ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Wednesday, August 5, 2009

Out of the blue post...

Inaamin ko na hindi talaga ako nice sa lahat ng tao. Actually sa unang pagkakataon na makikilala ko ang isang tao, syempre ipapakita ko na nice ako pero pag hindi maganda yung trato mo sa akin ay naku, I can be your best enemy talaga.

Okay, siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang post ko ngayon. Pero pwede niyo naman ako siguro pagbigyan maglabas ng sama ng loob di ba? Ganito kasi yun, meron akong katrabaho na hindi ko alam kung ano ang nakain at bigla na lang nagiba ang trato niya sa akin. She became cold at kung makipagusap sa akin ay para bang naexplain niya na lahat kaya maiintindihan ko siya agad. I mean kayo ba, kung makikipag usap, are you expecting na alam agad ng kausap mo ang pinagsasasabi mo, of course it will take time, dahil hello? Ang dami kayang work dito,of course you have to ellaborate further. Nakakainis kasi okay naman kami dati, pag kailangan ko ng tulong ay sa kanya ako agad humihingi pero hindi mo naman masasabi na araw araw akong humihingi ng help niya, actually kung manghihingi man ako ng help, siguro naman okay lang yun kasi mas may alam siya kaysa sa akin at hello? We're supposed to help each other di ba? Wala akong naaalala na may nagawa ako na against sa kanya. (Ngayon palang habang tinatype ko ang post na ito, hehe)

Alam mo yun? Puno ng pagkaasar sa kanya ang damdamin ko. *Ang drama eh no? Ang sinasabi ko lang naman, kung mabait ka ba sa akin eh di sana mas masaya na ang buhay mo ngayon, eto pa, isa akong malaking kawalan sayo dahil kung naging friends lang sana tayo baka lagi na kita pinapatawa diyan, magkakaroon ka ng madaming benefits at isa na doon ang magkaroon ka ng magandang kaibigan.

Okay, sa mga nagbabasa nito pagbigyan niyo na ako. Nireregla na naman ako...

5 comments:

Mrs. Stevenson said...

haha kakatawa naman ang post mo. sya sige pagbibigyan kita ngaun. hehe joke lang. anyways thanks for message. have a great day!

PUSANG-gala said...

wag ka magtiis sa mga taong ayaw sayo----hehe. if they dont treat you well its okay to let go kesa magmukha ka tanga---

Mayyang said...

hay naku sis! yaan mo nalang xa... baka naman malapit na xang magmenopause kaya xa gnun sau..hehehe..

nway sis, wag mo nlang pansinin ang tantrums nya.. basta, work ka lang dyan.

stay beautiful..ok?heheh

kwentulang marino said...

tiyak may dahilan 'yun...

kaya't yun ang alamin mo.

Darwin^^ said...

get out of the blue, come to the yellow zone. hahaha. maging happy tayung lahat! :) gud day! dalaw ka sa blog ko ha. tnx!