ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Monday, November 23, 2009

Paano ba maging bayani?

Yan ang isang tanong ni Mr Efren Penaflorida sa isang presidential forum sa GMA 7. Paano nga ba maging isang bayani? Natuwa ako nang malaman ko na nanalo siya bilang hero of the year sa CNN, haha, binoto ko ata siya! Maituturing na din itong isang karangalan sa bansa, isa sa mga dahilan kaya pinagmamalaki ko pa din ang pagiging Pilipino. Sabi niya nga sa kanyang acceptance speech, "Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart and be the hero to the next one in need."

Totoo nga naman ang sinabi niya pero habang iniisip ko ang mga katagang ito ay naisip ko din, paano ako magiging bayani sa ibang tao kung sa sarili ko ay hindi ko kayang magpakabayani? Dumaan ako sa ilang pagsubok these past few weeks at sa totoo lang, I saw myself in the midst of agony. I saw myself failing myself and the last thing I knew, I saw myself giving up. But luckily, I also saw myself, standing up once again and change the challenge. Iyak lang ang ginawa ko ng mga panahong yun at kahit pa kausapin ako ng mga taong nakapaligid sa akin, mistula akong na- exorcist sa sarili kong boses na nagsasabing wala na akong pagasa. Di ko alam kung bakit pero sa pagkakaalala ko dati ay isa akong taong masayahin at yung tipo ng tao kaya ang lahat ng problema, kumbaga lahat ng problema ay nakikitaan ko ng solusyon, ewan ko lang talaga kung ano nangyari sa akin nang gabing iyon. Kung pwede ko lang sana burahin ang mga sandaling iyon ay ginawa ko na. Kung sa sarili ko ay hindi ako makapagbigay ng pagasa, paano ako makakapagbahagi ng pagasa sa ibang tao? This will be impossible. And so this afternoon, I decided to fix myself first.

Susubukan kong baguhin ang aking sarili dahil I'm not getting any younger. Hindi naman sa gurang na ako pero I think in my age, I may be a childlike in heart, but I know I have to be mature enough to face myself in order to face the world.

Pangarap ko din ang maging isang bayani at tulad ng mga napapanood ko sa TV tulad na lamang ng One Tree Hill ay gusto ko ding malaman kung meron ba akong greatness o pagiging dakila sa sarili ko. Although, sinasabi ng iba na lahat naman tayo ay may greatness sa ating mga sarili, I also wanted to know how I can enrich it and how am I going to do it? Ano ba ang misyon ko sa mundong ito? Bakit ko naman 'to tinatanong? Ang sagot ay nararandaman ko sa sarili ko na meron but I still don't know what it is. Destiny?

Okay, isa sa mga paraan para maging bayani ay ang mag register bilang isang voter at ipaglaban ang karapatan para makaboto ng karapat dapat sa posisyon sa gobyerno. Dalawa na din naman ang pinagpipilian ko ngayon, si Manny Villar at si Gibo Teodoro. Marami na akong taong tinanong at sad to say ay wala silang balak bumoto dahil feeling nila ay wala naman daw mangyayari sa boto nila. I know it's very sad. Isa ako sa mga taong naniniwala na may pagasa pa ang Pilipinas kaya boboto ako sa susunod pang eleksyon. Bakit hindi pa sa 2010? Sa kasamaang palad, di ko nagawang magparehistro dahil noong una ay iniisip ko kung ano ang gagamitin kong apelyido, nang panahon kasi na yun ay hindi pa kami masyadong legal ni SM hanggang sa mawala na lang sa isip ko at nahulog na lang sa ilalim ng kama ang registration form ko. Kabanas. Ngayon ko lang siya naalala.

Hindi na bale, ipagdarasal ko na lamang na sana ay hindi corrupt ang magiging presidente ng Pilipinas. Balang araw kasi gusto ko pa din umuwi diyan at diyan na mamalagi. Philippines is where my heart will always be. At yan ang lugar kung saan gusto kong magkaanak, yan ang lugar kung saan ako tatanda.

Anyways, kapag nagawa ko na ang tungkulin ko sa sarili ko at pag naisaayos ko na ang isip at buhay ko, that may be the time na haharapin ko ang mundo. At pag sa tuwing naiisip ko ang oras na pagharap ko sa mundo ay nae- excite ako. Kaya aayusin ko na 'to agad...

XOXO,
Cindyrella!

9 comments:

Mac said...

kaya mo yan ok..ikaw pa para saken ikaw na ang hero ko ^_^...pero alam mo ba may counter part ang word na hero?? un ay ang disaster or calamity lagi silang mag ksama cnu ba nmn ang mangangailangan ng hero if the world is in peace ^_^ pero kung sa sarili lng ah all of us meron tlgang hero di lng ntin alam kung paano at saan lalabas ang pgging hero ng bawat isa...

kikilabotz said...

sayang at hnd ka nagparegister! hehe..

nwei uhmm lahat tayo nagkakaproblema. at lahat ng problema ay ginawa para sa atin. ikaw lag ang makakasolve nyan. kung baga binigyan k nga ni God NG proble pero ang Formula ay binigay nya rin sayo

the donG said...

Hindi na bale, ipagdarasal ko na lamang na sana ay hindi corrupt ang magiging presidente ng Pilipinas. >>> ilang taon na natin to pinagdadasal. sana matamo na sa 2010.

Fatherlyours said...

Hmmm! Si Fernando ay Bayani, Political will daw! Hindi na nag makuha sa dasal kasi magaling mandaya eh.

cyndirellaz said...

@mac
oo nga eh and dats what im trying to figure out, kung paano ko ilalabas ang hero within me eh ang pagiging mabuti lalo na sa panahon ngayun ay minsan isang katangahan.

@kikilabotz
korek ka diyan, basta sa susunod pa register na tayo haha!

@kuya DONG
kung cnu man ang mananalo ngayon ay sana maipakita niya ang pagiging bayani niya at mahiya sana siyang mangurakot sa kaban ng bayan.

@fatherly yours
nawa'y makamit na natin ang inaasam nating ideal na pangulo o lider ng bansa.

Angel Cuala said...

Got your blog from Fatherlyours.

Anyway, I think you're too young to worry all the problems. You should expect to have more problems as you get older. The important thing is your courage and the ability to withstand the pressure. Sabi nga, ang problema daw ang nagpapatatag sa isang tao.

About heroism, I believe that anyone can be a hero with his own little way. Wag ka lang magtapon ng basura kung saan saan, pwede ka na tawaging hero e.

We don't have to a very good person just to be a hero.

Meanwhile, corruption is inevitable and even the most powerful country has also corrupt officials.

But the good thing is we can minimize it. Ang problema kasi, masyado tayo nakatingin sa gobyerno, gayong sa simpleng paraan may corruption na.

If the government is corrupt, it does not mean di na tayo aasenso. We are not living because of a few people only.

Everyday, nakakakita tayo ng corruption kahit sa kalye lang pero tinotolerate lang natin. Minsan nga, sumasali pa tayo.

Yung pagsingit lang sa isang pila at ngignitian lang yung siningitan mo ay simpleng corruption na e.

Jex said...

Natutuwa talaga sa mga taong nasa puso ang pagiging pilipino nila kahit nasa ibang bansa na sila :D

tungkol naman sa pagiging bayani hindi naman siguro kailangan pang magsuot ng kapa o magpabaril sa luneta para lang maging bayani

pede kang maging ordinary hero @_@
http://jex009.wordpress.com/2009/10/11/ordinary-heroes/

matagal narin akong botante :D at pareho tayong ng gustong ibota si gibo kasi ang gusto ko rin sanang iboto o kung hindi naman si noynoy :D

oxaxa bb ^_^

Mr. Nonsense said...

yung mga nasawi sa maguindanao ay mga bayani rin dahil they pursued their democratic dreams despite of the threats

joycee said...

Totoo yan na bago mo mattulungan ang iba, tulungan mo muna ang sarili mo.

Sabi nga hindi mo maibibigay ang bagay na wala ka.