ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, April 18, 2009

Suicide or what?

Lahat naman siguro tayo nabalitaan kung ano ang nangyari sa pamilya ng kilalang TV news anchor na si Ted Failon. Napanood ko sa SNN kanina (yup, medyo mahilig ako sa showbiz pero kagabi ko lang talaga napanood ang Showbiz News Ngayon dahil nga baka ma- interview ang anak ni Ted Failon na si Kaye Etong, gusto ko din kasi malaman ang side niya). Di nga ako nabigo dahil sa show na iyon, naglabas ng hinanakit si Kaye about sa pagdakip ng walang warrant of arrest sa mga kasambahay at pamilya ni Ted Failon dahil di umano sa obstruction of justice. Okay, so okay na nga daw ang vital signs ng nagpakamatay na si Trina Etong nang biglang nagkaroon ng commotion dahil nga nagpumilit ang mga pulis na dakpin ang mga kapatid niya. At dahil nga nagkaroon ng commotion, at malamang narandaman ni Trina na stressful na ang nangyayari, hayun at tuluyan na siyang binawian ng buhay. Ganito ang sabi ah, ayon sa mga nabasa ko sa Philstar.com, hindi pa din daw sure ang police kung suicide ito o the other way around. For more info: click niyo ito

Well, ang reklamo ko lang naman dito (although hindi naman ako involve hehe), is yung dinakip ng mga pulis kahit walang warrant of arrest sa mga kapatid, oo na nga syempre lahat sila pwede maging suspect at kailangan dumaan sila sa Due process of law, at kahit narinig ko na may mga instances kung kelan di na kailangan ng warrant of arrest in some instances, bakit di na muna isinaalang alang ng mga pulis ang kalagayan ng pamilya. Pwede naman sila magbantay muna hanggang sa umayos ang lahat at hindi na kailangan idaan sa dahas. Dahil ayon kamo sa napanood kong video, isa sa mga kapatid ay kinuwelyuhan. Alam mo yun? Kamusta naman yung natural law? Di ba nga daw meron tayong dalawang klase ng law yung isa ay natural law, also known as Law of God, at yung isa ay yung law mismo na ginawa nating mga tao. Di ba dapat dahil nga naghihingalo ang kapamilya nila, intidihin muna ng pulisya na kailangan muna nila ng privacy. Sabi ko nga sana binantayan na lang nila muna o kaya kausapin ng mahinahon na kailangan sumama sila sa presinto. Kung di sila pumayag, eh di balikan nila. Har har! Joke! Basta alam ko di pwedeng ganun!

And take note, sa pagkakaalam ko dapat with grace yung pagdampot nila di ba? Hindi ko naman nilalaht ang mga pulis sa Pilipinas pero sa pagkakaalam ko may process din ang pagdampot. (lalo na kung may media sa surroundings di ba?) Alam niyo ba dito sa Hong Kong, kung suspect ka, lalagyan ka nila ng brown na supot sa mukha mo kasi hindi pa naman sure na may kasalanan ka talaga eh. Paano kung wala ka talagang kasalanan, tapos bumalik ka na sa community mo, pagchi- chismisan ka pa din ng mga tao. Alam mo yun, the damage was already done na ba!

Hay naku, basta anuman ang katotohanan sana lumabas na din, although, mismong ang anak na ni Ted Failon ang umamin in National TV na yes, it's a suicide. Paano yan tatakbo pa namang senator si Ted di ba? Oh, the drama nga naman!

Condolence to their family...

5 comments:

Heleyna said...

Ay naku sis...mas updated ka pa sa kin ah. Pahapyaw lang mga nakita at nabasa ko. At di ko rin alam san maniniwala. Daming questionable na mga bagay bagay. Abangan na lng kung di man to masapawan ng iba pang daarting na balita at kung magkakaron nga ng hustisya.

**salamat sis binasa mo yung guest post ko. I'm tats! mwaaaah! Andito rin ako paarte para sayo.

payatot said...

ayun at pinagpahinga muna ng mataas na pulis ang mga hunghang na dumakip sa kamag anak ng namatay..buti nga sa kanila, walang patawad kahit agaw buhay ang biktima..

Snow said...

I am not a fan of Ted Failon pero heto lang masasabi ko. Mahirap magbigay ng speculation kasi hindi naman open ang life ni Ted sa public, isa lang siyang newscaster at hindi artista.

I do respect their privacy at sana right after this magkaroon sila ng peace of mind.

Yun lang po...

epfi said...

ok lang sa akin ang pagdakip

i smell something fishy sa mga nangyari

hmmm

joshmarie said...

mare1 kumusta na.. napakarami mong blog. di ko alam kung alin ang pupunthan ko. haha