ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Thursday, September 3, 2009

Good Old Days

These past few days nami- miss ko ang mga panahon na bata pa ako at maliit pa ang problema. Nami-miss ko ang mundo kung saan ang tanging problema ko lang ay ang mga assignments ko lang, mga projects sa school, ang panahon kung kailan pagaaral lang ang inaatupag ko, nami- miss ko ang panahon na ang tanging pinoproblema ko lang ay kung may dumi ba ako sa mukha o kung nakatingin ba sa akin ang crush ko? Nami- miss ko ang panahon na magkakasama kaming magkakapatid tapos maglalaro o di naman kaya magkwe- kwentuhan sa garden namin. Nami- miss ko ang panahon na di ko pinoproblema kung ano ang kakainin ko dahil palagi namang masarap ang pagkain na luto ni Mama, hotcake, sinigang, adobo, sisig, tinola, pancit, spaghetti at iba pa. Nami- miss ko din ang mga panahon na tuwing Linggo dahil puro luma ang mga tugtugin sa radyo ay papalakasan ang stereo at halaos manganig ang buong bahay at maaasar kami dahil bawal kami manood ng tv pag Linggo dahil istorbo sa pakikinig ni Mama ng Begees, Air Supply, Bread, Beetles, Kenny Rogers, Madonna, Cyndi Lauper, Bryan Adams at sari sari. Nami- miss ko din ang tuwing Sabado ng gabi na pagsisimba tapos pag uwi namin bibili kami ng isaw, dugo at bbq tapos manonood kami ng Jessica Soho tapos Imbestigador. Gusto kong bumalik sa panahon na tuwing Linggo ay pupunta kami sa SM para mag grocery tapos kakain, masaya na kami dun. Gusto ko din balikan ang panahon na magaaway kami ng kapatid ko over simple matters, like kung kanino ang kulay ng damit na ito or kanino ihaharap ang electricfan. Bawal din kami lumabas kapag mainit, bawal mag boyfriend, bawal magtagal sa telepono, bawal umuwi ng lampas sa curfew. Nami- miss ko ang panahon na yun, kung saan kahit wala pang masyadong freedom, masaya na ako sa mga simpleng bagay lang.

Gusto kong balikan ang panahon na okay pa ang lahat, ang panahon na naging masayang masaya ako, yung tipong di matatawaran ang saya na nadadama ko.

Ngayon kasing malaki na ang mundo ko, at malaki na ako, kailangan ko ng magtrabaho, ultimo susunod naming kakainin ay pinoproblema pa. Hindi naman ako nagrereklamo. Feeling ko kasi pahirap ng pahirap ang mga bagay bagay. Mas kailangan mong makisalamuha sa tao, nagkakaroon ka ng kasalanan, mas nagiging expose ako sa mga elemento ng mga grown ups. Now that I have the freedom, sometimes I feel lonely. Suddenly, proproblemahin mo ang pambayad sa bahay, sa kuryente. Iisipin mo pa kung saan mo huhugutin ang pang shopping mo dahil usually talaga ay bumibili ako ng damit every month. Lecheng recession kasi yan. Ngayon, mabilis ng ma- oily ang mukha dahil sa stress, nagkakaroon tuloy ng wrinkles. Dagdagan mo pa ng house hold chores, ang paglalaba, paghuhugas ng plato, paglilinis. Tapos I have to live on my own na din. I have to stop going to school and then go to Hong Kong and then work. Kailangan kong malayo sa pamilya para matugunan ang mga pangangailangan. Ang laki ng responsibilidad that sometimes, I can't help but be afraid.

Sometimes, I want to go back kung saan ang lalaki ng pangarap ko at feeling ko kayang kaya ko ang lahat. I want to back when the life is so much easier. (Ngayon kasi easy na lang, hehe!) Pero we all have to grow up and face life. We just have to pray for the strength to make it through.

6 comments:

Dhianz said...

yeah true.. i feel yan.. kakamiss ang mga momentz sa past where sabi moh mga life is much simpler... u don't think too much about stuff... ngaun ewan koh bah sometimes every little thing eh iniisip... pero ganyan lang tlgah... there are times na you'll feel lonely... pero magiging ayos ka ren.... roller coaster lang naman tlgah minsan ang emotions naten at pati ren ang buhay naten...but God will always give yah strenght.... dehinz ka Nyah pababayaan.... ingatz lagi... Godbless! -di

jex inzane said...

isa lang ang namiss mo ang pagiging bata...

isa lang din ang namiss ko sa pagiging bata ko, ung pagiging simple tao @_@

reichan15 said...

baligtad naman po tayo..
ako parang gusto ko ng tumanda at magkatrabaho..
hehe..

reichan15 said...

baligtad naman po tayo..
ako parang gusto ko ng tumanda at magkatrabaho..
hehe..

saul krisna said...

tama ka dun sis... haaay nakaka miss noh? sana lang up to now wala tayong gaanong problema pero impossible naman yun... siguro we just have to pray na lang kay GOD di ba? nice post by the way

joycee said...

Nakakamiss nga naman yung ganong panahon. Habang tumatanda, mas madaming problema, pero it makes us stronger naman...