ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Friday, April 10, 2009

You're the man!

I'm back.

At di ko alam kung hanggang kailan. Ilang araw din ako nawala sa pamamahay kong ito at sa totoo lang, nakakamiss ang pagblo- blog. At ano naman kadramahan ang pinagagawa ko? Madami din akong nagawa na dati hindi ko gaano nagagawa masyado.

At yun ay ang magmuni muni,

Yun lang naman ang dahilan kung bakit ako nawala sandali. At ngayong nagbalik na ako, heto na ang kwento...

Dahil araw na ng bakasyon at paparating na ang summer dito sa Hong Kong (uyy, alam ko summer na dyan sa Pinas, sorry di ako makakauwi... T_T) dumami ang trabaho sa office. Ibinuhos ko doon ang oras ko. Gumigising ako ng alas syete at dumadating sa opisina ng 9 or 10 am. Madalas 9 am nasa office na ako at natatapos ang trabaho ng 8:00 pm. Halos 12 hours akong nasa harapan ng computer pero ni minsan in my working hours na nagkaroon ako ng chance na makapag surf ng net pwera na lang pag lunch at ang ginagawa ko naman tuwing lunch ay manood ng bago kong kinalolokohan (after Gossip Girl) ang One Tree Hill. Mga buhay buhay ng ibang tao. Naisip ko kasi merong istorya na umiikot din sa ibang tao (although fictional siya) nangyayari pa din yun sa ibang tao, sa ibang lugar. Yun din ang ginagawa ko kapag gabi pag tapos na kami mag usap ni Soulmate.

Kamusta naman si Soulmate?

Gabi gabi pa din kaming mag ka chat. At sa linggong ito, ilang beses ba kaming nag talo? Should I say almost everyday. Ewan ko pero dumadating din yung boiling point ko na gusto ko na ding sumuko. Tama pa din ba ang pinaglalaban ko? Dapat pa baang ipagpatuloy? Minsan feeling mo ang bulag bulag mo, minsan naman nagbibingi bingian. Ang hirap. Sabi nga nila hindi habambuhay masaya kayo. Ang itinatatak ko na lang sa isip ko ay for better or for worse ang napagkasunduan namin at kung aatras ako, talo ako. Baka later on I would regret the day na gumive up na lang ako. Ayoko ko dumating yung time na manghinayang ako.

Kaya lang minsan sobra na.

Bakit ba siya minsan ay nagpapaka immature???

Well, minsan naman pag di siya nasasapian ay okay naman kami. At alam ko he's still trying to be a better man/ boy for me.

Gabi gabi rin kaming mag ka chat ng kapatid ko at ng Nanay ko. Asar siya sa aking Itay na pasaway nga naman talaga. Bakit ba ganito? Ang dalawang da best na lalake sa aking life keeps on letting me down? Bakit ba hindi sila maging magpakalalake? At bakit kami pa ngayon ng Nanay ko ang gumagawa ng solusyon sa mga problema. Nakakaasar.

Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ilang araw akong di makapag sulat at talagang itinodo ko na lamang sa work ang oras at sarili ko. Parang nagsi- sink in pa siya sa pagkatao ko at ngayon let my words speak.

May karapatan din naman akong sumaya di ba?

Lahat naman ng tao ay may karapatan at para di naman ako magpakalosyang sa mga problema na kinakaharap namin ngayon, I have decided to enjoy myself too. Alam niyo ba na sa sobrang pagsisipag ko sa opisina, ay out of the blue ay binigyan ako ng "konting" bonus ng aking Boss. Konti lang naman. Pambili ko daw ng kape sabi niya. Salamat naman kung ganoon. Basta Boss, pagbubutihan ko pa. Haha!

Ano pa ba pinagagagawa ko? Ayun, nilutuan ko ang sarili ko.

Ng sisig...



Ng Spaghetti...


Bumili ng isang pack ng Yakult at naglaklak.

Bumili ng madaming chips at saka nilamon with mayonnaise.

Sarap pala kumain ano? Lalo na kung pasaway ang mga tao sa paligid mo.

Naisipan ko na nga din kumain na lang sa banyo eh...

Habang nakaupo sa toilet bowl...

Tapos kakain ng lasagna sa thub...



Minsan din ginagawa ko na lang kainan ang toilet... sarap!


At mag dessert!



Mukha bang problemado? No way!


At dahil holy week ngayon, bakasyon. Ang hirap naman ngayon ng walang ginagawa. But I need a vacation most of the time paano ba yan? I miss the blogging world, minsan kasi you can't just count in yourself sa pagmumuni muni. You have to let it all out.

Sa gabi, di ko nakakalimutang magdasal. Alam mo kasi everyone may turned you down but not him. Iba siya sa lahat ng lalakeng nakilala ko. Tahimik lang siya pero he keeps on working and he never fails. Lagi siyang nandyan kahit madalas nakakalimutan ko siya. And I know he never stops loving me. Thank you Papa Jesus.

14 comments:

eloiski said...

hala!bat naman yung dalawang da best na boys sa life mo eh tila hindi nagkakaintindihan... saklap namn nyan...
eniweys ang sarap ng pagkain kahit na mukhang gross ang dating...
penge naman nung jerbaks! hakhak!

pero ha, mukhang hindi ka naman masyadong problemado!

Cocoy said...

Happy Easter to All!

Mahirap kasi itong fasting hindi makapag-isip ng matino.Hehehe!

Rawr Prince said...

hi Cindy! nice naman at bumalik ka nah!

WELCOME BACK!hehe

visit my blog pala and may gift ako sayo dun, a lil award lang as a gift for you.hehe.

kipseyp.

RAWR!

payatot said...

iba rin pala ang trip mo pag kumakain ka na ano? isipin mo pati sa bowl e lalagyan mo ng pagkain, aba, ang sarap ba nyan ha?

jex sah'pahk said...

buti na lang hindi mo na isipang tumae muna bago kumain sa toylet bowl WASAK:D

ahihih

ang tingin ko talaga kay tynderela e masipag at matatag kaya kahit anong hamon kaya mo basta THINK POSITIVE lang at laging may baon na revicon forte...

:D

epfi said...

ei ei... maayos din yang lahat
happy easter cinds

hahaha...
nakita ko na naman cute resto sa HK
ang bango siguro kumain dyan
ehehe

keep smiling cinds

punky said...

wow! wow! wow!

Jean sQuared said...

Happy Easter! nakita ko yang Modern Toilet sa tv dati... nakakacurious.. masarap ba ang pagkain jan? lalo na yung nakalagay dun sa parang toilet bowl lol parang di ko kayang kumain jan :P

Nhil said...

Interesting...hindi ka ba mawawalan ng ganang kumain kung dyan nakahain?

desza said...

Naks, lakas ng trip! Ok yan, kahit dami-daming iniisip na problema, wala sa hitsura..hihi

bakit ganun?
ang alam ko, ang pagkain pinopoopoo..
hindi kinakain ang poopoo.. Ayos!hahaha!

Happy Easter!^^

~~m$. DoNNA~~ said...

wow!! nice food trip...

mabuti ka pa marunong magluto...

saul krisna said...

hi thtere sis... musta na? remember me? tagal ko nawala sa mundo ng blogsphere kasi ahhhhh sikwet!!!! hahaha miss ko na ang mga kwento mo.... visit mo naman ako oh... got 2 new posts.... i'll be waiting for you sis

AA said...

everyday ba ang pagtatalo?
hmmmm

Astig ung mga foods at resto ah?
parang banyo namin, hehe. kaya lang dun hindi nakakain talaga. haha

cpsanti said...

wow, that was really cute! saan yan?