ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Sunday, April 19, 2009

Isang araw...

Lahat tayo may kanya- kanyang istorya na nakapaloob na sa ating pagkatao. At malamang lahat tayo, alam na alam ang istorya ng buhay natin. Pwera na lang kung nagkaroon ka ng amnesia. Hindi ko iku- kuwento ang buhay ng ibang tao, dahil tanging ang kwento ng buhay ko lang ang alam na alam ko dahil ako lang ang nakakaintindi sa sarili kong pagkatao, sa kwento ng buhay ko at sure ako na ganoon din kayo sa mga sarili niyo.

Bata pa lang ako, mahilig na talaga ako magbasa. Iba ibang istorya ang nakaploob sa bawat libro na nababasa ko. I was fascinated sa mga experiences ng mga tao fictional man o hindi. Hanggang sa naiisip ko buti pa sila nararanasan yung mga ganyan, yung ganoon. Lalo na noong nabasa ko yung Harry Potter, feeling ko gusto ko din ng powers, gusto ko din maging witch. Duh? Pero noong nabasa ko yun Twilight, naisip ko ayokong maging si Belle dahil masyado siyang emote. Toinks! Sorry sa twilight fans. Although, I must admit, cute si Edward Cullen na character sa nasabing libro. Okay fine, kung maisasalibro ko lang siguro ang buhay ko, it will
consist of a hundred series. Mula pagkabata ko hanggang sa mga nararansan ko ngayon. Gusto ko nga isulat ang kwento ng buhay ko pero gusto ko ako lang makakabasa nun. Alam mo na mahirap yung maging showbiz ka. Sabi nga ni Heleyna, people come and go. Sa bawat libro ng buhay mo, nagiiba iba ang mga supporting characters at syempre iisa lang naman ang bida sa buhay natin di ba? Tayo mismo.

May nagsabi sa akin, di ko na maalala kung sino pero ang sabi tayo ang may hawak sa buhay natin. Kung gusto mo itong maging masaya, gawin mong masaya. Wag mong gawing excuse na kasalanan ng ibant tao kaya ka naghihirap o nagkasakit or malungkot. In the end, nasa kamay mo kung ano ang mangyayari sa buhay mo.

Meron nga pala akong isang diary na talagang araw araw kong nau- update noong nasa college pa ako, nakasulat doon yung mga adventures namin ni Soulmate, napuno ko nga ang notebook na iyon eh na may nakalagay na saying sa harap na, "We don't remember days, we remember moments." Di ba ang ganda ng saying? Nakakainspire!

Siguro kung gagawing libro ang istorya ng buhay ko sa mga oras na ito, eto ang ilan sa mga nakapaloob, babala may mga parteng maselan at malamang di naaayon sa inyong opinyon. Bakit ba, blog ko 'to? Hahaha! Eto ang nangyari sa araw ng Linggo ko, April 19.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa sala. Kilala ko ang boses na iyon, boses ng Auntie ko. Ano na naman bang meron sa araw na ito? Mukhang magkakaroon na naman ng pagtitipon tipon sa bahay namin na ito. Ganoon kasi pag chinese, dalawang beses sa isang buwan, nagkikita kita sa bahay namin para mag mahjong. Mukhang kinailangan ko ng maligo dahil for sure mamaya ay mawawalan na ako ng chance para makapag banyo. At isa pa, balak ko din magpunta ng library dahil meron akong ipapa- print. Pero dahil wala pang laman ang tiyan ko, naisipan kong uminom ng Milo at saka ako naligo at nag ayos ng sarili. Tapos, napansin ko yung diary na regalo sa sarili ko noong last christmas, tiningnan ang last entry, noong March pa, bago umalis si mama papuntang Cebu. Naisip ko siguro kaya di na ako nakapagsulat dahil ayokong maalala ang mga problemang dumating matapos kong isulat ang last entry ko doon. Mukhang di ko nakayanan ko naisipan wag na lang isulat. Malamang di ko din naman babasahin. Pero I feel okay now, so naisipan kong magsulat.



At pagkatapos ay nagmadali na din akong pumunta ng Mcdonalds dahil sa tingin ko ay tapos na din naman makapag almusal ang mga kasama ko sa bahay and besides, I'm not into chinese food right now, Mcdo na muna tayo. And so, tumungo ako sa Mcdonals. Hay, isa na naman 'to sa mga instances na mag isa ako. Siguro pagsasawaan ko na lang muna ang mag isa sa ngayon dahil alam ko, pag nagkasama kami ni Soulmate, di na 'to mangyayari sa akin so savour the moment na mag isa, right?



Ayan, isiningit ko pa yan sa pila. Haha, dahil gutom na talaga ako, sumingit ako sa pila at nagtagumpay naman ako dahil hindi halata na sumingit lang ako. Wahahah! Yun nga lang, di ko na naubos, burger at ice tea lang ang kinain ko at saka ko nilagay sa bag ang fries at taro pie. Tapos, nagsimula na akong maglakad papuntang library. Tapos kamo, pagdating na pagdating ko sa library, narandaman ko ang pagaalburoto ng tiyan ko. Uh oh, not now. Ayokong gawin to sa public toilet at mas lalong ayokong umuwi sa bahay at saka ako babalik dito. No, no, no!!! Sinubukan ko siyang tiisiin, ayun okay, okay pa. Nagpa- reserve ako sa computer, 11:45 na ng mga oras na iyon, at sabi bumalik na lang ng 12:00 dahil nun lang may bakante. Okay, fine. Sinoli ko ang libro na tapos ko ng basahin at saka nag book hopping. Naghanap ako ng libro na pwedeng basahin sa loob ng isang linggo, at dahil medyo nagrereklamo na ang tiyan ko, di ko na masyadong binagalan. Narandaman kong kinailangan ko ng umupo dahil kung hindi, nararandaman ko na hindi maganda ang kalalabasan nito. Naalala ko tuloy noong nasa highschool pa ako, di mo talaga ako mapapagbawas sa toilet ng school o mall. Doon ko lang 'to sa bahay pwede gawin. Doon lang!!! Pero nang mga panahon na iyon, kailangan ko ng isugod sa pinakamalapit na toilet ang pwet ko na ito dahil malapit na siyang bumigay. (O! Wag niyong sabihin na hindi ko kayo winarningan ah. Mahirap ito aminin sa International Blogging world! Pero ano ba magagawa ko, eh yun ang nangyari sa akin sa araw na ito eh. I let myself relax at nagstart na magbasa basa muna. Tumingin ako sa orasan, five minutes pa. God, wag mo naman ako pahirapan ng ganito. Anyway, binalin ok sa pagbabasa ang oras ko. Naisip ko lang, ito ba ang karma ko sa pagsingit kanina sa pila? Sorry na po...



Ayan lang ang nahiram ko. Yung "Being happy" nabasa ko na noong nasa college pa ako pero isa ito sa mga libro na di ko ppagsasawaan, alam niyo kung bakit? Nakakaaliw kasi yung mga drawing, hehehe! Totoo naman ah! At yung isa naman, syempre para mas mag improve pa ang aking pagkababae. Charing!

Sa kabutihang palad, ay mabilis namang lumipas ang five minutes and then it's my time. Hayun, without thinking, nag print na ako ng nag print. And guess what, excited na sana akong umuwi nang nasa labas na ako ng library, ay saka ko pa lang nabasa yung pina- print ko. Shemay naman o, daming typo. Kakabaliw. Ang laki ng sacrifice ko sa kanya ah. Sinacrifice ko pati pwet ko para sa kanya tapos ako din pala ang mismong bibigo sa sarili ko. Cindyrella, binigo mo ko. Huhuhu...

Anyway, di ko na matiis ang pwet ko. I really need this. It's begging so much na that I can't ignore it anymore. Okay, honey. Your wish is my command.

Matapos akong bumanyo pagdating sa bahay, ay nakapag chat na din naman kami ni Soulmate. Dami naming napag usapan. Yung mga tipong sweetnesses chuva. Grabe, muntikan ko na nga mahalikan ang monitor ng laptop ko kasi naman ang gwapo niya. Di ako nagsasawang titigan siya. Tapos na ang crisis sa aming dalawa. Wahahaha! At balik na naman kami sa dati naming ka churvahan. Although, medyo may tampuhan kasi naman dota siya tapos nood naman ako ng lipgloss na nakakabaliw ang kwento dahil may kaluluwang ligaw moment pa sila. Duh? Pero okay lang, at least naiba ang ambience nila di ba? Ayun nga si Soulmate at ako medyo nagkatampuhan tapos kahit naka video call lang kami, para kaming magkaharap kung magtalo o magkatampuhan. Tatalikuran ko siya tapos magtatakip ako ng unan sa mukha ko, yung mga tipong ganoon. Ang drama no? Pero sabi nga nila, you can't fight fire with fire kaya nagpakumbaba ako at ayun, nagpakumbaba na din siya. Gosh, lalake nga talaga. Wahaha! Minsan naman kasi sarap din niyang lambingin. Good boy Soulmate. Haha! Joke lang! Basta ang sarap makipaglandian sa kanya. Alam mo natanong nga niya sa akin, if ever ba na magkasama kami, maghahanap daw ba ako ng space for the mean time. Sagot ko naman sa kanya, pinagsasawaan ko na ang space na sinasabi mo ngayon. Kaya for sure pag magkasama na tayo, sawa na ako sa space. At hello, naaalala mo ba yung nabasa ko sa bible? One flesh na daw ang mga taong kasal na kaya I'm a part of you and you're a part of me indefinitely. (Ooops, bawal ang questions diyan, Har har!)

Naka chat ko din pala ang aking Inay at mga kapatid. Nakakatuwa, dahil ang bro ko, nagpapa cute ba naman sa akin. At masasabi kong may pinagmanahan siya sa kabaliwan kasi nagsisisigaw ng paulit ulit na gagamba! gagamba! Duh? Feeling niya siguro madaming gagamba sa kanyang paligid. Imagination nga naman o. At yung sis ko naman, nagtatampo kasi blog daw ako ng blog. Ayun, pinagbigyan ko muna. Okay, laro na tayo ng chess! Nanalo siya, wawa naman ako, natatalo. Pero panalo naman ako sa parang scrabble na laro sa way em, at sa pool, at sa iba pang laro. Si Soulmate naman chini- cheer ako. Hayun, at di na nga nagtampo ang sis ko. Matampuhin kasi yun, hay naku, buti nga at natauhan na siya sa boyfriend niya, este XXX niya na nakakabanas nga naman. Imaginin niyo naman, pinapadalhan siya ng load, naga- I love you pero after nun, puro negative na ang mga sinasabi. Well, my sis deserve more than that asshole!

Tapos ayun, pwet ko lang naman ang naging worry ko so far for this day na naayos ko na naman. Well, kahapon pa nga pala ako naglilihi sa egg tart. Ewan ko ba, parang alam mo yun, napapanaginipan ko siya!?? Kaya nagpabili ako kay Dad at sa awa ng Diyos, isa palang nakakain ko, busog na ako. Haha! I get totally over it na! Weeee! Di ko na siya mapapanaginipan!

Gumawa din ako ng bagong playlist sa imeem at kasalukuyan ko siyang pinapakinggan ngayon. At alam niyo ba kung ano ang susunod na mangyayari? Papatayin ko na ang laptop at matutulog dahil alam ko bukas ay sasabak na naman ako sa gyera ng trabaho ko. O siya siya good nights!

P.S. Nasaksihan niyo po sa mga naisulat ko dito ang tunay na ako.


At eto pa meron akong award from Pipi! Weee! nakakatuwa, salamat sayo majo! ^^
1. Copy the badge and put the logo on your blog sidebar or post.
2. Nominate at least 5 blogs (can be more) that for you are Uber Amazing!
3. Let them know that they have received this Uber Amazing award by commenting on their blog.
4. Share the love and link to this post and to the person you received your award from.
5. Come back and comment here so that your link could be added to the master list of awardees.

At ipagkakaloob ko ito kina:

Heleyna

Joycee
Rawr
Payatot

Punky


O yun lang, logtu na me! ^^

13 comments:

PaJAY said...

ahehehehe..kala ko may karugtong pa...award na pala...hehehehe...


pano yung print sa library..paki kwento nga...parang di ako nakarelate dun a....hehehehe...

wala bang piyur after nakaraos ka na?..lolz...para makumpara sa pix mo before going mcdo...lolz...

dota adik pala soulmate mo....ayos yan...hehehehe...

ang chuwit ng mga huling pagsasalaysay...di ko kinaya ..naiinggit lang ako kaya wala na munang kumento tungkol dun...hehehe...

Heleyna said...

Uy at nasali pa ko. It's such an honor ha..like an honor student! Sweet talaga ng sister ko oh!

"Wag mong gawing excuse na kasalanan ng ibang tao kaya ka naghihirap o nagkasakit or malungkot. In the end, nasa kamay mo kung ano ang mangyayari sa buhay mo." Gusto din to sis! Hmm so true!

Haays inggit ako sayo ansarap manghiram ng books sa library. Pero wala naman akong time and yung mga gusto kong basahin wala sa mga library dito. Nga pala peyborit ko yang suzanne's diaries..kakaiyak yan waaaaah.

Ayan ayan..lesson learned na yan na masamang sumingit sa pila. Hahahaha.

Thanks sa award! God bless sa inyo ni soulmate!

joycee said...

yey handameeng nangyare sa araw ni Cindy girl.. :)

Mahilig din ako sa mga ganyang books, mga self-help chorva-chorva..

Buti naman ant back to normal na kayu ni soulmate mo, stay in lurve!!!

At huy salamat sa award chorva hihi.. tenchu tenchu...

*mwahugggs

payatot said...

kay saya naman ng post mo lalo na dun sa parte ng pwet mo, ehek...akala ko sasabog na sya talaga at buti naman natiis mo sya na di lumabas ano? pero salamat naman sa tag at ibig sabihin nyan ay naaalala mo ako kahit paano...

yhen1027 said...

maganda nga yung being happy na book... nakaka aliw at the same time dami kang matututunan...

sa kabilang banda... di talaga ako nahilig maglib... ewan ko ba... kung library id ko nung college at highschool sobrang linis... dahil di ko manlang nagamit... hehe

Jean sQuared said...

ang sweet naman sobra! **kuha insect spray magspray muna ako marami atang langgam :P

nakakamiss ang feeling na in love...

at about sa egg tart... mukhang naipasa mo sakin ang paglilihi sa egg tart na yan... tsk tsk at ako naman ang nagccrave ngayun wahh! ^_^

be happy! ;)

Mac said...

pwet pwet.....

epfi said...

ang haba ng araw mo
pero ansaya.. weeee

mahilig ako sa books
pero ndi ko pa nababasa yung mga books na nabasa mo
ehehe

PUSANG-gala said...

lam mo asset yang pagiging hilig mo magbasa---ako rin mahilig magbasa pero super bagal nga lang kasi ninanamnam ko yung mga nababasa ko---so minsan---tinatamad din ako-----

i love that book---being happy ---dami nyang naparealize sakin sa mga nilalabag ko sa buhay---at yang dont sweat on the small stuffs na yan---nakita ko ns National Bookstore last week---balak ko bilhin next time----still working on How to stop worrying and start living kasi ni Dale Carnegie----


sana me library din dito na ganyan na pwede manghiram ng mga sensible na libro---kaso wl ako mahanap.

desza said...

Pareho pala tayong mahilig magbasa. At same tayo ng pananaw sa HP at twilight.lol

may diary rin ako noon kaya lang may nakabasa at buking lahat ng sikreto ko kaya tinigil ko na. hahaha

More churva sa inyo ng soulmate mo!hihi^^

gladyspillbox said...

huwaw. haba-ness! :) anyway, natapos ko naman.. at hndi sumakit pwet ko.. ahahaha :))

grabe no! yung Harry Potter? sa July na yung next movie nun. nuod ka.. 3rd to the last movie. yung last book kasi, i-split sa 2 movies. :)

hmmm.. ayun. sige. :) go lang. :D hahaha..

prinsesamusang said...

dati binabasa ko dinyang mga don't sweat na books eh padala ng tita ko kaso habang lumalaki ako i realized na self-help books are like dictating books sometimes kaya ayoko na LOL

the donG said...

"Pero nang mga panahon na iyon, kailangan ko ng isugod sa pinakamalapit na toilet ang pwet ko na ito dahil malapit na siyang bumigay.">>> sa habahaba nitong post, ito pa rin ang pinaka highlight. hehehe... kulit.