Breathe out...
Di ko alam kung paano ko sisimulan ang pagku kuwento kung bakit ako nawala ng ilang buwan. Noong una, saglit lang naman ang balak kong pagkawala eh. Di ko naman akalain na aabutin ako ng ganito katagal bago makapg sulat muli.
Ang daming nangyari, mga pangyayari na di ko naman akalain na mangyayari, mga bagay na di ko naman akalaing magagawa ko pala, alam mo yun? Para akong sumakay sa 10 Intervention. (Isa itong roller coaster ride na may sampung ikot as in yung tipong babaligtad ka, matatagpuan ang ride na ito sa Chimelong Resort sa Gungzhou China) *Try niyo yun! Well at least yun, isang beses lang tapos na, pero 'tong nangyari sa akin, paulit ulit siya na di ko na nararandaman ang hilo. Minsan nga di ko na alam kung ano ang susunod kong step eh.
Alam mo yung tipong ang hirap niya isa- isahin kasi makakabuo ako ng isang nobela. Ang daming taong na- involve, kahit ba yung mga taong dati ay wala naman sa buhay mo pero napupunta sa buhay mo nang walang paalam or nagpaalam naman sila kaya lang di mo akalain na na ganoon kalaki ang magiging impact sa buhay mo. Kaloka!
Well one thing is for sure though, I've experienced living again. Di tulad dati na kung saan saan lang ako kumukuha ng isusulat ko dito. Kumbaga mas naging malawak pa ngayon ang experiences na dumadating sa buhay ko ngayon. Oo nadadapa nga ako pero hanga din naman ako sa sarili ko kasi di ko pa naiisipang mag suicide. Ahahaha!! Wala naman talaga yun sa plano ko, oo, naaaning ako minsan pero I love the feeling, I love the thrill and most of all, ang dami kong natutunan.
Saka na ang mala nobelang kwento... sine savor ko pa siya, hehe!!!




12 comments:
maligayang pagbabalik!
talagang minsan meron tayong nadadaanang mga medyo komplikadong sitwasyon, sabi mo nga na parang roller coaster. pero diba pag tapos naman ng eksenang yun ay meron ka ding matututunan. parang mapapangiti ka na lang tapos mabubulong mo sa sarili mo na "wui nalampasan ko yun". gaya din ng pagsakay sa roller coaster, mapapabuntung hininga ka pag baba mo kasi alam mong ligtas ka sa ride na yun..
anak ka ng jueteng ipapahanap na kita sa mga pulis dahil kay tagal mong nawala... haaaay buti na lang at nag balik ka.... wag mo ng gagawing mangiwan huh.... na miss ko ang mga kwento mo pati mga post mo... ingat palagi sis
welcome back..we missed you..
@kheed
naloka nga ako sa pagkawala ko eh, wag kayong magalala, di naman ako mawawala. Naaning lang ako, heheh!!!
@SAUL
ahahah!! sabi ko nga dyan lang ako sa tabi tabi no! namamalimos ng pagmamahal! lol! anyway, ok na din naman ako.
@kikilabotz
thank youuuuuu!!!! ^_______^
Pareho naman tayo nawala.
eto na ulit ako! may bago!
padaan sa blog mo :) exchange links tayo pwede? :) have a nice day!
waah!! ang tagal mong nawala!
namiss ka namin!
uhmnf.
aabangan ko yung kwento mo!
welcome back! :))
Cyndi!!!!
ano ba ang nangyari sa iyo?!!!bigla kang nawala!...hehe...
kamusta na?
Uy welcome back, girl! Lahat naman ng nararanasan naten may dalang lessons. So you just have to learn para next time, you already know what to so.
Ingats lage!
hello ms cindyrella
kamusta?
medyo napadaan lang at
nangangamusta...
hehe...
di maxadong obvious noh..
ang mahalaga sa amin ay nakabalik ka!
welkam bak...
maganda yang kite runner..kakaiyak...nabasa ko pero di ko pa napapanood yung movie...
Post a Comment