ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, May 9, 2009

Man and Boy



Kasalukuyan kong binabasa ang libro na ang pamagat ay "Man and Boy" na isinulat ni Tony Parsons ba yun? Ganito, ikwe- kwento ko na lang ang story. May isang lalakeng nangangalang Harry na merong masayang pamilya, may asawa siya named Gina at meron silang anak named Pat. Okay na ang lahat sa kanila, housewife si Gina habang okay naman ang trabaho ni Harry. Hanggang sa namamalayan niya na lang na parating na ang 30th birthday niya. And there was a point na nire- regret niya kung ano ang meron siya sa ngayon. Suddenly he thought na kung ano kaya kung hindi siya nag asawa ng maaga? Ano kaya kung single pa rin siya ngayon? He might be celebrating like other people na single pa din and might be flirting around. Bumili siya ng sports car, yung red. Pinayagan naman siya ng asawa niya kahit di niya maintindihan kung bakit out of the blue, bigla niyang naisipang bumili nun samantalang meron naman silang minivan at kahit wala silang pambayad.

And then a disaster happened sa trabaho nila at dahil sa ka depressan daw (well yun daw ang reason niya???) he slept with a colleague. Of course, nalaman ng asawa niya at iniwan siya ng asawa niya. So noong una, everything seemed so perfect di ba? And then out of the blue dahil lang sa isang problema, dadagdagan mo pa ng isang problema. Actually ganito ang situation nila ng colleague niya named Siobhan. Dahil hatinggabi na sila natapos sa trabaho, Harry decided na ihatid si Siobhan. At ayun, feeling niya binata na siya ulit habang hinahatid niya si Siobhan gamit ang sports car. Pagkahatid kay Siobhan, tinanong siya nito kung gusto niya ba pumasok sa loob. Noong una tumanggi siya. Pero nang tanungin siya uli nito kung sure ba siya sa sagot niya, umoo siya. Alam mo kung bakit? Because he thought she would never ask again. Kumbaga he strike while the iron is hot. He grabbed the opportunity.

Alam mo yung part na yun, meron siyang choice. Pwede niyang i decline ang offer at umuwi na lang sa bahay nila kung saan naghihintay ang mag ina niya. Pero hinde. Mas pinili niya ang pagtigas ng kanyang ****? Naaasar ako pag nakakarinig ako ng ganoong kwento. I mean, is it even worth it? Pwede mo siyang iwasan, babae ka man o lalake. Una, tanungin mo ang sarili mo if it's worth it lalo na kung may pamilya ka niya? Kasi kung hindi, eh umiwas ka na habang maaga pa. Isipin mo kung tama ba 'tong ginagawa ko o tawag lang ng pagiging jerk? Well if it's worth it at kaya mo namang i- give up pamilya mo, yung mga taong nagmamahal sayo,kung kaya mo silang i disappoint at kung hindi mo naman pagsisisihan abay go ahead.

Naiinis ako kung may bakit ba may mga pamilyang hindi na nagwo- work out? Okay so hindi perfect ang family ko at sa mga oras na ito, naguusap ang Nanay at Tatay ko tinatanong ang isa't isa kung bakit nagkaganito ang family namin. Actually walang 3rd or 4th party and believe it or not nagkakagulo kami ngayon, I mean sila lang naman talaga pero nadadamay kami ng mga kapatid ko. Tanong ko lang, hindi ba sila nahihiya sa amin? Malalaki na sila eh. Yun lang naman ang sa akin, alam ko hindi sila perfect at tao din sila na nagkakamali. Pero bakit ganoon? Sisihan at kung anu- ano pa ang mga naririnig ko.

So wag kayong magalala, I'll be fine...


At sa mga ganitong panahon, iisa lang ang dapat gawin, mag food trip mag isa. Joke, of course nag share ako dyan no? Okay nasa kalagitnaan pa lang ako ng Man and Boy dahil nga busy pa talaga ako ngayon, sako ko na ikwe- kwento yung susunod na pangyayari.

Anyway, may pinagtatalunan kami ni Soulmate ngayon and we really really need your comment on this, pls visit this link: click here! Para ito sa ikatatahimik naming dalawa so thank you, thank you sa mga magco- comment doon. Really need your oppinions.

Mwahhhh!!!

6 comments:

Mumusakanto said...

alam mo kasi, we all had been young and then we'll grow old but then we could never be perfect. lahat tayo nagkakamali and the common reaction is to point a finger kaya siguro nagaaway parents mo. at about sa man and boy na yan, the part of the story portrays temptation. even the devil tried to tempt Jesus so there's no way he cant do it to men. Lahat tayo pagdadaanan yan. the choice isnt to deal or not to deal with it, it's to be or not to be strong

Heleyna said...

Common din sa mga books na nababasa ko pag may crisis sa family nagiging mahina yung either of both parties sa temptation...well in real life sa tingin ko ganun din. Example yung Lovely Bones ni Alice Sebold may ganung part din, kaya siguro di ko sya ganong nagustuhan. Bias kasi, may naaalala kong past experience hehe.

Sana maayos ng parents mo yan. Happy mother's day sa mom mo!

Heleyna said...

Nga pala di ako maka-comment dun sa kabila bat kaya? Lagay ko muna dito,copy paste ko na lang dun pag gumana na or ikaw na lang mag paste wahaha.

"Expectation kasi it makes you act. Meaning hindi ka mag-eexpect kung wala kang things or actions na ginawa to achieve that certain something.

However, hoping is good din as a motivator. Sensya..antok pa eh. Lol"

prinsesamusang said...

wow cindy talagang nagiging bookworm ka na ah. but i am glad you are enjoying these books. nga pala ang sarap ng itsura ng kfc mo ah! alam mo nung college ako kfc araw-araw LOL katapat kasi ng school eh LOL

payatot said...

bitin ata cindy pero hintayin ko kasunod ha para mas ok...siguro tama ka na kung kaya mo naman i panindigan ang lahat ng ginagawa mo lalo na nga dun sa story mo e di sige, go ka pero palagay ko naman magsisisi ka sa huli dahil dyan..

dotep said...

baka 5th party ang dahilan..

magaling yung writer niyan!

di ba hagibis member yun si parsons??



biro lang! :)
haha