ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Monday, March 30, 2009

Congratulations!


Sa aking kapatid na graduate na ng high school, congratulations! We are so proud of you, malayo pa ang lalakbayin mo kaya sana tumulad ka sa akin, matatag anuman ang dalhin ng mundong ito sayo. Alam ko may pangarap ka para sa sarili mo at pati na din sa pamilya natin. Magtulungan tayo okay? Alam kong di mo kami bibiguin. Tandaan mo na lahat ng problema ay may solusyon kaya nga siya problema di ba? Kung wala siyang solusyon, hindi siya problema kaya wag nang problemahin.

Magpakabait ka okay? Make us prouder!!!

And of course more power!!!

Teka gusto ko din pala ipamahagi ang tag na ipinasa sa akin ng mahal kong si Dona: Ang rules ng tag na ito ay ang sumusunod:

The basic premise is this – answers should all be “at the current moment.”

1. Where is your cellphone --- sa tabi ko ngayon, wala naman akong hinihintay na tumawag dahil kausap ko naman si Soulmate ngayon.

2. Your hair --- Nakatali dahil mukhang sabog sabog siya as of the moment.

3. Your father --- sa sala matutulog na ata

4. Your favorite thing --- music player and my laptop!

5. Your dream last night --- weird sa pagkakaalala ko but I can't rememeber any of it.

6. Your favorite drink --- H20 and Milo!

7. Your dream goal --- makasama na si Soulmate at ang aking pamilya.

8. The room you are in --- my bedroom!

9. Your fear --- ang mag isa... T_T

10. Where do you want to be in 6 years --- at home!

11. Muffins --- NO THANKS!

12. One of your wish list items --- magkaroon ng sarili kong bahay sa Cebu near the beach!

13. Where you grew up --- Lumaki ako sa Cavite. Mahigit sampung taon din ako doon. And I guess hanggang sa tumanda ako hahanap hanapin ko ang lugar na iyon!

14. The last thing you did --- watch gossip girl!

15. What are you wearing --- black shirt ang black shorts!

16. Your TV --- ewan ko.. not fond of watching tv so I don't bother

17. Your pet --- taffy!! she's a cat! just a stuff cat! maganda nga yun kasi di na siya gumagalaw at di na kailangan alagaan!

18. Your computer --- compaq presario CQ40! my tressure!!

19. Your life --- complicated too!

20. Your mood --- asar?

21. Missing someone --- that's for sure!

22. Your car --- kariton?

23. Favorite store --- Metroplaza mall in Hong Kong and of course SM Southmall!!!

24. Your summer --- I wish in Boracay sana kaso I think I'm gonna be stuck here in Hong Kong.

25. Your favorite color ---pink, black and white! dagdag mo na din ang gold!

26. When was the last time you laughed --- can't remeber!

27. When was the last time you cried --- can't remember too!

28. Last person who emailed you --- too bad nobody's been emailing me...

29. Your favorite food --- salad! macaroni salad!

30. A place you would rather be right now --- In my dreams!!

At ipapasa ko ang tag na ito sa unang limang magco- comment sa akin. Haha! Wala na kayong magagawa! Minsan lang ako gumawa ng tag na ganito so nilubos lubos ko na. ^__^

Saturday, March 28, 2009

365 days

Nasaan ka at anong ginagawa mo at this period of the year last year?
Naaalala mo pa ba?

Kasi ako oo...

One year ago...
Pupunta kami ni Soulmate sa school para kunin ang clearance ko at lahat ng records na kakailanganin ko para sa trabaho. Patapos na ata ang klase at mag sisimula na ang summer kung hindi ako nagkakamali at oras na para ayusin lahat ng bayaran sa school, nandyan yung papapirmahan ko yung clearance at for sure nandyan din yung may mahabang pila sa pagpapapirma. Yung ibang studyante pinapapapirma lang yung clearance nila. Ako naman may ibang pakay. Kumukuha na din kasi ako ng copy ng form 137 ko pati yung grades ko para sa college.

Aalis na kasi ako at bilang na ang mga oras namin ni Soulmate noon.

Kumbaga nilulubos na namin... sabi ng Mama ko isang taon daw kasi ako sa Hong Kong at pagkatapos, babalik din ang buhay ko dati.

Lumalabas kami ni Soulmate ng madalas, pupunta sa school tapos tatambay lang, o kaya pupunta sa SM para mag Tom's World or Quantum. Tatapos kakain kami ng SHawarma o kaya ng paborito naming sisig sa may carinderia. O kaya pupunta ako sa bahay nila at saka kami manonood ng horror. Sa kanya ko nga pala natutunan manood ng horror. Dahil sa kanya napanood ko ang Jeeper's creepers, yung One missed call ba yun? O kaya yung, uhm, basta forgot na yung iba. Basta alam ko pianapanood namin yun habang kumakain ng Kanin with Tinola. Basta yun ata yung the best tinola days ko! Tapos, salitan kami. Minsan susubuan niya ako at minsan naman siya ang susubuan ko. (Wag green minded!) Tapos maglalabing labing na kami. Oh those days!! If only I could stay there forever.

Tapos alam niyo ba pag gabi, sa kwarto ko, gumagawa ako ng 365 letters para sa sa kanya. Kasi di ba isang taon nga ako mawawala, yung mga letters na yun ay babasahin niya every morning para marandaman niya ang pressence ko kahit papaano. Sa isang gabi nakaka 20 letters ako o higit pa. Kasi naman meron akong deadline di ba?

Noong mga panahon na yun, may mga tanong na gumugulo sa isip ko...

Yung iba, nasagot ko na ngayon.

Magtatagal ba kami?

Kakayanin ba namin ang isang taon na wala sa tabi ng isa't isa?

O masasanay na lang ba kami na malayo sa isa't isa?

Kakayanin ko ba? Kakayanin ba niya?

Eto ang kasagutan:

Mahirap, sobrang hirap, pero nakaya namin at ni minsan di siya naalis sa puso ko. At alam kong ganoon din naman siya sa akin. Hanggang ngayon, iisa pa din ang gusto naming mangyari, ang magkasama na kami. Nagbago ang ilan sa mga plano. Kami na mismo ni Soulmate ang nagplano sa kung ano ang gusto naming mangyari sa mga buhay namin. Sa mangyayari sa amin.

Ngayon, magtatanong ako ulit, kung next year ba, same period of the year, kakayanin pa kaya namin? Next year ba, magkasama na ba kami? O long distance pa rin? Magkakalamat ba ang relationship namin? Magkakaroon ba siya ng iba? Makakakilala ba ako ng ibang lalake?

Naisip ko lang, di ba may saying na wag mong ire- regret kahit anong pagkakamaling nagawa mo dahil for once in your life, ginusto mo yun mangyari. So ibig sabihin kung ayaw naming maghiwalay, at kung gusto namin magsama talaga at kami talaga 'til the end of time, syempre gagawin namin lahat di ba? Kasi nga yun ang gusto naming mangyari.

Gosh, napapadrama na ako dito. Okay change topic na lang.

*Salamat sa mga nagalala sa akin noong nagkasakit ako. Salamat talaga. Magaling na ako ngayon! Thank God, I'm still alive and kicking!

Oo nga pala, LSS ako sa song nina Maja at Rayver! Yung magkita na tayo! Eto ang tumatakbo ngayon sa isip ko...

Sino ka ba, parang matagal na kitang kilala,
Kausap kita araw araw pero di naman tayo nagkikita...
Sino ka ba, palagi na lang kitang kasama, pag uwi ko sa bahay,
pagkatapos ng eskwela,
Ngunit hanggang dito na lamang ba tayo?
Sa sarili nating mundo...
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Gusto na kitang makilala pa,
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Gusto kong makita ang iyong mukha,
Magkita na tayo, magkita na tayo,
Alam kong matagal na tayong ganito, kaya, magkita na tayo...

Gosh, ano ba? Kahapon pa ito ah!! Well at least maganda naman yung song. Napanood ko kasi yung movie niyan eh na balita ko hindi pa daw napapalabas sa mga movie houses. At sabi tatlong araw lang daw yung shooting. Ang title niyan ay: Kelly Kelly (ang hit na musical)

Search niyo sa youtube!! Promise maganda! Har har!!!

XOXO (toinks!)
Cindyrella

Wednesday, March 25, 2009

So sick...

***Teka commercial break muna, doon sa mga nagtanong kung paano gawin si Ultra kitty, magpapaturo muna ako kay Soulmate dahil sa totoo lang di ko din alam kung paano siya gawin. Basta ipo- post ko na lang kung paano. ^^

Eto na...

Nagising ako kaninang umaga na di malaman kung bakit ang sama sama ng pakirandam ko. As in pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, biglang sumakit ang ulo ko. Sinubukan kong itulog ulit pero ganoon pa din ang pakirandam ko. Tapos sinubukan ong bumangon at lagyan ng mainit na Milo ang tiyan ko. Alam niyo ba ang nangyari, nakakailang lagok pa lang ako, agad ko ng tinungo ang banyo at doon ay nagsususuka. *Ooops! Sorry sa kumakain. At mula noon ay di ko na mapigilan ang sarili ko na masuka kapag may isinusubo ako. Iinom sana ako ng gamot kaso bigla kong naalala, narandaman ko na 'to dati at kahit gamot di ko pinatawad na isuka. Naaalala ko pa nga dati in- inject na lang sa akin ang gamot para di ko na siya isuka. So ibig sabihin di rin e- effect ang gamot. By that time di ko alam kung sino ang una kong tatakbuhan. Nasa work na si Dad at natutulog naman ang Uncle ko, as if naman he cares at ano ang magagawa niya eh baka maasar pa siya dahil iistorbohin ko siya? Kaya tiniis ko at sinubukan pa ding pumasok. Ang hirap niya in fairness. Kailangan ko pang kumapit sa may grills ng bintana. Tapos sinubukan kong kumain pagkatapos kong mag bihis pero isinuka ko lang ang kinain ko.Nagawa ko namang pumasok sa office. Nakapag biyahe pa ako.

Pagdating ko ba naman sa office, nakita ko kung gaano kadami ang trabaho ko. Pero nakapag paalam na ako na half day lang ako, pumayag naman ang superior ko. Kaso ba naman, dahil nga nakita ko kung gaano kadami ang trabaho ko, bigla ba namang nawala ang sakit ng ulo ko? Tama ba yun. Sa unang pagkakataon, sinabi ko sa sakit ko na wag muna siyang umalis dahil uuwi na din naman ako eh. Pero natapos na ang lunch break, okay pa din ang pakirandam ko. Hanggang mag 7 pm na at uwian ay okay pa din ang pakirandam ko. Di na lang ako nakapag half day. Nakapag over time pa nga!

Saturday, March 21, 2009

Ultra Kitty!

Meron akong ipapakilala sa inyo, ang unang anak namin ni Soulmate. At yun ay walang iba kundi si...


ULTRA KITTY!!!

Siya ang tagapagtanggol ng mga naapi, siya ang tagabantay ng mahiwagang pagmamahalan namin ni Soulmate, para siyang si Kupido kung gamitin ang kanyang lacer beam na magbabatok sa amin sa tuwing kami ay nage- LQ, siya ang tagapagligtas ng sawing puso.

Okay, seryoso na. Si Soulmate may gawa niyan at binigay niya sa akin yan noong nililigawan pa lang niya ako. Ang cute no?

P.S: Happy 17th Monthsary Soulmate! Salamat sa lahat, salamat sa pagpapasaya mo sa akin at salamat sa pagmamahal na binigay mo without expectations. I love you... (with matching tears of joy!)

Wednesday, March 18, 2009

Diary (reflect! reflect!)

Sa ngayon, kahit ba umalis na si Mama papuntang Manila masaya na din ako kasi mas maalagaan na ang mga kapatid ko na naiwan doon. At isa pa gra- graduate na ang aking Sis so kailangan talaga nandoon si Mama. Hindi ko alam kung bakit pero kahapon at ngayon, feeling ko masaya ako at walang wino- worry (bukod sa cellphone kong low bat na dahil walang charger). Wala lang, wala yung Boss ko dahil nagbabakasyon siya sa Russia kuno kaya wala masyadong nagbabantay kung magi- internet ba ako. At isa pa, walang problema sa office. Everything is going with the plan.

Si Soulmate din, okay na. Grabe hindi rin biro ang nangyaring pagtatalo sa amin ni Soulmate. Nandyan yung may masasaktan tapos may iiyak, may malulungkot. I must admit, mahirap talaga ang long distance relationship. Mahirap siyang i- maintain. Kahit pa sabihin niyong mahal niyo talaga ang isa't isa, dapat merong mga certain rules na kailangang sundin, wag lang kayo masira. Oo nga, nandyan na dapat ang trust at pagiging faithful niyo sa isa't isa pero you must admit it na meron pa ding outside forces na kung di kayo matatag ay agad din kayong matitinag. May mga bagay kayong dapat na i-sacrifice kahit mahirap at kahit alam niyo namang nakasanayan niyo na. Siguro maswerte pa din kaming dalawa hanggang sa ngayon dahil nagiging success naman ang plano namin. Ilang night out ang pinalampas ko para lang maka chat ko si Soulmate at ilang lakad ng tropa ang pinalampas ni Soulmate para lang din makausap ako kahit ba paulit ulit ang pinag uusapan namin. Tinatanong na nga kami ng mga kakilala namin kung di ba daw kami nag sasawa pero iisa lang naman ang sinasagot namin. "Definitely not."

Oo nga pala, ngayon mas na appreciate ko pa ang mabuhay ngayon kahit ba may mga problema ako sa office, kahit sa laptop lang ako nakaharap palagi, kahit ang social life ko ay umiikot sa net. Masaya din ako kasi summer na. Maaraw na at di na gaanong malamig. Dito kasi sa Hong Kong, madalas ay makulimlim ang panahon. Mas masaya talaga pag summer. Excited na ako sa mga outings na pupuntahan ko. Sana wag na muna dumating ang rainy season dahil for sure mas mas mararandaman ko ang lamig at lungkot ng panahon.

At alam niyo ba na hindi na ako sa sala natutulog. Hindi ko ata nasabi sa inyo na dati sa sofa bed lang ako natutulog. Pero ngayon na umalis si Mama, solo ko na ang kwarto at nag volunteer si Dad na siya na lang daw sa sofa. Naku, buti naman no. Iritable kasi ako pag sa sala ako natutulog eh. Bukod sa maingay ay di ganoon ka lilim kahit nakatakip na ng kumot ang mukha mo.

Alam ko di ganoon ka perpekto ang buhay ko, dati kasi iniisip ko ako yung bida, ako yung leading lady, ako yung magaling, ako yung maganda. Pero as years passed by, na realize ko na di pala ganoon ang buhay. Nalaman ko na ang buhay pala di palaging masaya, di rin naman palaging malungkot. Ang buhay ay parang gulong, paikot ikot lang, minsan nasa taas ka, minsan naman nasa baba. Di mo masasabi kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay mo. Kahit ba sabihin mong may plano ka na sa buhay, di mo agad yun makukuha. Paghihirapan mo talaga. In the end, titimbangin mo kung naging mabuting tao ka ba? Kung may nangyari ba sa buhay mo? Kung naging matatag ka ba, kung nakayanan mo lahat ng pagsubok. Di ganoon kadali mabuhay, di rin ganoon kadali mamatay.

Sa ngayon, di ko muna iisipin ang mga pagkakamali ko sa buhay. Magiging masaya na muna ako. Ie- enjoy ang buhay na di dapat sayangin. Every moment should be worthwile. Gagawin ko kung ano talaga ang nakakapagpasaya sa akin. At kung sakali mang magkamali ako sa mga gagawin ko, sasabihin ko sa sarili ko, "Okay lang yan, ayos naman ang experience di ba? At least matututo ka pa lalo."

Oo nga pala, kating kati na din ako i post yung pic dito ni Soulmate. Gusto ko na siyang ipakilala sa inyong lahat. Well, maybe sa susunod ko na lamang na post. Sa ngayon, eto na muna.

XOXO
Cindyrella (lol)

Saturday, March 14, 2009

One Milo

Natapos din sa wakas ang week na ito. Sabado ang pinakahihintay ko sa isang linggo. Dahil dito lang ako nagkakaroon ng time para gawin ang mga gusto ko tulad na lang pagblo- blog. It's been a long week and I really look forward na makapag pahinga. Puro calls and emails kasi ang kailangan sagutin, kailangan mag compute, mag fax, makipag usap whatsoever. Heto at pinicturan ko pa ang station pabalik sa aming bahay.


Oo nga pala, si Soulmate may sakit na naman, nagaalala na nga ako. Di pa kami nagkakausap at sa totoo lang na coma ang cellphone ko. Yung kay Soulmate naman ay na dekwat. Pareho pa kaming walang cellphone. Umaasa lang kami sa chat.

Yun nga iniisip ko kanina habang papauwi ako, bummili na kaya ako ng cellphone? Kaso kulang pa ako sa budget ngayon. Di bale na lang. Pag uwi ko sa bahay, nadatnan ko ang mga kamag anak kong nagma- mahjong. Binati ko sila, matagal tagal din kaming di nagkikita ah. Nakaupo lang ako doon at nakikinig sa kanila. Tinanong nila kung nasaan ang cellphone ko. Sabi ko sira na. Guess what? Without thinking binigyan ako ng cellphone. Luma na siya pero di naman siya lumang model. At least di ko na problema ang cellphone di ba? Tuwang tuwa ako.

Tapos noong nag online ako, may natanggap akong message na di nga makakapag online si Soulmate. Kinakabahan nga ako kasi baka ano na mangyari sa kanya.

Tapos may isa pa akong iniisip, si Mama kasi babalik na ng Manila. For sure I'm gonna miss her. Mas kailangan ko ngayon si Mac kaya sana naman makapag online na siya. I just feel weak.

Kaya heto, at uminom muna ako ng Milo para maalis ang worries ko...

video

One Moment, One Milo!

Friday, March 13, 2009

sulat kamay


Bata pa lang ako, madalas na talaga akong asarin na parang kinayod ng manok ang sulat ko kaya sobrang inayos ko na ang sulat ko sa taas. Well, I did my best!

Tandaan ang rules ng tag na ito:
1. Write down who tagged you.
2. Answer these:
- your name / username / pseudo- right-handed or left-handed?- your favorite letters to write?- your least favorite letters to write?- Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”
3. Tag five persons.


oopsss! apat lang pala na tag ko! LOL!!

Thursday, March 12, 2009

Rihanna Fever

Alam ko panis na ang story na ito pero gusto ko lamang ilabas ang aking reaction regarding sa pambubugbog ni Cris Brown kay Rihanna. Sa mga di pa nakakalam ng story, ganito yun. Dahil sa pagseselos ni Rihanna sa isang mahabang text na galing kuno sa manager ni Cris na si TIna Davis at take note meron kuno silang sexual relationship long time ago. Ang sabi daw sa text ay mag hook up sila later ni Cris. Nga pala nasa forties na ata etong Manager niya eh. Pero syempre todo deny naman 'tong si Tina. Well, who knows?

Ang kinaiinisan ko lang naman ay bakit pa sila nagkabalikan?

Alam ko wala akong connection sa kanilang dalawa pero binugbog ka na nga di ba, makikipag balikan? Well di naman ko pwede magsalita kasi wala naman ako sa kalagayan ni Rihanna. Against din ako sa sinabi ni Donald Trump na looser si RIhanna. Kaya nga lang, sige saktan mo ko emotionally pero physically? HA! You wish!

Wala lang, naawa lang ako kay Rihanna. Rihanna, alam ko di mo ko naiintindihan, pero madami kaming mga fans mo. Ngayong nakipag balikan ka pa kay Cris Brown baka gayahin ka ng ilan sa mga fans mo. Baka mas lalo pang lumaganap ang domestic violence kasi pumapayag ka lang na ganyanin ka niya eh. Tandaan mo ang sinabi ni Oprah, love does not hurt daw!!!

For more about Cris Borwn and Rihanna, visit niyo lang 'to! As in eto!

Wednesday, March 11, 2009

Ocean Park escapade

Isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari nang ako ay naka uwi ay noong pumunta kami ng Ocean Park ni Soulmate, ng mga kapatid ko at kasama na din si Ate Inday. Tanghaling tapat nang umalis kami ng bahay at saka lumarga papunta sa aming destinasyon. Mabilis lamang ang biyahe. Wala pang isang oras ay nasa harap na namin ang Ocean Park, Manila. Mainit ang panahon, pero eto ang gusto ko sa Pilipinas, maaraw, asul na langit at mahangin pa. Ang kulit kulit ng mga kapatid ko, si Sis kinukulit ako na mag palit kami ng sapatos, paano naman kasi naka high heels alam namang mahaba habang lakaran 'to. Pumapayag naman akong ipag palit ang flip flops ko dahil minsan lang humingi ng pabor sa akin ang kapatid kong 'to. Buti na lang at medyo sanay ako sa high heels. Si Lil bro naman, excited. Takbo ng takbo. Natatakot nga kami kasi baka mawala siya sa dami ng tao.

Linggo yun kaya madaming tao. Magkakapamilya, magkakaibigan. Lahat masaya. Ni hindi ako nakakita ng malungkot na bagay o tao sa lugar na iyon. Sa loob iba't ibang uri ng isda ang nakita namin. Who cares about their names? An importante lang sa amin ay ma feel namin ang aircon, ang ambience at ang saya ng mga tao doon. Malalaki ang aquarium at feeling mo nasa ilalim ka talaga ng dagat.

Picture ba? Heto ang ilan...







For more pics, please click here: cyndirella world

Ang saya, narandaman ko talaga na bata uli ako. Try niyo yun ah!!!
P.S:
Ilan pa sa mga dahilan kaya di na ako nakakapag update ay dahil sa kakapanood ko ng gossip girl! Grabe these past few days ay grabe ang pagmamarathon ko. Dalawa ang bago kong kinaadikan ko. Yun nga ang Gossip Girl at ang pagnood ko ng anime na "Azumanga Daioh". Grabe, ang cool ng dalawang palabas na yan! Highly recommended so kung gusto niyo ma enjoy pa ang inyong life, panoorin niyo ang dalawang yan!!!

Saturday, March 7, 2009

Insecure? (girl talk)

May napag usapan kami kanina ng mga ka office mates ko. Isang tanong kasi ang gumugulo sa isipan namin ngayon. Bakit nga ba ang mga lalake ngayon ay mas nagger pa ata sa mga babae? Hindi ba dapat ang mga babae ang mga dapat na nagger? Bakit parang mas seloso na ang mga lalake ngayon? Bakit sa amin bawal ang ganito ganyan pero sa inyong mga lalake pwede?

Doon muna tayo sa unang tanong. Supposedly, ang mga babae dapat ang nagsasabi ng mga katagang, "Saan ka naman pupunta? Anong oras na? Bakit ka magpapagupit, siguro may ka date kang iba no? Bakit ka nagpapa sexy eh tanggap naman kita sa kung ano ka?" Haller??? Di ba pwedeng mag paganda lang dahil sa gusto namin? Di ba pwedeng mag overtime dahil sa trabaho? Di ba pwedeng mag pagupit ng buhok, kayo nga eh linggo linggo nagpapagupit ng buhok, di ba?

Iisa lang ang naging sagot namin sa tanong na yan. "Insecurities lang nila yun."

Totoo ba ito? Mas nai- insecure na ang mga lalake sa panahon ngayon?

Next question, bakit?

Di ba woman should be the one who are complicated here? Noong bata pa ako alam ko talaga mga babae lang ang sumusuway eh. At ang mga lalake naman ang palaging nase- sermunan. Hindi kaya simula na ito na evolution ng pag uugali ng mga babae ngayon?

No offence sa lalakeng makakabasa nito. I just need your opinion on this. Pwede paki clarify na lang kung mali ang aming hinala ng mga ka- office mates ko. Sa totoo lang kasi, we're confused na din.

_____________________
Oo nga pala pasensya na kung bihira na lang ako mag update. Bukod sa sobrang busy sa work, hanggang ngayon ay nagninilay nilay pa din ako sa nangyari noong nag bakasyon ako for three days sa Manila. Pasensya na din pero saka na lang uli ako mag kwe- kwento. Anyways, yung last post ko naman ay about sa mga kapatid ko, at sa totoo lang 50% ng aking oras ay sa kanila ko binubuhos. Sobrang nag kulitan lang kami. Halata naman di ba?
Saka na yung post about kay Soulmate, pinaghahandaan ko pang mabuti ang post na yun eh.
____________________
Nga pala, gusto ko din makiramay sa mganaiwan ni Francis M. Isa siyang malaking kawalan sa industriya ng telebisyon. Rest in peace po! Ganyan talaga ang mga mababait no? Kinukuha agad ni Lord. Anyway, condolence sa mga naiwan niya. Saludo ako sayo Francis M!

Tuesday, March 3, 2009

Dinosaurs ng buhay ko

Sa mga nagsabi kung kapatid ko nga ang nasa video, well tama kayo!!! Di ba magkamukha kami? Alam niyo kahit medyo kulang kulang yang kapatid ko na yan (hehe peace sis!), kahit na ba noong mga bata pa kami ay todo sabunutan kami kapag nagaaway, masasabi kong siya lang ang tao na kahit iwanan ako ng buong mundo ay siya itong hindi mangiiwan sa akin. Charing!

To Jean: Baka masyado kang ma flatter niyan ha! Anyway, noong nakauwi ako eh nagkataon na JS prom nila kaya ako ang nag ayos sa kanya. Ipo- post ko muna pic mo dito ah.





Oha oha! magkapatid talaga kami di ba? Masyado ko lang siguro na miss ang kapatid ko na ito. At sa ngayon siya ang tumatayong Ina (bukod sa yaya) sa aming bunsong kapatid na si Ron. Sa ngayon ay single siya. Haha! Lahat ng manliligaw ay dadaan na muna sa Ate. Although minsan siya pa ang mukhang Ate sa aming dalawa.

Tagpo habang mine- make up- an ko siya:

Jean: Che, baka dito mo ko ginagantihan ah. Please naman, walang babuyan ng mukha.
Ako: Ano ka ba? Wala ka bang tiwala sa akin?
Jean: Wala.
Ako: Okay, ayoko na.
Jean: Uy, joke lang!... Aray!
Ako: Ay sorry meron kasing namuong foundation sa ilong mo.
Jean: Maawa ka naman sa ilong ko, pango na nga yan eh, ididiin mo pa daliri mo.
Ako: Oy! Malinis 'tong kamay ko no? Kakaihi ko nga lang kanina eh.
Jean: Che naman eh.

Yung isa ko pang kalahi, panoorin niyo na lamang dito:


video

Okay, aaminin ko po, isa akong ampoooon!!!

Sunday, March 1, 2009

malaking joke

Di ko alam kung papaano sisimulang ang kwento ng naging bakasyon ko sa Pilipinas. Siguro saka ko na lang siya iku- kuwento. Medyo kailangan ko pa ng konting time para, you know makapag emote.

Sa ngayon ay eto na muna...


video