ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Friday, September 18, 2009

Little House in the City


Sa buong buhay ko at kung tama ang memorya ko, anim na beses na kami lumipat ng bahay mula noong baby pa ako. Sa Pilipinas lang iyon and it means ilang bahay na din ang tinuring kong tahanan. Alam niyo naman na malaki ang pagkakaiba ng bahay sa tahanan. Ang bahay ay structure lamang samantalang ang tahanan ay lugar kung saan ka natutulog, kumakain o kung saan ka nakatira magisa ka man o may kasama kang pamilya. At noong nagaaral pa ako, it's always either of the two. Either excited na ako umuwi o ayoko pang umuwi kaya gagala muna or tatambay kung saan saan. Pinakamatagal kaming tumira sa bahay namin sa Cavite na mahigit sampung taon din naman. Dito na ako nagdalaga at dito na din ako nagkaisip ng matino tino, hehe. Marami akong alaala sa bahay na yun pero dahil sa financial na problema namin ay naisipang ibenta ang bahay at kinailangan pa namin rentahan ang sarili naming pamamahay at sa bandang huli ay lumipat din kami sa Cebu. Ang layo no? Cavite na, naging Cebu pa. Pero laging sinasabi sa amin ni Mama na mas ayos doon sa Cebu manirahan dahil nandoon ang mga kamaganak namin. Yup, bisaya po kami at marunong din akong magsalita kahit di ako pinalaki doon dahil yun ang second language sa bahay namin.

Noong nandito na ako sa Hong Kong, dalawa lang naman ang naging tirahan ko bukod doon sa bahay ng Auntie ko kung saan ako dati nakiki- internet. BTW halos doon na nga ako tumira dati pero syempre may hiya pa ako kaya umuuwi pa naman ako sa amin. Una ay ang bahay ng Daddy ko at pangalawa ay ang bahay na tinitirhan namin ngayon ni Soulmate.

Maliit lang talaga ang kwartong tinutuluyan namin. Ganoon talaga dito sa Hong Kong, ang tipid sa space at syempre mahal. Kasing laki lang 'to ng kwarto ko noong nasa Cavite pa ako kaya naman parang sikip na sikip ako noong una at dahil nagtitipid ay kinuha ko na itong walang bintana. Grabe, ang init. Ni hindi namin nakikita kung umaga na ba kasi palaging gabi kung walang ilaw, Sad. Pero ano bang magagawa ko? Eh sa eto pa lang ang kaya ko ngayon. Everybody has to start somewhere di ba? Kahit ba gaano lang ito kaliit. Sa kwarto namin na ito ay nandoon na ang kama, ang ref, ang cabinet, maliit na stove at ang banyo. Kinuha ko din 'to dahil nga fully furnished na din, may kasama ng aircon, electic fan, heater, thermos. Actually ang cute niya kung titingnan. At hindi ko siya nilinisan hangga't di dumadating si SM dito sa Hong Kong kasi naman sa totoo lang napakatamad ko maglinis. Pag nakita mo kong naglinis, please consider it is as a miracle. Ayoko sa madumi at makalat kaya naman asar na asar sa akin si SM na hindi ko naman masisisi kasi naman napakareklamador ko daw pero magaling lang naman daw ako magutos. Later on, after ilang weeks, narealize ko na mali nga yung ginagawa ko kaya I tried reducing my demands and act on my own na lang, kumbaga kung gusto kong maayos ang bedsheet, ako na ang nagaayos. Oh, I'm so proud of myself at sa tingin ko proud din sa akin si SM. Naku dapat lang no, hehehe. Akala ko dati madali lang ang magkaroon ng tahanan, pero actually you have to maintain it. Linisin araw araw kung ayaw mong mabahayan ng ahas or ng daga.

Sa ngayon ay iniisip ko pa kung paano siya mapapaluwag pero kahit anong gawin ko, ayaw niya lumuwag. Baka naman kailangan ko lang magpapayat? What do you think? Hey. I'm trying pero bakit ba ang sarap sarap na lang humiga at manood ng TV pagkatapos kumain?

Sa totoo lang, sa mga oras na ito ay namro mroblema ako kung paano babayaran ang internet. Kasi binabayaran ko naman siya pero tumaas lang ang bill? Paano nangyari yun? Hay naku, di ko kasi siya nabayaran ng ilang buwan before kaya heto dumadagdag ang interest. Actually sa bahay ng parents ko yung internet na yun noong doon pa ako nakatira. At actually sine- save ko lang sa USB ang post na ito at copy paste lang tomorrow pag nasa office na ako. Nakakainis dahil hindi ko naman nagagamit ang net sa bahay ng parents ko pero bakit kailangan ko pa bayaran? Kakaasar. Okay, ginamit ko so babayaran ko, pero binabayaran ko naman ah, di nga lang kumpleto. *Shrug!
Anyway umiinit na dito sa kwarto namin and so I'm thinking of turning the aircon on and turning this laptop off. Naiisip ko na din makipag loving loving for a while with my Soulmate dahil after a long day in the office, yun lang naman ang hinahangad ko. Makauwi sa bahay namin at makapag relax. There's no place like home nga di ba?

Tuesday, September 8, 2009

Dad's Bday



Tuwang tuwa ako ngayong araw na ito. Birthday kasi ni Dad at nangyari ang isa sa mga hindi inaasahan. Ilang araw ko ng iniisip kung ano ang magyayari kung sakaling nalaman ng Daddy ko na nandito na si Soulmate, lalo na pag nalaman niya na kasal na kami. Alam kong mali na itago sa mga magulang ko na kasal na ako. I was very young at that time which is what? Last year? At siguro matigas ang ulo ko noong time na yun at kahit pa alam kong bawal ay syempre ako pa din ang masusunod. Ang motto ko pa naman noon ay Buhay ko 'to and I'm gonna do what will make me happy. Irrational man yan o hindi, yan ang sinusunod ko.

Naglalakad na kami papunta sa meeting place namin which is Mcdonalds at talagang kinakabahan na ako. Actually the day before sinabi ko na sa Daddy ko na nandito na si Soulmate at sinabi ko na din na kasal na kami. Pero kumakain kami noon at mukhang nasa good mood siya kaya parang wala namang gaanong reaction. So alanganin pa talaga kung okay ba talaga o hindi. Baka kasi nagiilusyon lang ako noong isang araw. Mahal ko ang mga magulang ko at higit sa anu pa man, sila ang mga taong ayoko talagang saktan although minsan, dahil nga sa tigas ng ulo ko ay nakakagawa ako ng desisyon na hindi tama and it leaves them, sometimes heartbroken. At dahil hindi na ako bata, ayoko ng maulit ang mga pagkakamali ko dati. I wanted to make it right this time.

Hawak kamay kami ni Soulmate at kahit malayo pa lang ay nakikita ko na ang Mommy at Daddy ko na nakangiti. Oh my gulay!!! Hindi naman nagtagal at ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa. Niyakap ko ang Daddy at binati ng Happy BIrthday. Si Soulmate naman ay nagmano kay Mommy at Daddy at bumati din. Nakangiti ang lahat ng tao.

"O tara na, kain na tayo." sabi ni Mommy. "Ang tagal niyo naman, kanina pa kami nagugutom."
"Saan tayo kakain?" tanong ko.
"Doon tayo sa masarap, patikimin mo naman si Mac ng chinese food."
"Mukhang bumabata si Daddy ah." puna ni Soulmate.
"Syempre nandito ako no kaya masaya yan." sabi ni Mommy na sinangayunan naman ni Daddy.

Kumain kami sa isa sa mga paborito naming chinese resto at may mga moments pa nga na si Daddy ang naga- approach kay Soulmate. At dahil hirap na hirap si Soulmate sa chopsticks ay tinulungan siya ni Daddy. Kinuhaan siya ng spoon para mas makakain si Soulmate ng maayos. Tinuturuan din ng ilang chinese na salita at nakakatawa dahil ang tigas tigas ng dila ni SM. Hindi nagkaroon ni isang segundo ng tensyon, everyone is in a relaxed mode, nagsasaya hanggang sa magpaalam kami para umuwi.

Na-realize ko na hindi mababayaran ng pera ang masayang araw na ito. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
Na-realize ko din na sa lahat ng tao mga magukang mo lang talaga ang tunay na makakaintindi sayo. Sila lang, without question ang makakatanggap kung ano ka dahil sino pa nga ba ang magdadamayan kundi kami kami din naman. I feel so happy at talagang madami akong na-realize. Bago pa nga kami umalis ay sinabihan kami ni Daddy na kung gusto daw namin ay kokontakin niya daw ang pinsan ko para magkaroon kami ng libreng ticket sa Disneyland. Weeee!!!

Thursday, September 3, 2009

Good Old Days

These past few days nami- miss ko ang mga panahon na bata pa ako at maliit pa ang problema. Nami-miss ko ang mundo kung saan ang tanging problema ko lang ay ang mga assignments ko lang, mga projects sa school, ang panahon kung kailan pagaaral lang ang inaatupag ko, nami- miss ko ang panahon na ang tanging pinoproblema ko lang ay kung may dumi ba ako sa mukha o kung nakatingin ba sa akin ang crush ko? Nami- miss ko ang panahon na magkakasama kaming magkakapatid tapos maglalaro o di naman kaya magkwe- kwentuhan sa garden namin. Nami- miss ko ang panahon na di ko pinoproblema kung ano ang kakainin ko dahil palagi namang masarap ang pagkain na luto ni Mama, hotcake, sinigang, adobo, sisig, tinola, pancit, spaghetti at iba pa. Nami- miss ko din ang mga panahon na tuwing Linggo dahil puro luma ang mga tugtugin sa radyo ay papalakasan ang stereo at halaos manganig ang buong bahay at maaasar kami dahil bawal kami manood ng tv pag Linggo dahil istorbo sa pakikinig ni Mama ng Begees, Air Supply, Bread, Beetles, Kenny Rogers, Madonna, Cyndi Lauper, Bryan Adams at sari sari. Nami- miss ko din ang tuwing Sabado ng gabi na pagsisimba tapos pag uwi namin bibili kami ng isaw, dugo at bbq tapos manonood kami ng Jessica Soho tapos Imbestigador. Gusto kong bumalik sa panahon na tuwing Linggo ay pupunta kami sa SM para mag grocery tapos kakain, masaya na kami dun. Gusto ko din balikan ang panahon na magaaway kami ng kapatid ko over simple matters, like kung kanino ang kulay ng damit na ito or kanino ihaharap ang electricfan. Bawal din kami lumabas kapag mainit, bawal mag boyfriend, bawal magtagal sa telepono, bawal umuwi ng lampas sa curfew. Nami- miss ko ang panahon na yun, kung saan kahit wala pang masyadong freedom, masaya na ako sa mga simpleng bagay lang.

Gusto kong balikan ang panahon na okay pa ang lahat, ang panahon na naging masayang masaya ako, yung tipong di matatawaran ang saya na nadadama ko.

Ngayon kasing malaki na ang mundo ko, at malaki na ako, kailangan ko ng magtrabaho, ultimo susunod naming kakainin ay pinoproblema pa. Hindi naman ako nagrereklamo. Feeling ko kasi pahirap ng pahirap ang mga bagay bagay. Mas kailangan mong makisalamuha sa tao, nagkakaroon ka ng kasalanan, mas nagiging expose ako sa mga elemento ng mga grown ups. Now that I have the freedom, sometimes I feel lonely. Suddenly, proproblemahin mo ang pambayad sa bahay, sa kuryente. Iisipin mo pa kung saan mo huhugutin ang pang shopping mo dahil usually talaga ay bumibili ako ng damit every month. Lecheng recession kasi yan. Ngayon, mabilis ng ma- oily ang mukha dahil sa stress, nagkakaroon tuloy ng wrinkles. Dagdagan mo pa ng house hold chores, ang paglalaba, paghuhugas ng plato, paglilinis. Tapos I have to live on my own na din. I have to stop going to school and then go to Hong Kong and then work. Kailangan kong malayo sa pamilya para matugunan ang mga pangangailangan. Ang laki ng responsibilidad that sometimes, I can't help but be afraid.

Sometimes, I want to go back kung saan ang lalaki ng pangarap ko at feeling ko kayang kaya ko ang lahat. I want to back when the life is so much easier. (Ngayon kasi easy na lang, hehe!) Pero we all have to grow up and face life. We just have to pray for the strength to make it through.