mali ang taas ng pride nyo at di agad mag sorry sa mahal nya...

bernardumali said...

parang may kulang sa huli. hulaan mo. hehehehe

the donG said...

normal naman yata kaya lang pag sobrang ganyan na lang hirap na rin.

~~m$. DoNNA~~ said...

ang galing naman ng process na yan
at least in the end, bati kayo and you're okay..

importante talaga ang paghingi ng tawad at pagpapakumbaba ng dalawang taong involve at hindi lang ng isa.. kasi minsan, kapag isa lang nagpapakumbaba lagi, feeling ko naaabuso na sya... at lumalaki naman ng ulo nung isa at na spoiled na..

I am Bong said...

that's love Ms. Cydi. Hehe. Just think of that never ending process as a spice in your relationship. it will make ur relationship stronger.

take care always...

bonistation said...

basta mahalaga wag papalipasin ang isang araw na may tampuhan! bago mag bukas dapat may nagsorry na...

mahalaga ang sorry kapalit kase nun ang pagpapakumbaba..

napadaan lang po at nakigulo hehe sabay promote ng isang bagong blog site eto po http://topexpress.wordpress.com

Philippines Travel Blog said...

I can relate to this post., This is usual thing to happen in a serious relationship. There is no perfect relationship.

Cutter Pilar said...

sis, i have something for you. daan ka bahay ko ha. :)

dotep said...

masarap matulog pag tapos na ang away... tapos yakap... naks... hehe

Heleyna said...

Yun yune! Yan ang masarap sa pakikipag-away ahaha. Yung kiss and make-up part. Di mo malaman bakit yung laki ng galit mo kanina...bigla na lang maglalaho dahil sa isang sorry. Aminado naman ako madalas ako yung sinusuyo. Ang ibig sabihin lang nun...

...madalas SYA ang may kasalanan. lolz. Itatawa ko na lang to..para di mahalatang may naaalala ko.. at nahe-hurt pa din ako. waaaah.

Labyu sis..hi kay soulmate. *wink*

tagalogblogger said...

hahahaha!

nasapul mo ah!

"Sandaling katahimikan", ay layk dat.

Keep 'em coming!

mingkoy

Mayyang said...

ayos sis!

Dapat talga hindi pinapatagal ang away.. kasi pareho din lang kayong magssuffer...

Maganda yan sis.. kami ni life? naku! yaw nun ng away... pag inaaway ko xa..d xa umiimik...oh?dba nakakainis yun...pero now i know kung bakit xa ganun... yaw nya na lumaki pa ang away namin... Pag galit na galit na aq..gagawin nun..ihuhug nlang nya ako...so yun!ahehehe

Wag nyo sanayin yung away bati n yan... magkalayo n nga lang kau tpos gnyan pa nangyayari... just TRUST and UNDERSTAND each other...

na miss kita sis :)

lin said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,性愛,色情,080苗栗人聊天室,免費a片,視訊美女