ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, May 16, 2009

Break up...

I felt vulnerable everytime I look into your eyes, Although I tried not to, I wanted to leave but my heart keeps on holding on, You hurted me but now you're saying you love me so much that you can't afford to lose me, I have always love you, maybe I could try to love again, maybe we can stilll have one more chance.. Maybe you're still worth fighting for... but let me think about it first

Para akong nananaginip. Nasa bar ba talaga ako kasama ang mga kaibigan ko? Wala ba talaga ako sa kama ko at talaga bang inindian ko siya sa pagcha- chat naming dalawa? For sure naghihintay siya sa akin sa mga oras na 'to. Siguro kanina pa siya naghihintay. Ang usapan namin ay 8:30 pm pero anong oras na? 11 pm? 11:30? Di ako sure basta alam ko malalim na ang gabi. Nasa Cavern ako, isang kilalang bar sa Lan Kwai Fong, kasama si Ate Jhen at ang tropa niya. Di naman talaga ako lumalabas. Madalas akong nasa bahay at nakikipagchat sa kanya. Pero iba ang araw na 'to. Pinili kong ibahin. Hanggang ngayon di ako makapaniwala na nakipag hiwalay nga ako sa kanya. Kagabi, nagawa kong sabihin sa kanya ang nararandaman ko at nagawa kong bumitaw. Di ko kasi talaga kaya.

Luckily may mga kaibigan akong handang tumulong sa akin. I need someone to talk to at hayun at may pinadala naman si God na for sure ay makakaintindi sa akin. And at that time, narandaman ko na, hey, I'm not alone. Kaya ko nga bang panindigan ang mga sinabi ko sa kanya nang gabing yun? Nakikita kong umiiyak siya at alam kong ayaw niyang mag hiwalay kami pero may mga bagay bagay na dapat bitawan muna sandali. Tulad na lang ng pagdadala mo ng isang mabigat na bagay, every once in a while, kailangan mo siyang bitawan para makapag pahinga ka. Lalo na kung dala dala mo ang mabigat na bagay na yun, isang bagay na pwede namang gumaan pero at that time, it's meant to be that way. Tao lang naman ako. No matter how much I wanted to stay, there will always be a time na I have to let go. Sabi ko nga I'm not invincible although I wish I could.

Malakas ang tugtugan ng banda and I'm starting to like. But at the very back of my mind, there was a thought that maybe I have to go home and talk to him. Maybe he needed me. But then, there's this other part of me that keeps pushing the reason kung bakit ako nagkaganito. Kung bakit kami nagkaganito. Di naman ako nagiinarte lang di ba? Of course there will always be a reason. Actually a lot of reasons. Hopefully I can still count it. "Okay ka lang?" tanong ni Ate Jhen. Ngumiti ako at sumagot na okay lang din ako. Totoo yun. Well at least physically. But mentally and emotionally, I am deeply wounded. As in EMO ako nun. Ilang araw na din naman ako walang tulog dahil di ako makatulog. At kahit makatulog ako, magigising at magigising ako ng maaga dahil sa isang panaginip or para isipin ulit ang iniisip ko noong isang gabi.

Kinagabihan nang sumunod na araw, I've decided to talk to him. I miss him anyway that I can't think of a way to forget him and just move on. It's just seemed crazy. I feel vulnerable sa tuwing iniisip ko ang magagandang memories. In fairness di madaling kalimutan yun. Mahigit isang taon pa lang kami and yet feeling ko I've known him all of my life, he seemed to be a part of my system, parang drugs na mahirap mag withdraw kung nakasanayan mo na. i just can't. Matigas ako noong una, di ako makatingin sa kanya, natatakot ako na baka pag tumingin ako sa kanya at nakinig ako sa mga sinasabi niya, baka bumigay ako, baka aminin ko sa kanya na di ko din kaya, na kami na lang sana ulit. "Gusto kong maayos 'to pero nahihirapan ako." sabi ko.

"Ano bang dapat kong gawin, lahat gagawin ko wag mo lang akong iwan." aniya.
"Can you prove to me that you're still worth fight for? Ewan ko pero ang dami dami nang disappointments eh, alam mo yun? Masyado mo na akong nasaktan, I can actually count it all."
"Bakit di mo bilangin ang mga pagkakataon na masaya tayo? Kahit sa loob lang ng isang buwan, for sure mas maraming beses tayo naging masaya di ba?"

But then, maybe he's right. Maybe we can still try. Why not? I still love you, anyway...

27 comments:

prinsesamusang said...

whoa bigat ah. kaya mo yan cindy. sabi nga ng friend ko gawin mo lang kung ano yung makakapagpagaan sa loob mo kasi after that no regrets pero kung ginawa mo daw tapos mabigat pa din ang loob mo malamang daw eh mali ang desisyon mo.

Snow said...

Cheer up Cindy! Kaya mo yan gurl. Heto lang tandaan mo gurl: There is a reason why you part ways. May darating pang mas nababagay sa iyo. At kung talagang mahal ka niya, babalik at babalik din siya sa iyo...

Mac said...

mahal kita cindy kaya wala aqng ibang pupuntahan at babalikan kundi sayo lang...mbuti ka nga at ngwa mo ang mga gnyan while im crying so hard to think of things kung bakit humantong sa ganun...kahit kelan di ko nabilang ang mga walng kwentang bagay ntin together all thats always left to me is the good and precious moments together...mahal na mahal kita cindy at di ko kaya na mawala ka!!! i love you so much!!! all i ever wanted in my life is to stay together and love you till the end of time...

saul krisna said...

ui anong nangyari? hui wag kang sad huh.... pang 6 ka ng blog na nababasa ko na medyo sad... hmmmmm smile ka na!!!!

epfi said...

ei ei cheer up cinds
wag masyado malungkot

think of the happy times you are together
judge if its still worth the pain
malay mo, in the end kayo pa rin.

dont be sad
once again, cheer up

kwentongkengkay.com said...

alam mo, kayang kaya nyong dalawa yan. hindi simple pero kakayanin.

payatot said...

oi, mabigat ata ang pasanin mo ngayon cindy, pero alam ko in god's time maaayos nyo lahat yan kase wala naman di naaayos sa magandang usapan lalo na kung hihingi ka ng tulong kay god..ingat

Dhianz said...

hmmm... alam koh naman na kahit anong sabihin namen eh won't really matter... nasa sau pa ren ang desisyon... sana maging okei ang lahat... ask moh na lang si God kung ano ang best decision ang dapat mong gawin... for sure He'll guide you.... kapit lang sa Kanyah... Godbless! -di

joycee said...

Whoa mukhang dumadaan kayo ni Soulmate sa isang mahigpit na pagsubok, pagpray mo lang girl. You will get through this.

Godbless you! :)

charlie said...

wow.... parang huling komento ko e tungkol sa inyong pagkikita at sweetness... ngayon ay may unos na dumaan na tila ba sinalanta nang tuluyan ang nakaharang sa daan... anumang mangyari e may magagawa upang maibalik muli kung anon ang nasira....

jex said...

GO GO GO ! CINDY kaya mo yan,

alam mo pagsubok lang yan e sa tingin ko hinahamon ka lang ng kapalaran mo, ngayon kung susuko ka na lang at talagang iiwanan mo na si sm mo hindi na pala kita dapat tawagin CINDYRELLA?

sabi mo nga HAPPILY EVER AFTER!

Kayanin nyo yan hindi yan tinatakasan... nilalagpasan yan!, ngayon kung nakaharang BANGGAIN NYO!

Jex Sah'Pahk!

eloiski said...

ate cindy! :hug:
waah! pray na lang tayo kay god!
smile ka na ate ah!

akinangmundo said...

nilamon ka na ng pag-ibig. ganoon na ba talaga kalakas ang impluwensya ng pag-ibig sa buhay ng tao para mawala sa patas ang lahat ng naipundar na? at sapat na ba itong dahilan para ilugmok ang sarili sa problemang tayo rin naman ang gumawa? hmm.kahibangan lang ang pag-ibig. pagtakas lang ito ng tao dahil hindi niya kayang mabuhay mag-isa kahit na ginawa naman siyang kompleto ng diyos.pero ganoon ata talaga ang tao.mahina.at patuloy na manghihina..

~~m$. DoNNA~~ said...

naku! kinikilabutan ako dito.. hehehe....

parang si cindy and steven ji lang fated to love you...

***kapag nalilito ka na at di mo alam ang gagawin.. pahinga muna.. take a break....***

yhen1027 said...

ei how are you? matagl tagal din akong di nakabalita ah...

nwei, think of this things na part lang talaga ng relationship... sa mga ganitong panahon kelangan mong maging strong... then after sum tym i reflect mo ang mga lessons, at kapag nalagpasan mo yan matatawa ka nalang sa sarili mo...

it may seem hard but wat makes it hard is the thought that it is hard...

cheer up... this, too shall pass.

AA said...

Awwww. how sad. kaya mo yan. apir!

neto said...

whoa..nkakagulat.. s akaing pagbbalik ay may kaibigang nalulungkot.. ol i can say is alam kong kaya mu yan..pray lang po tyo and place it in God's hands..magiging ok dn ang lhat..

ingats plague

Beach Philippines said...

Ok lang yan Cindy you deserve someone na mas higit pa sa kanya...Always remember "there's a rainbow after rain"..:)

♥peachkins♥ said...

napadaan lang...

siangelnawaangpakpak said...

ngek.. kararating ko nga lng tapos sad news ang maabutan ko.
Huhuhu...

what happened cindy? is this the end na ba talaga for you and soulmate?

bilang nakakatanda mong kapatid sa blogosphere, ito lang ang masasabi ko: everything happens for a reason. i do hope that you and your bofriend will still be ble to patch things up pero if not, think of it as a growing experience. Maybe God is tryng to tell you something, you just have to be quiet and listen hard.

So goodluck and i hope in your next blog you would't sound as sad as ou do right now.

Cheer up. You're beautiful. And andami naming andito lang sa likod mo lagi.

PaJAY said...

asan ka na cyndirela?...

balik ka na...

punky said...

ISMAAAAAAAAAAAYL!!!

BURAOT said...

hay naku cindy... be strong. mahirap talaga ang long distance relationship..

lam mo, da best option sa ganyan ay yung maging open muna kayo to do whatever you both wanted. kasi since magkalayo kayo, nagkaka miss-an kayo at nagkakahanapan.

kaso it should be done dapat BAGO magkahiwalay ang mag partner. not at the time na magkahiwalay na. kasi kung ngayon, magkakasakitan lang talaga.

anyhoo, i hope the best for you guys.

kikilabotz said...

whooaaa!! totoo b tong nababasa ko? hmmmm...hmmmmmm...

i dont want sna na mkialam eh. pero tandaan mo lang ang buhay mo ay isang fairytale. at lahat ng fairytale ay may sad part. At lahat din laging happy ending..cguro nasa sad part k pa lng ngaun. lately u will happily ever after din nmn. aoh sha sha.

nwei gnda n ng blog mo ah? ahihih

Heleyna said...

Sorry sis more than a month na late na to. Sensya talaga. Nagulat naman ako..totoo ba yan? Hays ayoko na lng masyado mag-react. Lam mo naman I've been to that situation na din. I'm hoping na naayos nyo na by this time...kung hindi man. I'm here if you need someone to talk to. Hugggsss!

bernardumali said...

san ka na?!

supersawsaw said...

wala na siya. iniwan na ang blog niya. may bago na siguro blog yun. may bago na nagmamahal eh.

cindy, kung binabasa mo pa itong blog na ito, ok lang yan. pangit naman yata yung bf mo eh. tsaka pangit long distance. wala ka kayakap parati. kahit pa ano sabihin, mas masarap pa rin na katabi mo yung minamahal mo.