Alam mo ba na napagsabihan ka ngayong araw na ito sa office? Pero pinipilit mong labanan ang negative thoughts na bumubulong sa likod ng utak mo. Nakakatuwa, dahil success ka naman after mong sabihin sa sarili mo ng paulit ulit na, "count your blessings, not your troubles." Sa totoo lang, nakakabaliw ang mga desisyon na pinagagawa mo sa buhay mo, sa totoo lang. Kahit na medyo komplikado ang mga bagay, GO ka pa din. Lalo na yung long distance relationship niyo ni Soulmate. Kahit medyo pareho kayong isip bata, nakikita kong tinutupad niyo kung ano ang napagkasunduan, nagkakatampuhan kayo minsan pero in the end, love will prevail. At nakikita ko naman na masaya ka. Sa mga oras na ito, pinapangarap mong mapunta sa ibang lugar at sa ibang oras. Naiisip mo ang matagal mo ng pangrap, ang makapunta sa iba't ibang lupalop ng mundo. Siguro naman mararating mo na ang mga yun sa oras na binasa mo 'to ulit. Alam mo, you inspired me so much. Di ka sumusuko sa kahit ano. Di ko nga alam kung saan mo nakukuha ang kakaibang lakas ng loob eh. Mahal na mahal mo ang pamilya mo na nakayanan mong gawin muna ang responsibilidad mo sa kanila. Sinacrifice mo ang isang pangarap na di mo alam kung matutupad pa ba o hindi. Sana sa oras na nabasa mo na ito ay natupad mo na iyon. You know what I mean right? Yun ang unang una mong pangarap eh. Anyway, natupad mo na ang pangalawa, long distance nga lang pero pareho kayo ni Soulmate na gumagawa ng paraan para magkasama. Sana hanggang sa mga oras na mabasa mo to, naniniwala ka pa din sa "Always" at tsaka sa "Forever". Yan ang wag na wag mong babaguhin sa sarili mo ah. Konti na lang kasi ang naniniwala doon. Sa totoo lang, dahil sa paniniwala kong yun, naging masaya ako kahit sandali, naging masaya ako kahit ngayon. Ano pa ba?
Oo nga pala, mahilig ka din mag blog! Yah! Ang hilig hilig mong magsulat lalo na sa isip. The best ka din pagdating sa pagmu- muni muni. Nakakatuwa nga eh kasi nagkaroon ka ng kaibigan sa pagblo- blog nang hindi mo inaasahan. Simple lang naman ang mga kasiyahan mo sa araw araw, maka chat sina Mama, si Soulmate, may makain pa kayo ng Tatay mo, maayos na araw sa trabaho, yun lang naman. Pero alam natin pareho na hindi habambuhay, ganito ka. Alam kong alam mo yan. Tsaka, alam mo ang hilig mong pumunta sa library. Balak mong makapagsulat ng libro di ba? Wag kang magalala, makakarating din tayo diyan. Alam mo mahirap labanan ang loneliness. Nakakaranas ka din ng ganoon, inaamin mo din naman kasi sa sarili mo na hindi ka perfect. Non stop ang struggles, lalo na ngayon, recession. Kaya masyado kang nagpapakasipag sa trabaho dahil alam mong maraming umaasa sayo at ayaw mo silang biguin. Naaalala mo pa ba nung mga unang buwan mo dito sa Hong Kong? Akala ko nga din mababaliw ka na eh. Pero hindi, imagine? Nakaya mong makahanap agad ng trabaho. Alam mo ba kung ano lang ang baon mo ng mga panahon na iyon? Lakas ng loob lang. Maraming beses ka na din nadapa. Maraming beses na walang nag tiwala, believe it or not, it's already a tough world pero you still see the beauty in things. Grabe din yung akala mo mawawalan ka na ng trabaho pero sa totoo lang, ang galing mong kumapit. Konting tiis. First job eh. What do you expect from an 18 years old na wala man lang kaexpe- experience? And you know what until today, you continue to rock on. Kung advice naman ang kailangan mo, eto lang ang masasabi ko to make it short, always follow your heart, follow what you believe in, at wag mong kalimutan lahat ng natutunan mo sa mga self help books na pinaghirapan mp din naman basahin. O siya, matutulog na ako. Alam mo naman ang eyebags!!! Mahirap na. Good night!
PS: Stay happy and healthy! Remeber health is wealth! I love you! Isa pang PS: Don't forget to pray, tandaan mo sa kanya mo nakukuha lanat ng lakas mo. Nga pala eto ka ngayon! Taray mo no?
Love Cindy
***May nabasa ako dati di ko nga lang maalala kung saan, subukan mo daw gawan ng fan letter ang sarili mo kung saan ilagay mo kung ano ang nagustuhan mo sa sarili mo. At basahin mo siya pag feeling mo malaki ang problema o kung gusto mo ay gawin mo siyang parang time capsule. Basahin mo after one year or ten years. Maganda yung may communication pa din kayo ng sarili mo. Get in touch with yourself. Love yourself. Tingnan natin kung ano ang feeling later on. ^__^





20 comments:
have this one too...
I made a letter for myself then nilagay ko siya sa diary ko. Similar din sa letter mo but shorter (tamad kasi akong magsulat, I prefer to encode).
I agree that it feels good pag minsan down ka maxado din you read the letter to yourself and it makes you strong. I open the letter every time I feel so low and it never fail to lift me up...
=)
wow!!!
ganon ba talaga dapat?
kausapin ang sarili? hahahaha....
nice one... maganda yan, be positive thinker always...
ganda naman ng outlook mo sa buhay.
ipagpatuloy mo ang pag-share...
wow... Itry ko din yan...
Take care Always and God Bless! :)
-marah
cool pala kausapin ang sarili
ehehe
merong akong ganyan
pero ang kausap ko is myself
25yrs after the day i wrote it
hmm.. parang pag papa alala lang sa aking nakaraan :)
ok to ah! parang isang liham lang galing sa prend mo..maganda nga yan ganyan kase sa darating na panahon pede mo syang basahin ulit para makita mo ang mga emosyon mo noong panahon na yon..
Uy thanks sa tip sis, mukhang kelangan ko 'to..
Life is beautiful, so we might as well enjoy it! :)
*mwahugggs sis*
magaling na suhestyon! makagawa nga rin ng letter para sa sarili!
kelangan ko ng ganito! lalo na't wala talaga ako mapagsabihan ng mga problema ko at kapag down na down ako wala kasi akong karamay! sinasarili ko lang!
hindi ko alam kung bakit pareho kami ng cindyrela na yan, malakas din ang loob :D
sana nga matupad nya lahat ng pangarap nya
hakhak!
o xaxa sige alis n ko :D
Ang ganda naman ng fan letter mo sa sarili mo. I love the fact na you love to be young forever kasi gurl, ang Lowla Snow mo na heto papasok na sa adulthood eh naka-hang pa rin ang utak sa Never-neverland! ^_^
astig. very artistic writing. matutuwa ang mga babae dito. pinakita mo rin ang galing mo sa pagsusgulat.
i love ths post!
^^, astig tlaga. E2 ung type ng post na gus2 ko.
Marahil alam mo rin un.hehe.
MahiliG din ak0ng kausapin ang sarili ko eh. Hakhak
natry ko na yan...
peo puro kalokohan sinasabi ko..
hehe
try ko kaya ung tulad ng sau??
tnx po!!
God BLess!
wow astig...
bago sa akin ang konseptong to... di ko naisip na maari kang makicommunicate sa sarili mo sa pamamagitan ng pagsusulat mo sa sarili mo...
nwei, cguro its also about time i get in touch with myself...
tnx for this cindy...
ps. natutuwa ako everytime binubuksan ko blog mo kc naaalala ko besfren ko na cindy din ang neym at di ko alam bkit nakikita ko yung katauhan niya sa iyo. yun lang. hehe...
GodBless...
Ayos, haba nga lang. hehehe. Pero okay yan ha. Ang cute cute mo pa rin gaya ng dati at higit sa lahat ay Guapo ka pa rin. este Sorry, ayan, kinausap ko na tuloy ang sarili ko.
hahaha, kinakausap talaga ang sarili.
saang address mo ipapadala.
siguraduhing matatanggap mo yan.
nyahahahaha
msta na?
baka may makahukay na iba sa time capsule eh... text ko na lang sarili ko... hehe
Hello, this is chazzel.
I've created a new blog and if you like, please add me up on this url:
http://akosichase.blogspot.com
I've already added you up in my blog roll! :)
my old url was: http://sherzel.blogspot.com
Thank you. :)
oyy Cindy! danda-danda naman ng nasa pic! hehe
okay yan kausapin mo sarili mo. ginagawa ko rin yan eh. wag lang pag maraming tao baka mapagkamalan tayong na-wawala sa sarili. LOL
ayos yan, keep the good spirit and optimism! wag kang sumoko sa mga pagsubok! ;p
haha. This sounds very weird. Try ko nga.
Post a Comment