ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Thursday, February 19, 2009

This is it!

Magpapalaam lang sana ako. Hindi muna ako makakadaan sa inyong mga blog starting tomorrow night. Guess why? Kasi naman, magbabakasyon ako sa Philippines! Wahahaha! Ilang buwan ko din 'tong hinitay. Alam niyo ba na lumang luma na nga ang ticket ko dahil 4 months ago pa ako nagpa book!! Yes, excited ano?

Tatlong araw. Tatlong gabi. Nakakabitin yun for sure pero tulad ng isang adik, makahithit lang talaga kahit konti ay okay na. Di baleng mag bayad ng mahal basta masunod lang ang gusto. Pero pagkatapos nun ay hahanap hanapin ko na naman at para na naman akong timang na hindi makatulog dahil ang hirap i-withdraw ang nakasanayan na.

Nahihirapan na nga akong matulog sa gabi eh. Excited lang talaga siguro kasi naiisip ko kung ano ang magiging itinerary ko pag uwi ko. Nai- imagine ko na nga kung ano na ba hitsura ng mga kapatid ko. Excited akong ipasyal sila. Pati si Soulmate kahit nakikita ko naman siya sa cam, iba kasi pag nahahawakan mo na ang tao eh. Iba yung nahahawakan sa nakikita lang.

Nakakalungkot din. Kasi naman alam ko after three days, babalik na naman ako dito sa Hong Kong. Balik na naman sa work. Gigising, maliligo, kakain tapos papasok sa trabaho tapos uuwi sa gabi. Sabay, mago- online na dahil magcha- chat kami ni Soulmate. Ang pinakamahirap sa lahat ay yung magpapaalam na naman kayo sa isa't isa tapos di pa alam kung kelan ang susunod na pag kikita. Actually, may napag usapan na kami ni Soulmate kung kelan ang susunod at sisiguraduhin namin na ang susunod ay hindi na magla- last ng tatlong araw. Sisiguraduhin naming hindi na kami maghi hiwalay kasi sa totoo lang, mahirap eh.

Wag kayong mag alala. Babalitaan ko kayo sa Tuesday, pag balik ko kung ano ang nangyari. Sa ngayon, kailangan pang mag impake at mag beauty rest. Mamayang gabi kasi maaga din akong matutulog. Kailangan, magpaganda! lol!

Happy trip sa akin!

Tuesday, February 17, 2009

sigaw

Pinasigaw na ako dati ni Punky, at naisip ko na muna i- reserve ang pagkakataon. At ngayon, dumating na ang pagkakataon para gamitin ang sigaw na iyon.



Sa lahat eto na,



Ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!

Tama naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Nakakapagooooooooooooooooooooooodddddddddddddd!!!

Bakeeeeettttttttt???!!! Leche kaaaaaaaaaaaaaaaa!!!



Haha, yun lang yun.

At ipapasa ko ang sigaw na ito kina Gudang at Payatot.
Isigaw niyo na lang din yan. ^_^

Sunday, February 15, 2009

Lessons from the shoes

Ang sapatos talaga alam na kung kelan magre-resign eh no? Naglalakad ako kahapon papunta sa train station, pupunta na din sana ako as Mall para bumili ng bagong sapatos. Feeling ko kasi masisira na yung sapatos ko eh. Masyado na siyang pudpod at minsan natatapilok na ako dahil medyo nagkakaroon na siya ng parang "lips" sa may harapan. Ayun nga naglalakad ako nang bigla na naman akong matapilok. Nakita kong natanggal ang design nito sa may harapan. Hay naku, nasabi ko na lang. Tinanggal ko na din yung design sa kaliwa kong sapatos para magkapareho na sila. Kawawang sapatos.

Ilang minuto lang at nakarating na din ako sa mall at saka tumingin tingin ng sapatos. Mahirap talaga makahanap ng sapatos kung meron kang malaking paa eh no? Wag niyo na lang siguro hulaan kung gaano kalaki ang paa ko bast aang masasabi ko lang, of all na nagustuhan kong sapatos kahapon, iisa lang talaga ang nag kasya sa akin. Gusto ko din ng design niya at kulay kaso sabi ko babalikan ko na lang. Umalis muna ako at naghanap sa ibang shop. Kaso kahit anong gawin ko, wala talaga akong ibang nagugustuhan eh. O kaya naman walang nagkakasya.
In the end, napag desisyunan ko na lamang balikan yung tanging sapatos na nagkasya sa akin. Sinubukan ko siyang ilakad at okay naman. Walang duda. Kumuha na ako ng pera sa wallet at saka binayaran. Siya na ngayon ang bago kong sapatos at tuluyan ko na ngang pinag resign ang aking silver shoes na nakasama ko din for a couple of months.

My old silver shoes

And my new black shoes


Buti nga at nabalikan ko pa yung black shoes. Buti at hinintay niya ako. Buti at wala pang ibang nakakabili sa kanya. Naisip ko tuloy, parang love din pala yun pag bili ko kahapon ng sapatos. Parang eto lang ah, siguro kinakanta niya din yung kantang "heaven knows" habang nakikita niya na umalis ako at di ko muna siya binili. Kung nakakapag salita lang siya siguro sabi niya, "If she come backs in time, I know she's mine."

Parang pag hahanap din pala ng taong mamahalin ang pag hahanap ng sapatos. Una sa lahat, dapat bagay kayo sa isa't isa. Kung sa love naman, dapat ay compatible kayo, comfortable dapat kayo sa isa't isa. Kasi tingnan mo kung sa sapatos, pag maling sukat ng sapatos ang nabili mo, mahihirapan ka lang at sasakit lang at masusugatan lang ang paa mo. Parang sa love, masasaktan ka kung di kayo magkasundo dahil mag kaiba naman kayo ng gusto. Magkakaaway lang at sa huli ay magkakasakitan.

May mga sapatos na nagtatagal dahil matibay at meron namang sapatos na panandalian lang at agad at napapalitan.

At dapat siguro pag nahanap mo na yung perfect shoes, bilhin mo na agad kasi minsan"the grass is not always greener on the other side" . Kung sa tao naman, kung sa tingin mo siya na ang nararapat sayo, wag mo ng hintayin pang maagaw ng iba.

Hay, talaga nga namang nakaka stress at pagsho- shopping eh no? Kung anu- ano ang nare- realize ko.

Friday, February 13, 2009

Para sa lahat ng ka- blog ko! ^^

Dahil magva- valentines day na, heto ang gift ko sa inyong lahat na sumusporta ng aking blog!

warning: pasensya na sa mga maling pronunciation ng mga pangalan at sa mga di ko nabati, paki habol na lang po ang mga pangalan niyo dahil binase ko lang yan sa mga latest comments at nasa blogroll ko! ^^

video

P.S: Kelangan ko talaga ng kodigo, lol! dami niyo kaya. Sensya na rin sa messy hair! Patulog na po ako niyan!

Wednesday, February 11, 2009

warning: cheesy ito ^_^

Dear Soulmate,

Alam ko, tulad ng ibang couple, alam natin sa mga sarili natin na iba tayo sa lahat. Tulad nila, iniisip natin natin na special ang pagmamahalan natin. Alam ko din na hindi ka perpekto although minsan nakakapag expect ako ng mga bagay bagay mula sayo. Hindi rin naman kasi ako perpekto at sana wag ka na lang din mag expect ng malaki sa akin. Magkaganun pa man, sana isipin mo, na ginagawa ko lahat ng makakaya ko para maipakita sayo kung gaano kita kamahal. Alam ko namang ganoon ka din sa akin, alam ko kahit minsan nagtatalo tayo at nagsisigawan na tayo ng kung anu- anong salita na later on ay ire- regret natin, hindi yun dahil galit talaga tayo kundi dahil gusto lang natin maitama ang mga bagay bagay. We just want to make it right. Iisa lang intensyon at yun ay para naman sa ikabubuti ng relationship natin. Kaya lang naman tayo nagtatalo ay dahil magkaiba ang ways na alam natin.

Gusto kong mag sorry kung minsan sayo ko naibubuton ang init ng ulo ko, di ko naman sinasadya talaga eh. Di ko kasi maiwasan dahil hindi naman fairytale ang buhay ko at hindi naman ako palaging masaya, minsan hindi ko siya matanggap kasi nga gusto ko always happy di ba? Pero alam mo, ikaw lang yun tao na inspite of the bad things (bad things talaga eh no?) na nangyayari sa buhay ko, alam ko naman na ikaw lang ang constant doon eh. Alam ko na nandyan ka lang na handa akong pasiyahin sa paraan na alam mo. At sabi ko nga kahit di naman fairytale ang buhay ko? Nagagawa mong fairytale! Feeling ko, sayo, wala akong problema, wala akong responisibilidad. I can be whoever I wanna be.

Naiinis nga pala ako sayo minsan, alam mo yun kapag hindi nasusunod ang gusto ko. Selfish na kung selfish. Pero nababanas ako pag minsan (minsan lang naman) inuuna mo ang pagdodota kesa sakin. Hmp! At alam ko naiinis ka din kapag nanonood ako ng movie imbis na nagcha- chat tayo. (Di naman ako nagmamalinis). So quits na tayo! HAHA!

Gusto ko nga pala malaman mo na, kapag nasa office ako, dumadating yung time na mapapatulala na lang ako at alam mo ba naglalaro sa isip ko? Siguro alam mo na yun. Kinukuwento ko naman sayo yun palagi eh. Clue: Ito yung nagde- daydreaming ako.

Lastly, gusto kong magpasalamat sa lahat. AS IN SA LAHAT!

Eto lang masasabi ko: You complete me... parang Cenrtum.

P.S. Ayokong isipin na baka dumating yung time na ma-realize natin na di tayo para sa isa't isa kasi alam ko naman na di yun dadating. Naniniwala ako sayo. Naniniwala ako sa ating dalawa. Naniniwala ako sa mundong binubuo natin na para sa ating dalawa lang.

I love you, Soulmate!

Nagmamahal,
Soulmate
XOXOXO

Monday, February 9, 2009

Benefits of Kissing

Naaalala niyo pa ba ang inyong first kiss? Actually di ko na nga naaalala ang first kiss ko eh. Pero for sure, lahat tayo merong isang kiss na hindi talaga natin makakalimutan, yung tipo ng kiss na naaalala mo pa din hanggang ngayon kung ano ang feeling? Well, my most memorable kiss ay yung sa amin ni Soulmate. At siguro sa akin na lang muna yun. (Haha! Ayoko siyang i-share!!! bleh!!!)

So what's so great about kissing? Akala niyo ba naglalawayan lang kayo basta basta? Akala niyo ba yun na yun? Pwes, dyan kayo nagkakamali. Maraming benefits ang pakikipag halikan. So let us define "kiss" first. Ang paghalik ay isa sa mga madadaaling paraan para magpahayag ng pagmamahal. Ibig sabihin, kahit mabaho ang hininga niya, dahil mahal mo siya ay hahalikan mo pa din siya. lol! Eto seryoso na. Kung ang tubig ay ang universal solvent, eto naman ay ang universal language na hindi na kailangang i- translate. Ayun sa aking pagre- research, nalaman ko na meron pa palang ibang naidudulot ang pakikipag halikan. At eto ang mga sumusunod: (ayun sa bestkisses.com)

1. Those who kiss their partner good bye every morning live five years longer than those who don't.
2. Nakakatulong din daw ito si self esteem. Isipin mo na lang, hindi lahat ng tao eh pinapalad para magkaroon ng kahalikan, ang iba ay unan ang kahalikan (tulad ko).
3. Nakakatulong din daw ito sa pagda- diet. Alam niyo ba na tatlong makapagdamdaming halikan (at least 20 seconds each) ay nakakapagpabawas ng one pound sa ating pangangatawan. (kaya pala ako namayat dati. ^^)
4. Well, nakakabawas din daw ito ng stress. Naaalala ko pag nakikipag halikan ako kay Soulmate, feeling ko nakakapag meditate ako, napupunta kasi ako sa ibang lupalop ng mundo na feeling ko kaming dalawa lang ang naroroon! Pag may problema ako, bigla na lang siyang nawawala. Ang sarap sarap sa feeling.
5. Kapag nakikipag halikan ka daw, gumagamit ka ng 30 muscles so naiiwasan ang wrinkles!!!
6. Maganda din ito sa ating puso, kasi pag nakikipag halikan daw tayo, bumibilis ang tibok ng puso natin meaning it will pump more blood to our body. And it has been proven na nababawasan ang blood pressure and cholesterol.
7. Nakakapag patatag din ito ng ating imune system. Those who kiss quite frequently are less likely to suffer from stomach, bladder and blood infections.
8. Nagpro- produce din ng antibiotics ang laway kapag nakikipag halikan. At alam niyo ba na meron anestisya ang laway na nakakapag bawas ng nararandaman nating sakit.
9. It reduces anxiety.

Kitams? Madami na din yan. Pero nabasa ko na if you're not kissing the right person, walang silbi ang mga benefits na yan. Hay, kelan kaya ako makaka- attend ng lovapalooza? Meron pa ba nun? ^_^

Sunday, February 8, 2009

Triple Award!!!

Ngayon lang ako magbibigay ng award. The award was given to me by Sister Helena at ni Sister Joycee. Tuwang tuwa ako kasi so far eto ata ang aking first awards ever. Alam niyo ba na ang dalawang 'to ang ilan sa mga unang tao na sumeryoso talaga sa aking blog! Natutuwa ako dahil di ko namamalayan na nagkakaroon na pala ako ng friends dito sa blogsphere! Alam ko na di lang ako ang nakakaranas ng ganitong feeling. Dito ko naranasan ang magkaroon ng karamay, dito ako nakakakuha ng mga opinion ng ibang tao. Nakakatuwa ang feeling.


Heto ang rules para sa tag na ito:


* Put the logo on your blog or post.
* Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
* Be sure to link to your nominees within your post.
* Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
* Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.


At ang award na ito ay ibabahagi ko sa aking mga sis na sina:


1. Heleyna.

SPECIAL MESSAGE: sis, I'll be giving this award to you simply because you deserve it. Salamat dahil I feel special kapag nagco- comment ka sa aking blog! wahahaha! At isa pa, una kong narandaman sayo na may friend na ako dito sa blogsphere!

2. Joycee.

SPECIAL MESSAGE: sis Joycee, natutuwa ako pag binabasa ko ang blog mo, alam mo kung bakit? kasi feeling ko pag binabasa ko yun, feeling ko nasa harap lang kita at kinakausap mo talaga ako. Thank youuuuu friend! You also deserve the award!

3. Majo.

SPECIAL MESSAGE: O ikaw nagsabi na yan ang itawag ko sayo ha! Alam mo, pag binabasa ko ang blog mo, nalilibugan talaga ako kasi naman you're not afraid to express your deepest feeling. I want you to know na I'm just here if you need me ^^

4. Mayyang.

SPECIAL MESSAGE: Alam ko mahal na mahal mo ang life mo, nakikita ko din sayo ang sarili ko, know why? You fight for the one you love, matapang ka and yet you stay lovely. I want you to have this award sis!


5. Donna.

SPECIAL MESSAGE: Sis, para sayo talaga ang award na yan! I want you to know na isa ka na din sa mga special friends ko dito sa blogsphere so I want you to have this. I appreciate it very much sa tuwing magpapalitan tayo ng mga kuru kuru natin sa mga bagay bagay ^^ Thank you so much!!

Ayan, nagawa ko din siya sa wakas! Sa mga babaeng to, lagi niyong tandaan, lfe goes on! Stay strong! Naging parte kayo ng aking layp! Ipasa niyo ang award na ibigay ko sa inyo. Kina Joycee at Heleyna, hindi na necessary though. Hehe, baka ipasa niyo sa uli sa akin at baka di na ito matapos. I love you all gurls!

Saturday, February 7, 2009

Telenovelas

Mahilig akong pumuna ng mga napapanood ko. Alam ko namang walang perpektong palabas pero paano pag ang pinapanood mo gabi gabi ay walang sense? Papanoorin mo pa din ba? Merong dalawang bagong palabas ngayon. Ang isa ay ANG TAYONG DALAWA mula sa abs cbn at ang isa naman ay ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG which is mula naman sa gma. Nasubaybayan ko sila ng halos isang linggo na din at eto ang aking mga puna:

TAYONG DALAWA
DESCRIPTION: pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Kim Chiu at Gerald Anderson. Halos lahat ng cast ay award winning, isama mo na si Coco Martin na sinasabing "king of Indiefilms". *note: ganda ng katawan ng artistang ito. Nakaka hubad shorts! (nakakahubad shorts lang kasi para sa akin si soulmate lang ang tanging lalakeng nakakahubad panty* lol!) Ang story ay umiikot sa dalawang David Garcia. Well, inlove sila sa iisang babae pero girlfriend talaga ni Jake si Kim. Nagpapanggap naman mag syota sa Greta (Alexandra de rossi) at si Gerald! Well, sa tingin ko, magkapatid talaga itong si Gerald at Jake. At ang tanging nakakaalam lang ay ang lola ni Gerald.

SA TINGIN KO? Actually maganda ang twist ng story. Halatang hinimay himay. At bago ang story in fairness! May originality. Pwedeng mangyari sa tunay na buhay. At habang pinapanood ko siya, feeling ko isa ako sa mga characters doon! I'm so affected!

RATE: ****+ (4+ STAR)

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG
DESCRIPTION: (ayun sa isang linggo kong kapapanood) Si Homer (ginanapan ni Ding Dong Dantes) ay isang one woman man! At ikakasal na siya dapat sa kanyang fiance na ginanapan naman ni Angelou De Leon (na cheater kasi boring daw si Homer dahil walang ibang ginawa kundi ang bumuo ng puzzle o patugtugin ang kanyang saxophone kung wala siya sa trabaho. Meron ata siyang kumpanya). Nang walang anu- anoy, pumasok sa eksena si Marian bilang Proserphine (di ako sure sa name, sinearch ko lang sa net eh). Ang ginagawa niya ay umaakyat sa kwarto ni Homer na nasa ikalawa o ikatlong palapag ata, tapos papasok siya sa bintana and then tatabi siya sa pagtulog ni Homer. Isang gabi pa lang sila nagsasama, nami- miss na agad ni Homer si Proserphine.

SA TINGIN KO? Hindi ko alam kung bakit nung nawala si Proserphine ay agad lumabas si Homer ng gate ng walang tsinelas, tapos nakarating pa siya sa may kanto habang tina tawag tawag si Proserphine tapos nang hindi niya ito makita ay bumalik siya sa bahay nila at sabi ay tawagin ang driver at sumunod daw sa kanya. Nakasunod naman agad yung driver na nakita siyang tumatakbo ng walang tsinelas sa may kanto. Ang di ko lang maintindihan, kung nawawala ang isang tao, malamang dumiretso yun sa gate ng subdivision. For sure makikita mo siya doon at hindi mo na kailangan pang pumunta sa kung saan saan. Mag tsinelas ka muna, kunin ang kotse at saka dumiretso sa may gate ng subdivision. Hindi yung magtatatakbo ka pa di ba? Akala ko ba matalino siya? At eto pa, di sabi mysterious daw itong si Proserphine? Aba eh palingkera kaya siya kung mag salita. Nagmumura pa, eh di hindi na yun mysterious. Halatang babae lang sa kung saan yun. At akala ko ba one woman man itong si Homer, eh bakit nakatabi niya lang sa isang gabi, nakalimutan na niyang may fiance siya. Buti sana kung may powers itong si Proserphine di ba? Basta ang daming factors na nagsasalungat. Naiinis tuloy ako. Ang ganda pa naman ng title. Tapos sige nga kung sa Manila ka nakatira, iiwan mo bang nakabukas ang sliding window ng terrace mo sa gabi? Buti nga at babae ang nakapasok at di magnanakaw.
Masyadong minadali ang pagkakagawa nito at definitely hindi siya pang pamilya dahil may mga murahan dito. Pero ang maganda lang ay ang kaseksihan ni Mariane dito, gusto ko din ang pag arte ni Angelou De Leon, pero other than that, gusto ko na siyang matapos. Ayoko ng patagalin ang panonood.

RATE: * (1 star)

ps: una sa lahat, wala akong kinakampihan ha. Ang mga puna ko sa taas ay di nangangahulugang maka abs ako o maka gma. I have watched the movie irregardless of the tv station itself. Lahat naman tayo may kanya kanyang opinyon. Try niyo panoorin and tell me what you think! ^^

Friday, February 6, 2009

The more you hate, the more you love

Madami na akong naririnig na love stories. Iba iba ang versions, iba iba ng style. Sabi nga nila love comes in different shapes, sizes and colors. For the rest of the days, I'll be blogging some kinds of love stories. Actually para sa akin, di naman ganoon ka importante kung paano kayo nag simula eh. What matters most is how you love. Gaano mo siya minahal. Pero di naman maiiwasan sa atin na mag reminisce kung paano nag simula ang lahat. Lets start with "the more you hate, the more you love". Para mas ma elaborate ko pa, I'll be writing a story na base sa totoong pangyayari but I would be needing to change the names for their privacy.

Naaasar si Maya sa bago niyang ka seat mate nang araw na iyon, paano naman kasi ay wala na ata itong ginawa kundi bwisitin ang bawat oras niya sa school.Lagi kasi siyang inaasar ni Drew kahit di naman niya ito inaano. Madalas siya nitong asarin kapag kumakanta kanta si Maya. "Naririnig mo ba ang sarili mo?Sintonado ka kaya." Super lait itong si Drew kay Maya at pag maaasar naman itong si Maya ay sasapakin niya lang o di naman kaya kukurutin itong si Drew. "Ikaw nga eh, mukha kang baka! Baka! Baka!" pangaasar ni Maya kasi ang boses daw ni Drew ay parang baka.
"Ikaw naman boses daga! daga! daga!" ganti naman nitong si Drew na may kasama pang tawa.

Ganyan sila araw araw. Pag kailangang mangopya nitong si Drew kay Maya nagpapakopya naman siya pero in return eto ang magdadala ng mabibigat na libro ni Maya. Well, di naman nila namamalayan na nagiging malapit na ang loob nila sa isa't isa. Akala nila sa tuwing nagaaway sila, naglalayo ang loob nila, pero di nila alam kung bakit sila kinikilig kapag nagbabati sila. Di nila namamalayan na masaya silang ganoon, na unti unti habang naglolokohan sila ay may something na silang nararandaman. Hanggang sa magkakaroon ng malaking away ang dalawa kung kaya magkakaroon sila ng gap. Ilang araw na di nag pansinan ang dalawa. Pero alam naman nila sa sarili nila na miss na nila ang lokohan nila at ang lambingan nila. Ilang araw pero parang ang tagal na. Hanggang sa di makatiis ang dalawa at saka sila nag usap.

Drew: Maya, bati na tayo.
Maya: Di naman tayo naka away ah.
Drew: Di mo kasi ako kinakausap eh.
Maya: Ikaw naman kasi, sumosobra ka na sa pangaasar mo, nakakasakit ka na.
Drew: Sorry na Maya, nakaganti ka din naman di ba? Namantsahan mo ng ballpen ang uniform ko. Pero okay na yun sa akin, yaan mo di na kita aasarin.
Maya: Maniwala ako sayo? Lagi mo naman yan sinasabi eh pero di mo naman tinutupad.
Drew: Kasi naman nagpapapansin lang ako sayo.
Maya: Ba't mo naman kailangan magpapansin?
Drew: Kasi... uhm, nakakahiya eh.
Maya: Hay naku bahala ka!
Drew: Hindi, eto na. Kasi, kasi,-
Maya: May crush ka sa akin no?
(Tumango lang si Drew)
Maya: Di mo na kailangan magpapansin kasi crush din kita.

Okay, so the rest is history. Wahaha! Natatawa talaga ako pag naaalala ko kung paano yan kinuwento sa akin. Kailangan ko pa ba sabihin? Wala pa namang ending, basta sila na!

Thursday, February 5, 2009

Kailangan ng bumitaw

Kagabi ay nagsumbong ang isa sa mga taong malapit sa aking puso na itago na lamang natin sa pangalang Alona. Nakipag break na daw sa kanya ang kanyang boyfriend na si itago naman natin sa pangalang Pwet. Pasensya na per dahil naaasar na ako sa kanya ay mas pipiliin ko na lamang na tumitig sa aking puwet kaysa sa tumingin sa kanya.

Iyak ng iyak itong si Alona at talagang kung pwede lang ay sasakalin ko siya at sasabihan ng "Magising ka nga! Pleaseeeee!!!"

Sa totoo lang, pangalawang beses na itong nangyari. Okay, para mas maintindihan pa lalo ang story, balik tayo kung paano sila nagkakilala. Actually trip trip lang siya, kaharap ko pa si Alona ng tinext siya ni Pwet na kung pwede daw bang manligaw. Hindi pa nagkaka boyfriend itong si Alona at akala ko nga ay papasok sa kumbento eh kaya sabi ko na lang i try niya. Wala namang mawawala. Eh medyo natuwa din siya kaya pumayag siya sa gusto kong mangyari. Feeling ko din naman ay gusto niya at di niya alam ang gagawin o ang dapat sabihin. Sabi ko tanungin mo muna kung seryoso ba. Sabi naman ay oo daw, try daw nila. Eh di nag simula na nga siyang manligaw. Actually, di naman sila close at magka schoolmates lang sila. Parang out of the blue lang ba. Natutuwa naman ako kasi kinikilig naman itong si Alona. Ako naman 'tong nagga- guide sa kanya kasi ewan ko ba, feeling calling ko yan. Lagi ko siyang sinasabihan na wag mo munang sasagutin o wag mo muna tawagan. Yung mga ganoong technique ba. Nakikinig naman siya. Actually, nakita ko na yung guy at medyo nakaka hang out na din namin ni Soulmate. Minsan nga ay dumadating ang time na nagkakasagutan si Soulmate at si Pwet. Sinasaway ko naman si Soulmate dahil feeling ko si Soulmate ang may kasalanan. Lagi niya namang dinadahilan sa akin na "Basta ayoko sa taong yan." Tinatanong ko siya kung bakit pero hindi na masyadong ine- elaborate ni Soulmate kung bakit.

Kaso ayun, dahil napunta ako dito sa HK, minsan na lang kami kung mag usap. Hanggang sa nagsumbong siya sa akin one time na nag break na daw sila ni Pwet. Iyak naman ng iyak itong si Alona. Sabi ko, tama na wag mo nang babalikan. Pero ayun, dahil naniniwala pa din siya sa second chance at nakipag balikan kay Pwet. I think ang napag awayan nila that time is selos. Selosa din kasi itong si Alona.

So lagi kong tinatanong kung kamusta na sila ni Pwet, iisa lang ang sinasagot sa akin ni Alona. "Ganoon pa din, masaya." Well, I can detect in her voice that she's feeling the otherwise. Pero ayoko nang makialam. Ayaw niya kasi magsalita. Hayz!

So yun nga, kagabi tuluyan ng nakipag break sa kanya si Pwet. At eto naman si Alona kahit sabihin kong maghanap na lang siya ng iba, alam niyo ba ang sinasagot sa akin? "Eh mahal ko siya eh, Ganoon na lang ba kabilis palitan yun?"

Gusto ko sabihin sa kanya na oo, kitang kita na ang proweba na hindi na nga siya mahal nitong si Pwet but she's still holding on. Binigyan ba naman kasi siya ng sulat na may mura mura pa, at talagang nag iinit ang ulo niya. Ang pinag awayan? Nagtanong lang naman daw ng mahinahon etong si Alona na "Nagche- cheat ka ba sa akin?"

Naginit ba naman daw ang ulo nito ni Pwet. Tip: Pag nag init ang ulo ng tinatanong niyo, may possibility na nag cheat talaga siya kasi galit eh. Kung mahal mo ba ang isang tao, sagutin mo lang ng plain na hindi ka nagche- cheat. Di naman sa kinakampihan ko si Alona pero tinanong ko siya kung lagi ba siyang nagtatanong ng ganun. Sabi niya noong isang araw lang daw.

Okay, tama na! And so, binigyan ko siya ng mga sumusunod na advice:
*mahirap to sundin pero I think this is necessary pag nangyari sa inyo ang nangyari kay Alona.
-burahin na ang mga picture niyo na magkasama sa freindster, multiply, facebook at sa kahit saan pa. Pero wag mo siyang buburahin sa contacts mo ha, kailangan mo yun to spy on him.
-wag na wag mong ipapakita na malungkot ka o depressed ka. Ipakita mo lang na it's not your loss, kailangan mong pakita sa kanya na kaya mo kahit wala siya. Ipakita mo na it's his loss!!!
-iwasan ang mag isa, hang out with your friends, watch movies and relax.
-eto na ang time mo para magpaganda pa lalo. mag iba ng style, have a new hair cut at kumain ng matatamis.
-wag ipapakita na galit o bitter ka.

Ilan lang naman yan sa mga advice ko sa kanya. At in conclusion, kailangan niya ng bumitaw. Lalo na kung wala ka ng hahawakan pa at wala naman sasalo sayo. Bakit kailangan pang tumalon. Mahirap, oo. Pero kayanin mo.

Tandaan, pag meron ng simtomas, kailangan ng bumitaw. Saka ko na ilalagay ang simtomas. For the meanwhile, to Alona, tama na ang drama! ^_^

Tuesday, February 3, 2009

Style ng panliligaw

Sabi nila importante daw ang panliligaw o yung courtship na sinasabi. Doon daw kasi nage- get to know ang isang babae at lalake o 2 babae o 2 lalake. Dito din malalaman ng nililigawan kung dapat nga ba niyang bigyan ng matamis na oo ang nanliligaw sa kanya. Dito din sila minsan nagkaka developan.

Base sa aking karanasan, nalaman ko na ang ilan sa mga STYLE NG PANLILIGAW. At eto ang aking topic for this day.

Style #1: Romantiko style
-Isa itong style na minana pa natin sa ating mga ninuno. Eto yung pupunta ang lalake sa bahay ng babae kasama ang barkada at saka manghaharana. Yung iba naman ay solo mode lang. Kakanta siya ng mga kundiman o kaya kung gusto niya ay rock na kanta (pero wala pa akong kilalang hinaharana ng rock). Siguro eto na din ang kanilang magiging theme song pag nagkatuluyan sila.
-May bouquet pang kasama, either inorder sa mamahaling flowershop o pinitas sa kung saan, madami kasi sa mga babae ang may gusto ng flowers.
-Tapos sasabihan ka ng matatamis na salita tulad ng, "Ang mga mata mo ay sing ning ning ng mga bituin sa langit".
-Medyo effective 'to kung conservative ang isang babae.

Style #2: Bulok style
-Sa sitwasyong ito, eto yung mangaasar pa ang lalake para lang mapansin, pangaasar na tulad ng: babatuhin ka ng bolang papel na pag tumama sayo ay pagkasakit, pero dahil masakit nga ay maaasar ka lang at ibabato mo uli sa kanya yung papel. Tapos bigla siyang lalapit na "basahin mo kaya." Parang tanga lang eh no! Kailangan pang mag bato! Hmp!
-Gagayumahin ng lalake ang isang babae. Hihingi ng tulong sa kaibigang albularyo. Kabulok talaga!
-Gagawin ng lalake ang mga bagay na ikagagalit ng babae para lamang mapansin, nice magkakadevelopan nga sila sa ganoong paraan.

Style #3: Text mate
-Sesendan ka ng higit pa sa 20 na love quotes sa isang araw. Bawat limang minuto kahit walang pang reply ang babae magse- send pa din siya ng magse- send. "Kumain na u?" o "miss u na" o "tc u olways coz i care" o "ano gawa u? gus2 n kta mkta" o "txt txt tau"
-Madalas itong ginagamit ng mga torpe o yung tipong di makapag salita pag nandyan na nag gurl sa harap nila.

Style #4: Suave Style
-Eto ang panliligaw na masyadong mabilis. Mabilis na panliligaw na malalaman mo na lang ay kayo na pala.
-Para sa akin, okay lang naman 'to, pero advice sa mga gurls, be aware. Eto kasi ang mga lalakeng sanay na manligaw at madalas ay iba ang intention.

Style #5: More on Action Style
-Eto naman yung style na akala mo pumupunta punta lang sa bahay niyo, akala mo mabait lang talaga siya dahil sa mga pinapakita niya sayo, dahil di siya nagsasalita ng tunay niyang nararandaman. Malalaman mo na lang, ginagawa niya yun dahil gusto ka niya. Eto ang mga tipo ng manliligaw na more in doing kaysa sa salita.
-Eto ang isa sa paborito ko dahil sa totoo lang ayoko ng madaming satsat. Gusto mo ko, ipakita mo! O di ba?

Well, ilan lang yang sa mga naranasan ko. Pero eto ang conclusion, kapag kayo na dapat tuloy tuloy pa din ang panliligaw ha! Kasi ang panliligaw ay parang pinapakita din ng lalake sa babae ang gagawin niya pag sakaling sila na. Di ba? *wink!

Monday, February 2, 2009

Whatever 10 & inlove ka ba?

Medyo mahaba haba ang post ko para sa araw na ito. Na- tagged kasi ako ni Mareng Pillar, post daw ako ng 9 na facts at isang barberong fact about me. Unang post ko din ito for the month of February, isa ito sa aking paboritong buwan, alam niyo naman na eto ang month na birthday ng aking Soulmate in which I'll be going home for three days at Valentines month din kaya gusto ko tungkol sa love ang aking ipo- post. Pero for now, facts about me, so here it goes!

1. Mahilig ako sa magagandang papel. Bata pa lang ako, pangarap ko na magkaroon ng pagawaan ng stationary. Mapa notebook, mapa libro collection ko na yun. Pero syempre may mga sulat na ang notebook, kung anu- ano ang mga sinusulat ko. Lyrics ng kanta, kwento, gagawa ako ng comics, meron din akong notebook na puno ng quotes at meron din diary. Pero ngayon di na ako nagda- diary at most of the time, wala na akong masulat sa notebook mula ng nag blog ako at mula noong nag cha- chat kami palagi ni Soulmate kasi naman kinukwento ko na sa kanya ang lahat at sinusulat ko naman sa blog ko ang mga gusto kong isulat.

2. Okay, collection ko nga ang mga books pero dahil sa mahal ng libro dito sa HK, punta na lang ako ng library.

3. Pangarap ko ang maging sikat na author, hanggang ngayon, nagsusulat pa din ako kahit ako at ang kapatid ko lang ang nakakabasa. Nabasa na din ni Soulmate ang mga gawa ko. Isa sa mga paborito kong gawa ay ang "Cinderella Shaine" . Iyon kasi ang naging theraphy ko after ng magulo kong relationship. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano ang gagawin ko doon.

4. Hindi na ako mahilig mag text ngayon, siguro dahil wala naman akong ka text at siguro mas nadadalian ako kung tatawagan ko na lang ang isang tao, mas malinaw pa ang usapan.

5. Dalawang singsing ang suot ko sa kanang palasingsingan ko. Isa ay engagement ring at ang isa ay...wedding ring. Meron din akong suot na bracelet na bigay ni Soulmate at hinuhubad ko lang siya pag maliligo na ako.

6. Pinangarap ko dati ang mag artista hanggang sa I have outgrown it. Nalaman ko kasi kung gaano kadumi ang showbiz, Hayz! Para din siyang politika.

7. Mahilig akong makinig sa musicals especially HIgh school musical. Alam niyo ba na sabi sa Reader's Digest, ang taong mahilig makinig ng musicals na kanta, tend to have a lasting relationship. hehe...

8. Ginanap ang debut ko sa bahay namin at si Soulmate ang aking escort. Alam niyo ba na 2 years ago, di ko akalain na siya ang magiging partner ko? Iba kasi ang naka assign sa post na iyon. Di niya din alam na siya ang escort ko until nakita niya ang pangalan niya sa invitation.

9. Meron akong dalawang kapatid. Isang babae at isang bunsong lalake. Panganay ako sa kanilang dalawa at sobrang miss ko na sila. Sa totoo lang, feeling ko ang ganda ng lahi naming tatlo. Ang bunso kasi namin, tsinito at ang babae kong kapatid, well mana sa ate kaya maganda din. Wahaha!

10. Alam niyo din ba na noong college pa ako, nasa 5th floor ang classroom namin kaya malas ko pag nale- late ako. May mga panahong muntikan na akong masubsob at minsan dahil malakas ang hangin sa 5th floor, pagdating ko pa doon ay sabay liliparin ang palda ko. Talaga naman!

At ipapasa ko ang tag na ito kina: Aries, Jean, Ms panda at si Marlon

Isa pang topic. Sabi ko sa inyo eh, mahaba 'to eh.

Paano mo nalaman na inlove ka? Hindi ka ba makakain? Hindi ka makatulog? Palagi ka bang balisa? O di naman kaya, nananaba ka dahil inspired kang kumain? Bigla ka na lang bang tatawa sa isang tabi habang nagle- lesson kayo dahil meron kang naalala at bigla kang kinilig? Bumibilis ba ang tibok ng puso mo o namamawis ang iyong mga kamay pag siya ay iyong nakikita? Para bang konti na lang at maiihi ka na?

Ilan lang yan sa simtomas kapag ikaw ay inlove! Ibig sabihin madami ka pang pwedeng marandaman kapag inlove ka.

Ako? Paano ko ba nalaman na inlove ako kay Soulmate?

Ikukuwento ko na lang isa sa mga tagpo namin ni "Soulmate" kung saan ko narandaman na eto na nga. As in, this is it!!!

Isang araw, laban sa varsity ng aking best friend na si Jmie kaya nandoon ako sa may field at nagchee- cheer sa kanya. May usapan na kami ni "Soulmate" na magkikita the next day dahil baka masyadong maging busy ang aking best friend kaya kailangan ko ng kausap o kasama man lang. Eh kaso, bigla kong narandaman na mas gusto ko na lang mag isa kaya nagtago ako sa may bandang puno kaya di niya ako nakita. Kinahapunan, nagkita din kami. Buong araw niya na daw akong hinahanap. Medyo na- guilty naman ako kasi nga di ako tumutupad sa napag usapan. Natapos na ang laban at nagkaroon ng meeting ang bestfriend ko pati ang iba pa niyang ka- varsity kaya naiwan kami ni Soulmate na magkasama. Umupo kami sa isa sa mga blue benches, doon pa kami sa may taas, magkalapit ang mukha namin tapos nagkwe- kwentuhan lang kami at nagtatawanan. Tapos sa isang iglap, parang naging gwapo siya sa paningin ko. Narandaman ko ang sinasabi nilang spark. Ang spark na iyon ay dahan dahan lang at nararandaman sa loob ng aking puso. Wahahaha! Ang sarap sa feeling! Para kang nagcla- climax! Ayoko ng matapos ang moment na iyon.

Yun ang maikling story kung kelan ko nalaman na gusto ko si Soulmate, ang pagmamahal ko sa kanya at doon nagsimula and until now, it keeps on growing. Kayo paano niyo nalaman na inlove nga kayo? Hmmm...!! ^_^