ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Sunday, May 10, 2009

Yellow flower



Matagal na akong di nakakatanggap ng bukaklak, noong huli ata eh noong 3rd monthsary namin ni Soulmate na sinurpresea niya ako ng isang bouquet. So mahigit isang taon na din pala. Tapos kanina, out of the blue, habang naglalakad ako pauwi eh may nag abot sa aking na isang babae at mukhang volunteer siya sa kung anong party whatsoever. Inabutan niya ako ng bulaklak at binati ng Happy Mother's day. Nakakataba ng puso. Kahit wala pa akong anak, may bumabati na sa akin. Tiningnan ko ang inabot niyang dilaw na long stem na bulaklak. Di ko alam kung anong tawag dito pero I really appreciated it lalo na sa panahong ganito.

Nakakaasar ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon at siguro madami daming tao ang dini disappoint ako. It hurts dahil parang walang may pakialam kung sasaya ba ako sa desisyon nila o hindi. Walang may pakialam ng feelings ko, as if inaasahan nila na maiintindihan ko ang lahat. I'm not invincible. At lalong di naman ako si Darna. May feelings din ako at nasasaktan ako doon. Selfish ako. Selfish kaming lahat. At lahat kami ay nasasaktan. At wala akong magawa. Walang magawa kundi ang umiyak because it's the only thing that can make me feel better. Makes me feel better. Pero di mab abago ang situation na kinasasadlakan ko ngayon. May mga taong mahal mo at kaya mong gawin ang lahat para sa kanila pero sila, bakit ni minsan, di ako inisip? Bakit ni minsan, hindi nila naiisip na kailangan ko din ng ganito, ng pagmamahal? Am I asking for too much? I don't think so. Alam mo yung sinasacrifice mo halos lahat para sa kanila pero sa simpleng bagay na hinihingi mo, di ka mapag bigyan.

I just want to be happy.

Napatingin ako sa dilaw na bulaklak na binigay sa akin kanina. Kahit di ko siya kilala, gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito. Dahil for once, for once in many weeks, inisip niya ang ibang tao kahit ba binabayaran siya sa pag bigay nito. Gusto kong sabihin sa kanya kung paano niya ako ginawang okay. Gusto kong sabihin na she made my day, na buti pa siya naiisip ang ibang tao. Naiisip ang mga taong mukhang di nakatanggap ng something sa araw na ito. Maybe totoo ang kasabihang, the best things in life are free.

21 comments:

JOSHMARIE said...

ako din matagal ng di nakakatanggap ng flowers

p0kw4ng said...

sa tanang buhay ko isang beses pa lang akong nakatanggap ng flower..isang long stem red rose! pagkaabot sa akin isinuksok ko sa bag ko...ahahaha hindi ako sanay na may dala dalang bulaklak sa daan eh..feeling ko mukhang engot..ahahaha

joycee said...

This kind of experience is God's way of telling us na life is beautiful, na there are some people who appreciates us, and that matters.

Godbless you sis! Cheer up! mwahhh

the donG said...

totoo talaga na best things in life are free. konti nga lang nakakarealize nun.

Dhianz said...

cute nga nang flower. kahit sino eh matutuwa at tataba ang puso. siguro itz God's way para mapa-smile ka nyah. hayz ganyan tlgah ang buhay. i don't really know watz d' right thing to say kc wala akoh sa situation moh... syempre d' best advice... prayers lang... minsan ang mga nangyayari sa aten eh nag-papabalance lang tlgah nagn buhay... pero u won't be always feelin' dat way... minsan i guess nde ka man nilah naiisip pero don't worry alam ni God lahat nang ginagawa moh at Syah naiisip ka nyah... kaya naman smile lang ms. cindrella.... enjoy 'ur yellow flower... ingatz.. Godbless! -di

marah kathrin said...

yeah tama... ako yata di pa nakakatanggap ng flowers lol. di ko tanda. ahehehe... di mabubuhay ang tao ng walang kasiyahan at hindi din magiging masaya ang isang tao if walang love. lahat naman gustong sumaya eh.

otep said...

bulalak yata ng kalabasa yun dilaw e (toinks!)

hehehe wag ka na emo cindy..

yellow means to be happy

kaya dapat masaya!

Happy Mommies day sa ermat mo.

payatot said...

ang mahalaga e napasaya ka ng isang tao na di mo kilala pero nag offer sya sayo ng isang bulaklak na di mo naman inasahan sa kanya di ba? kung anuman yan na medyo magulo ata sa parte nyo na pamilya e alam ko maaayos din yan basta magtiwala ka lang sa kanya

HARI NG SABLAY said...

anu pong bulaklak yan?buti kapa may scret admirer,hehe

karmi said...

minsan, di mo talaga ine-expect kung ano ung magpapasaya sayo.. :) katulad na lang nung babae na nagbigay sayo ng bulaklak :) *hugs*

magiging ok rin ang lahat ganda ^_^ malay mo, start na yan =)

be happy :)

jex said...

nyeehaha ayos ka din a! akalain mong pinasuok mo pa un bilib din ako sau (IDOL PA!^^)
sa totoo lang hindi pa ko nkktanggap ng flower (hindi rin kc ako mahilig magbigay nito)

o xaxa happy maders dey sau este sa nanay mo nyehaahah sa nanay ko rin yipeee! @_@

Anonymous said...

Hi Cindy,
Sorry ha ngayon lang tayo nakapasyal uli. Alam ko panay bisita mo sa aking lungga kahit hindi ako nakakarating dito. Pasensiya na friend busy lang me. Pero hayaan mo at bibigyan kita ng yellow flower, iyong korteng payong hehehe.

Pero sa totoo lang kaligayahan natin mga angkan ni Maria Clara ang makatanggap ng mga bulaklak mula sa mga makikisig na binata habang inaawitan nila tayo ng makalaglag pantalon na harana, hahaha.

Love you Cindy...

http://colegialagirl.wordpress.com

Anonymous said...

May tanong lang ako sa mga kaibigan nating bloggers. Kapintasan ba o kataingaang maituturing ang pagiging isang "bastardo?"

Pasyal kayo sa aking bahay nang mapag-usapan, please...

http://colegialagirl.wordpress.com

epfi said...

ako din...
kahit lalaki ako

namiss ko makatanggap ng flowers
:)

prinsesamusang said...

feel better cindy. hugs. nakakatuwa naman ang nagbigay ng bulaklak na yun sayo. naisip ko bestfriend ng mga girls ang bulaklak LOL

PUSANG-gala said...

mahirap talaga kung hindi umaayun ang mga bagay bagay sa paligid natin---nasasaktan tayo---but how we move on is the important part---ako rin ganyan---so sinasabi ko rin sa sarili ko na I want to be happy----

and I realized that it's a decision I have to make--- if I want to be happy---I just have to make up my mind that I am....

Snow said...

Yellow means happiness. Maybe the person who has given that to you wants you to be happy.

Cheer up sis! ^_^

dotep said...

aba okay yun ah... libreng flower..

okey diyan ah...

marlon said...

Ala, alam ko nag-comment ako dito ah...uhm..anyway, hindi ko na maalala sinabi ko basta alam ko it's something about strangers making a difference in your life. meron kasing mga ganoon tao na biglang darating at pasasayahin ka, complete strangers pero malaki ang epekto sa iyo..whenever this happens naniniwala ako na pinadala sila ng langit.

bernardumali said...

ay parang nakakakonsyensya. parang hindi pa ata ako nakapagbigay ng bulaklak.

uy wag ka ng malungkot, may nagmamahal sa'yo. kami - mga bloggers!

Heleyna said...

Hindi ako mahilig sa bulaklak pero pag may nagbibigay...kinikilig pa din ako. Musta na sis? parang sad ka dito? :(