Halos isang Linggo na kaming magkasama ni Soulmate at tulad nga ng inaasahan, madami nga talaga kaming na discover sa isa't isa. Actually maliit lang ang flat na tinitirhan namin, yung tipong di man lang kayo makakapag laro ng tagu taguan atyung tipong di ka pwede mag jumping jack or jumping rope. What can I do? As of now, it is what I can afford. Si SM ang tagaluto at tagalinis, habang ako naman ay nasa office buong araw at uuwi na lamang pag gabi na, 7 pm tapos susunduin niya ako and then maglalakad kami pauwi. Saka na magsisimula ang paglalambingan namin at kung anu- ano pa.
Nakakatuwa kasi wala pa akong twenties pero nararanasan ko na ang ganito. I have to admit too that it takes a lot of hard work. Take note, wala pang isang linggo. Actually, nami- miss ko ang bahay ng parents ko, nami- miss ko din ang mag isa sa kama pero when I think about my situation right now, willing akong piliin kung nasaan man ako ngayon. Masasabi ko na eto ang panahon na masaya talaga ako kahit may mga problemang dumadating.
Isa sa mga problema namin ay kung paano namin haharapin ang Daddy ko, ang pamilya ko? Paano na lang pag nagkulang ang pera? Paano kung hindi success ang paga- apply ng dependent visa niya? Ayaw na naming maghiwalay ulit. Ayaw na naming maulit ang mga pagkakamali na sana ay naiwasan namin noon pa.
Isang importanteng bagay na nalaman ko tungkol kay SM ay mahal niya talaga ako. As in, walang halong pretension o kaplastikan at nakita ko kung gaano ako kaimportante sa kanya.
I just feel so lucky.
Anyway, maybe I will just try to think positive. Isipin ko na lang ang niluto sa akin ni SM for breakfast which is sisig by the way. At naku wala pa siyang isang linggo ah, napansin na ng mga friends ko na I'm gaining weight. Why o why? Alagang alaga niya ako at kahit anong iutos ko, wala akong naririnig na reklamo. Hehe, although I know naman na I can be mean sometimes pero wala kang maririnig na reklamo. Lambing, meron. If only I can capture the moment na parang picture or video to tell the world na "Ano, swerte ko no?"
At Syempre since give and take ang love, I also have to give something in return kahit wag niya ng hingiin. Bilang wife niya, syempre anuman ang kailangan niya binibigay ko. Sabi din pala sa And I Love You So na movie, the key to a lasting relationship is falling in love all over again kaya kailangan iba ibang gimik yan. Sa 22nd, monthsary na namin, and I'm thinking of a surprise for him. So kung may suggestions kayo, please tell me. Hehehe!!!
2 hours ago




8 comments:
naks cindy parang napakatagal ko ng hindi napadaan ah dati lang nageemote ka eto ngayon at wife ka na wala naman akong masabi pero good luck sa inyo ha kaya nyo yan.
Masarap talaga magmahal lalo kapag alam mong mahal ka ng taong mahal na mahal mo but there's a lot of things to consider that only times can tell...
wow..ang pinakalove kong story ay yung bestfriend turn lovers lalo na pagtrue story..
basta fave ko sya hehe...
the love is there kaya yakang yaka niyo po yan!! ^_^
naks cindy...congrats! may asawa ka na pala :)
we're happy for you. sana tuloy na tuloy na to.
cindy... musta na? ngayon nalang uli ako nakadaan dito...
musta na ba ang buhay?
paparamdam lang... yngat ka lagi..
nakakatuwa naman... nagkatuluyan kayo ni soulmate moh... ahwish yah two all d' best... and syempre sometimes u guyz have to face some struggles/challenges in life... lagay nyo lang si God lagi sa buhay nyo and for sure u two will make it through... Godbless u both... -di
ayos to ah!
Post a Comment