ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, August 22, 2009

Buhay Mag Asawa namin ni Soulmate part 2!

It was indeed a beautiful sunny day today. At isang linggo na lang at matatapos na ang August. Magse- september na meaning BER months na. Di ko pa ata nasasabi pero paborito ko ang BER months. Madaming ibig sabihin sa akin ng BER months bukod sa October Fest. September kasi ang birthday ng Mom and Dad ko, October naman ang birthday ko at ng bunso namin at October din ang 2nd year anniversary naminni Soulmate ko. Syempre nandyan din ang halloween at ang pasko. Isabay mo na din ang malamig na panahon. Yehey! Puputi na naman ako.

Ngayong araw naman na ito ay 22nd monthsary namin ni Soulmate, o di ba bukod sa anniversary eh sine- celebrate din namin ang monthsary namin. Siguro talagang mahilig ako sa holidays. Kung pwede nga sana ay araw araw ay may nace- celebrate ako. Well, sine- celebrate ko din naman ang araw araw nabuhay pa ako, pero minsan kahit gusto mo maging masaya, may mga instances na ume epal ang mundo sayo. Anyway, minsan lang yan. Sa totoo lang kasi isa akong napaka positive na tao. Feeling ko kaya ko lahat. Kaya naman madalas ay napapahamak ako sa pinagagawa ko. Minsan naman sinuswerte ako. Sabihin na lang natin na mahilig akong mag take ng chances pwera lang sa pagsusugal. Hindi ako mahilig doon dahil alam ko wala namang yumayaman sa pagsusugal.

Okay, change topic.

Alam niyo ba na gabi gabi kami naglalakad pauwi ni SM para makatipid at para makapag exercise. Ang tawag ko nga doon ay "A walk to remember" kasi naman it takes one hour kung katamtamang ang bilis mo para makarating sa bahay namin galing sa office ko. At least naman nakatipid kami ng HKD5 a day per person. Sa paglalakad naming yun, napapagkwentuhan namin ang kung anu- anong mgabagay, ang nangyari sa akin sa office, ang nangyari sa kanya sa bahay. Take note, si SM ay naglalakad din muna papunta sa office namin para sunduin ako. Hay ganoon daw ang love. Maglalakad ng pagkalayo para lang makasama ako sa paglalakad ko pauwi. At dahil summer pa din ngayon dito sa HK ay pawisan na kami pagdating namin sa bahay. Swerte na nga lang kung may madadaanan kaming shop na may aircon para makapagpalamig ng ilang segundo.

Okay na sana ang gabi ko kagabi nang pagdating namin sa bahay ay nadatnan kong may delata sa may sahig at may tag sa may door mat. Di ko na napansin na bigla na palang uminit ang ulo ko at nagsimula akong pagsabihan siya. "Naglinis naman ako Baby eh." aniya.
"Naglinis? Ganyan ba ang linis na tinatawag mo? May delata sa sahig love!!!" Sa sobrang inis ko kung anu anong salita na ang lumalabas sa bibig ko which is not so good. May pagka OC (obsessive compulsive) ako, hindi ko talaga kayang tagalan ang makalat at maduming lugar. Feeling ko maloloka ako.

At dahil nga sa nangyari, halos dalawang oras kaming di nagkibuan, di rin kami sabay kumain at nung patulog kami ay talagang face the wall kami. Ni balat ay di magdampi dahil feeling ko masusunog ako sa balat niya. I think ganoon din naman siya. Dahil di pa ako makatulog, ay binuksan ko ang laptop at nanood ng American Pie 2. Kasalukuyan kasi naming mina marathon ang movie na yun. Maya maya lang ay narealize ko na mali nganaman talaga ako. Sobra ang mga sinabi ko sa kanya. Kaya lumapit ako sa kanya at nagtanong kung galit ba siya sa akin.
"Hindi." I kissed him in his cheeks at niyakap siya.
"Sorry na. Kasi naman ikaw eh, nandito-"
"Hindi na mauulit Baby." Nilambing ko pa siya ng madaming beses bago pa siya tuluyang naging normal ulit.

Sabi nga nila kailangang matutong mag adjust pag magasawa na kayo at nakatira na sa iisang bahay. One week pa lang dito si SM and so we just have to work it out. Anyway, sabi niya naman sa akin na hindi na daw yun mauulit. So last night was a blast, pagkatapos manood ng American Pie2 ay chumurvah kami and we really have a good night sleep.

"Marriage is one of the few institutions that allow a man to do as his wife pleases." - Milton Berle

Can't wait to see him later...

6 comments:

The Gasoline Dude said...

Chumurvah talaga? LOL

Nandiyan na pala si Soulmeyt mo. At least hindi na ninyo problema ang LDR.

Dhianz said...

ahlab reading 'ur post ms. cindyrella. ang saya naman magkasama na palah kayo ni soulmate dyan sa HK... wow... nice... dyan na bah kayo maninirahang dalawa for good?.. and how swit naman... HHWW kayo lagi umuwi.. saya... ayos yon... itz another way of u two spending time together... and at least u admit 'ur mistake and 'ur willing to apologize... and nagkaayos den kayo bago matapos ang gabi... kaabang abang naman ang labstory ninyogn dalawah.. kakatuwa naman pati monthsarry nyo cinecelebrate nyoh.. malufet... happy 22nd monthsarry bah?.. and happy birthday sa mga mag-bibirthday sa family moh... oh devah advance greeting nah... advance merry christmas na ren.. lolz.. =)

oh yeah coffee.. hmmm siguro nga may advantages and disadvantages... caffeine is ok basta not too much tulad nang ginagawa koh minsan kc nakukulangan akoh nagn tulog.. but i can't live a day w/out it.. pero ayon sa psych teacher koh coffee is good for our memory... pampatulong iwas sa alzheimer diseases... may proof ang ibang researchers about it... eniweiz.. juz sharin' it to yah...

sensya nemen napadaldal nah.. thanks for droppin' by sa haus koh.. i appreciate it.. ingatz kayo ni soulmate moh.. Godbless! -di

Heleyna said...

what's chumurvah sis? medyo kinabahan yata ako dyan. Hihi

Feeling ko dinaan mo lang sa panonood pero ayaw mo pa talagang matulog kasi....kasi..kasi

hinihintay mo ang chorvah hahaha. joke lang! namiss kita ng bonggang bongga...andyan pala si soulmate weeeee! (di ako naiinggit)bleh!

the donG said...

may part two pa pala to. malaking adjustment talaga yan. kasi lumaki kayo sa ibang pamilya, ibang bahay, ibang trabaho.

parte na nga talaga yan ng pagaasawa.

PeterPan said...

Naks churvah...

nacurious tuloy mga poster :)

Warstg20 said...

best wishes sa inyo tey,.