ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Saturday, December 5, 2009

December Days

Been very busy these past few weeks, as I started my part time job as sales lady every Sunday, of course to save money and to have experience. Nakakatuwa kasi kasama ko si Mommy habang nasa work at mabait din naman kasi ang boss namin. Aalis kasi si Mommy papuntang Cebu at kinakailangan ng magbabantay so for the mean time ay ako na muna ang papalit sa kanya every Sunday. Hilig ko din kasi ang mga accessories kaya sobrang naaaliw ako tapos mas nasha- sharpened ang aking sales talk. Balak ko din kasi magkaroon ng business in the future, wala akong balak maging forever employee lang. Madami pa akong gustong gawin. Teka eto ang isang kuha mula sa store na pinapasukan ko pag linggo kung kaya naman libre ang pagsusukat ko ng mga accessories doon.

Bukod sa work ay naging busy din ako sa panonood ng mga favorite shows ko, isa na doon ang replay ng Full House na pinagbibidahan nina Heart bilang Jessie at Richard Gutierrez bilang Justin. Ngayon lang ako natuwa sa role ni Richard bilang suplado na artista, madalas kasi niyang role ay isang super hero, ngayon kasi ay mas realistic. Kahit yung korean version ay sinundan ko talaga at hindi naman ako nagsisi ng mapanood ko yung ending nu'n. Gwapo din kasi ni Rain.

Isa din sa kinaaadikan ko ay ang pagplu- plurk, para ko na nga siyang diary, dati kasi sa tunay na diary ako nagsusulat pero salamat sa technology at mas madali ko na ngayong nae- express ang aking mga saloobin. Mas mahirap magsulat gamti ang lapis kaysa sa pagta- type. So hindi na masyadong mahirap mag look back dahil may record na din ako ng aking time line.

Naadik din nga pala ako sa panonood ng mga presidential forum, magmula sa Isang Tanong hanggang sa Harapan. Mas naging aware ako sa mga taong tatakbo although tulad nga ng sinabi ko sa last post ko ay hindi ako makakaboto. Natuwa nga pala ako sa mga nag comment sa aking last post tungkol sa pagiging bayani. So ayun, it looks like na umikot lang ang buhay ko sa panonood at pagsusulat o pagu- update ng kung anu ano. Pati nga ang pagpo pose ng tulad ng picture ko sa taas na inedit ko na lamang ay pinatulan ko na. O di ba dami kong activites. Nakakaloka. Buti nga at nakakahinga pa ako. Syempre hindi ko na babanggitin ang 10 AM to 7 PM na work ko sa office at ang pakikipag usap ko sa aking husband. Miss ko na nga ang mokong na yun, sayang at di kami magkakasama ngayong pasko pero sana kahit sa Valentines na lang ay magkasama kami. Nami- miss ko na din ang bahay namin na ilang linggo ko na ding hindi nabibisita kaya for sure dami ng nakatira doon bukod sa maligno at mga ipis. Hayz. Kasi naman pag pupunta ako doon naaalala ko ang mga moments namin together, so kung dati noong magkasama pa kami ni Soulmate sa bahay na yun ay gustong gusto ko siyang palaging uwian at linisin, kabaligtaran naman ngayon, feeling ko kasi maririndi ako sa katahimikan ng bahay na yun. Feeling ko masusunog ang bawat himaymay ng aking pagkatao, drama ano? Ang tagal naman kasi ng immigration mag response.

Moving on, nakikita naman natin na umiikot na ang buhay ko sa panonood at pagu- update ng kung anu- ano. Di naman ata makatarungan para sa aking blog na pabayaan ko siya ng ilang linggo. Hindi ko naman kasi gustuhin ang mag hiatus ay hindi talaga pwede sa aking schedule. Paano ba yan, magde- december na? Natapos na din sa wakas ang aking ermitanyo days and here I am coming out again. Oh I miss this, miss you all. Makapag blog hopping na nga! ^__^

5 comments:

mikelle said...

Hello, have a nice Sunday :)

karmi said...

merry christmas! =) ako man, matagal ding nagtago sa blogosphere.. at ewan kung kelan babalik ulit, hehehe.. hopefully eh next yr ^^,

ang cool naman na trabaho yan, accessories!!! :D parang heaven. hehehe =)

so uuwi ka ng Pinas sa Feb? awww, alam kong miss na miss nyo na ni hubby mo ang isa't-isa.. pero malapit na din ung Feb ha :D excitedness!! ^^ hehehe

Noldie Taroogs said...

panalo yang plano mo, kapatid! maganda nga daw yung magkaroon ng sariling business and being one's own boss (kasi, siguro naman, madali mong pakisamahan ang sarili mo, di ba? hehehe)

merry krismas! :-)

Mr. Nonsense said...

ay sus...pasko na naman. lugi talaga pag matanda ka na...

BURAOT said...

uyyy. tagal ko di napasyal. sowee cindy. at least nakapagparamdam na ko bago mag krismas. hehehhe.