ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Sunday, August 2, 2009

Darating na si Soulmate... (updates)

Dahil gusto naming burahin ang mga masasamang (well di naman talaga siya ganoon kasama) pangyayari sa relationship namin ni Soulmate. Madami talagang nangyayari lalo na kung nasa isang long distance relationship ka. Mahirap i- maintain, maraming epal at minsan pa kahit sarili mo ay kalaban mo na din. Pero dahil nalaman namin na we are meant to be, ipaglalaban namin ang relasyong ito anuman ang mangyari.

Actually there was a time na akala ko hindi na maibabalik yung love na naglayas sa aming dalawa ni SM. It took months kaya siguro hindi rin ako agad nakapagsulat. Mahirap pala talaga magsulat sa blog na ito lalo na kung wala si Soulmate kasi sa totoo lang tungkol sa kanya ang blog na ito eh. Nakakapagsulat ako pero it was never published. I wrot stories that totally reflect me, and now I was thinking kung ano ang gagawin ko sa mga story na iyon. Should I say I'm looking for a publisher? Anyway, it depends. Madami pang page- edit ang kailangang gawin. Okay back to our relationship, nalaman ko na napakafragile nga naman ng isang relationship, mahirap buoin, pero napakadaling sirain. Kasi nag back to zero talaga kami ni SM, I met some people na akala ko makakatapt sa kanya, I realized na every man I met ay kino-compare ko sa kanya. Kahit anong gawin ko ay panalo pa din siya lalo na pagdating sa pagmamahal, sa attention, eh ako pa naman napaka KSP ko.

Alam niyo ba na marami akong natutunan sa nangyari. Nalaman ko kung paano pa mas mamahalin ang sarili ko, at nalaman ko kung paano sumaya, dati kasi inaasa ko lang kay SM ang happiness ko, kinulong ko ang sarili ko ng di ko namamalayan. But I'm wiser now, that's what I think.

At isang good news...

Dadating na si Soulmate in two weeks. This time aayusin na namin at sana we can work things out. Hindi siya pupunta dito para magbakasyon ng ilang linggo.

He'll be here for good.

And I'm excited. ^__^

At sana mas maging matatag pa kami.

It will be "you and me against the world" again.