ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Wednesday, December 30, 2009

2009 ko

Hindi ko akalaing matatapos ng ganito kabilis ang taong 2009. Parang kailan lang kasi ang last new year na sinalubong kong magisa. Right, magisa kong sinalubong ang new year na ito kahit pa kasama ko naman sina Mama dito sa bahay ay tinulugan lamang nila ang new year. Walang spaghetti, walang lumpia, walang sald, walang kwitis, walang kaldero at walang ingay. It’s all so strange to me but I celebrated it anyway. Nakakainis isipin na hindi pa kami nakapag chat noon ni Soulmate kasi naman nasa hospital siya. Yah right, nasa hospital siya dahil inooperahan siya nang mga oras na iyon. Gustuhin ko mang umuwi ay pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi pwede, may trabaho pa ako. At isa pa mas mapapakinabang nila ang pera na ipambibili ko ng ticket. Di rin ako makakauwi ngayong pasko dahil sa trabaho na sinasabi ko, as in no vacation for me dahil may isa pa din akong part time. O saan ka pa? Yes I am working very hard, very very hard. Dahil nga mahigpit ang immigration para sa visa ni SM ay kinakailangan kong magipon para makita nila na hindi ako magastos. Anyway ang post na ito ay tungkol sa taong 2009. Ano ba ang nangyari sa akin sa taon na ito? Hindi na kasi nagda- diary so I wanted to keep something para hindi ko makalimutan ang taong ito. At eto na nga ang highlights ng 2009 ko:

First week pa lang ng January ay nakakasad na, dahil nga nasa ospita si SM, super worried ako. Bibili pa ako ng phone card para makatawag sa kanya. Sa pagkakaalala ko ay Papa niya pa ang nakakasagot kasi hindi niya naman dala ang phone niya. Gusto kong umuwi pero nakatakda na kasi ang paguwi ko sa February kaya hindi ko napinagbigyan ang sarili ko dahil uuwi nga ako, di naman kami makakapag loving loving kasi may tahi pa siya so parang useless lang. Tinabi ko na lang ang pera at pinandagdag para sa susunod kong uwi.

February 19, umuwi na nga ako sa Pinas (birthday ng aking asawa) ang pinakaaasam asam kong holiday. 4 days lang yun pero it’s a blast. Nakita ko ang mga kapatid ko na sobrang miss ko na to the bones. Ako pa ang nagayos sa kapatid kong magj- JS prom nang Friday ng hapon, second day ko. At pagkatapos ay pinasyal ko ang little bro ko sa SM Southmall. Grabe tuwang tuwa siya, kumain kami sa Jollibee at nag shopping na din. Eh kung umuwi pala ako noong January ay hindi ako ganito kagalante so thankful na din ako kahit papaano sa aking desisyon. At ano ang ginawa ko? Inorder ang mga pagkaing sobrang na miss ko. Kasama na diyan ang fried chicken sa Jollibee at yung sisig sa may food court pati yung drinks na quickie este quickly pala. Ayun favorite ko yun. Kinabukasan naman, Sabado ay pumunta kami sa Ocean Park! Grabe, daming isda! Well what do you expect? Hehehe! Tapos ay pumunta kami ng SM Molino at doon ay kumain sa Goldilocks! Hay syempre kaya minsan ayokong pumunta sa Pinas kasi ang hirap din umalis eh. Parang dinudurog ang damdamin mo, anyway okay lang. I get over it naman eh aftera few days pagbalik ko ng HK.

March, umuwi si Mama sa Pinas para masaksihan ang graduation ng kapatid kong si Jean at naiwan na naman kami ni Dad dito. Sa mga panahong ito ay napansin kong napapadalas na ang away namin ni Soulmate which is not good.

May ay tuluyan na talaga kaming nagaway ni Soulmate. I wont go into details here pero lets just say na halos isumpa na namin ang isa’t isa. Take note, magasawa na po kami. Nakagawa ako ng mga bagay na sobrang nire- regret ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya, todo ang iwas namin sa isa’t isa. Iyon na ata ang pinakamalalang kinahantungan ng relasyon naming dalawa. We even tried to part ways, or should I say na ako na ang tuluyang sumuko. Akala ko wala ng pagasa. Feeling ko uli tuloy ay malaya na ako. Time passed na para bang single na lang ako hanggang sa dumating ang June.

Dahil nga feeling ko ay nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko ay naisipan kong magbakasyon kasama ang ilang kasama ko sa trabaho na naging super ka close ko naman. Pumunta kami sa Guangzhou, sa Chimelong resort. Grabe! Ganoon pala ang pagtra- travel sa ibang lugar, ang saya. Kakaloka. Unang araw ay pumunta kami sa Chimelong watrer park at bukod sa pagswi- swimming ay iba’t ibang rides ang naranasan ko na alam kong once in a life time ko lang mararanasan kaya kumagat na ako. Feeling ko nga mahihiwalay na ang katawan ko sa ulo ko nang mga oras na iyon. Sa mga panahon nga na ito ay naisip kong pwede pala akong mag model ng swimsuit. Wahahaha! Oy bawal kumontra, kumontra, inggit lang! hahaha! Tapos kinabukasan ay pumunta kami sa chimelong zoo, grabe grade 1 pa ata ako nang huli akong pumunta sa zoo kaya para akong bata nang makakita ako ng giraffe. Ang saya saya. Hindi ako nakapag relax ng ganito sa buong buhay ko. Walang worries! Tapos noong gabi pa ay nanood kami ng circus, grabe sosyal. 5* talaga ang dating. Wala akong masabi. As in. Try niyo yun bisitahin. Tapos gabi gabi pa kaming nag swi- swimming sa pool at minsan sa umaga pagkatapos mag breakfast ng masarap na agahan, na sobrang sarap sa katawan dahil summer noon. Doon ko din naranasan ang magpa- massage nang may bayad. Grabe, nakakakiliti. Bakasyon talaga ang dating. Tapos noong last day namin ay pumunta kami sa Chimelong paradise. Grabe doon ko naranasan ang ten intervention na halos ikahimatay ko. Sampung ikot ba naman di ba? Sa totoo lang kami lang ata ang pinoy doon eh, lahat puro chinese! Hindi pa siya masyadong nadi- discover pero can’t wait na madiscover yun ng ibang foreigners, for sure pagpi- piyestahan doon. Astig naman kasi talaga. Idagdag mo din pala sa experience na yun ang gabi gabi naming pagsasama sa hotel na yun. Walang katulad.



Pagkauwi ko ay napagisip isip ko na anu pa man ang dumating sa akin, iisang tao pa din ang kailangan ko, iisa lang ang taong gusto kong maging kahati ng kasiyahang nararandaman ko, walang iba kundi ang asawa ko. Shocks drama! That’s true. Para bang he’s my home so walang kwenta ang kasiyahan pag wala siya kahit minsan ay loko loko tong mokong na ‘to. Well, nagkaayos nga kami aftera few weeks.

July naman ata yun nang pumunta kami sa Macau, libre ng boss namin. Wahahaha! Dahil trabaho naman talaga ang pinunta namin doon ay hindi ko na enjoy masyado ang paglilibot dahil nasa isang grupo kami at hindi naman pwedeng mag wander around pwera na lang noong hapon. Astig ang Hotel Venetian na tinulugan namin noong gabing iyon. Five star yun at Bella Suite pa ang naka book sa amin. Nakapasyal din naman kahit papaano lalo na doon sa fisherman’s wharf ba yun? Tapos kinahapunan ay nag relax kami sa swimming pool tapos ay nag dinner at naglibot libot sa nakakaligaw na hotel na yun. Kung ang Hong Kong ay sinakop noon ng British churvas ang Macau naman ay pinamunuan ng Portugal Echos.

Oo nga pala, dumating na din ang aking Inay kaya feeling ko ngayon ay only child na naman ako.

And guess what, August came with Soulmate. Sinundo ko siya sa Airport at nagsimula na nga kaming tumira sa iisang bahay, actually maliitlang siya na bachelor’s pad para maprocess na din ang papers niya such as visa. Naranasan ko din sa wakas ang buhay magasawa. Magisip ng kung ano ang uulamin, maglambingan hanggang sa makatulog at ang paghahangad na makauwi agad sa work dahil mamasyal naman kami sa kahabaan ng Hong Kong. Sa loob ng sixty days na inilagi niya dito ay sobrang natuwa ako. Although minsan may pagtatalo kung sino ang maghuhugas ng plato o kung sino ang maglalaba ay naisasaayos naman namin ang lahat. May isang gabi pa nga na may bonus uli ako sa Regal Oriental Hotel sa Hong Kong kung kaya ito ay parang naging second honeymoon namin.

Masakit man noong umalis si SM, sa awa ng Diyos at nakapag get over naman ako at muli ay nasasanay na naman ako na long distance uli kami. Sabi nga sa MMK, ang love daw ay nate- test ng time and distance. Hmm super relate ako diyan to the highest level. So I guess tried and tested na ang sa amin di ba?

Dumating ang ilang struggles ko sa work pero heto ako ngayon at nagtratrabaho pa din sa same office, may kaibahan nga lang ngayon. This time kasi may part time na ako tuwing Linggo, for the mean time lang naman pero sobrang nage- enjoy ako sa pagbabantay ng isang accessories shop, libreng sukat at minsan ay meron akong discount sa mga anik anik doon. Libre pa ang food. Wahahahah! Hilig ko na kasi talaga yun kahit dati pa, may pagkakikay din naman kasi ako.

Bukod sa napuntahan ko, ay masasabi kong isa sa mga achievements ko ang nakatapos ako ng isang nobela na hanggang ngayon ay pinagiipunan ko pa din ng lakas ng loob kung ano ba ang dapat kong gawin dito.

So far yun pa lang naman ang highlights. i am very much looking forward sa 2010, feeling ko kasi mas madaming adventures sa taong ito. Well hindi naman kailangan na bonggang bongga ang mga pangyayari sa taon mo eh, para sa akin, mas nagiging memorable ang isang oras depende sa kung ano ang nararandaman mo dito, may natutunan ka ba o wala? Nagsaya ka ba o wala lang. Mabuti na yung mag pakirandam kaysa naman sa boring ang buhay. Life is a book, and you are the writer of it, sabi ng isa sa mga nabasa kong quotation. Try to make the best out of it.

Saturday, December 26, 2009

World Wide Adventures I

Ang World Wide Center ay isang Mall dito sa Central, Hong Kong na puro pinoy products ang binebenta at puro pinoy din naman ang tumatangkilik. Sa ilang daang libong pinoy dito sa Hong Kong ay di pwedeng hindi sila dadaan sa World Wide, bukod kasi sa may Jollibee dito ay puro pinoy din ang makakasalamuha mo. Kung nasa ibang bansa ka tapos nasanay kang tumira sa Pinas ay paniguradong hahanap hanapin mo ang kapwa mo pinoy para naman ma feel at home ka kahit papaano. Mula nang nag part time ako sa lugar na ito, medyo nawala ang pagkamiss ko sa Pinas kasi, nakakatuwa pakinggan ang iba't ibang kwentong baon ng kapwa nating Pinoy pang sa tuwing sila ay napapadaan. Halos ikwento na nila ang buong buhay nila sa aming mga sales lady. Tapos nakakatuwa pa yung ibang mga sales lady doon dahil iba iba ang ugali, may mga taong pang asar na pag hindi ka marunong maki- ride ay talo ko. Never pa ata akong nakatawa ng tulad ng pagkatawa ko kanina sa buong stay ko dito sa Hong Kong.

Meron nga doon noong isang Linggo, nagkwe- kwento siya tungkol sa mga anak niya. Tawagin na lang natin siyang Tita Churvah na mahigit 60 something na ata.Naiinis daw siya kasi 25 years old na daw ang anak niya nang nag asawa tapos yung lalake daw ay walang silbi. Noon naman daw ay okay silang mag Ina pero nang dumating daw yung lalake na yun sa buhay niya ay tuluyan na daw nagkagulo ang relasyon nilang mag Ina, mas pinagtatanggol pa daw yung lalake. Syempre ako nakikinig lang ako. Ayoko na tuloy sabihin na sa kasal na akong tao. Sa halip ay tumahimik na lang ako.

Meron naman doon yung kasamahan ko kanina, tatlong buwan pa lang daw siya dito sa Hong Kong ay nabalitaan na niyang nakabuntis ang boyfriend niya. Masakit daw kasi naniwala pa naman siya sa BF niya na kaya nila mag long distance relationship. Naisip ko, hmm swerte na din ako kahit papaano kay SM kahit minsan may pagkaabnoy ang mokong na 'to. Ang dahilan daw ng lalake sa kanya ay inakit daw kasi siya ng babae at lasing daw sila. Ang sabi ko naman, napaistupidong rason naman yun, of course guys always have a choice, either yes or no di ba? So I guess the guy's really a jerk.

At kanina nga pala ay kumain kami ng mainit na arroz caldo, kailan ba ako huling nakakain nito? Ang sarap sarap habang malamig ang panahon sa labas, samahan mo pa ng spaghetti na bigay ng boss, naku walang katulad. Ang sarap siguro mamalagi doon. Tawa lang kami ng tawa habang nagse sales talk. Lahat na ata ng bola sasabihin mo para bumili sila eh, hehehe! Ooops! Mga totoong bola naman yun no! Paano kaya yun? Basta yan na muna sa ngayon dahil masakit ang paa ng lola niyo, sarap siguro pamasahe. Pero para hindi mapasma, hindi ko na lang siya binasa kanina. Eto nga pala ang picture ng kasamahan ko kanina habang naglalakad papunta sa MTR station.

So that's it for now. Haysss, tomorrow's gonna be another day. Time to rest...

Cindyrella ^__^

Sunday, December 13, 2009

Bahay at Lupa

Noong isang araw, nahirapan akong makatulog ulit kahit pa yun na lang ang oras na makakabawi ako sa tulog. Pero pabalik balik sa isipan ko ang bahay namin sa Cavite kung saan sampung taon naming tinirhan. Lumipat kami diyan noong nasa Grade 2 pa lang ako hanggang sa mag second year college ako, diyan na ako lumaki, naging teenager at diyan na din ako nag debut. Ang dami kong ala ala sa bahay na yan lalo na noong bata pa ako, mga masasayang araw na binabalik balikan ko every once in a while. Diyan dumalaw ang aking mga naunang boyfriend at diyan din ako unang dinalaw ni Soulmate ko at guess what diyan, sa garden na yan ko siya sinagot ng matamis kong oo, haha charing! Naaalala ko na naman siya di ba? Mahilig si Mama sa mga halaman at sa aming munting garden at sari saring orchids ang makikita mo. Kaya tuwing umaga, masarap mag exercise sa garahe namin na wala namang sasakyan, dahil masarap ang simoy ng hangin. Dumaan na sa iba't ibang kulay ang aming gate, naging white na siya, red at hanggang sa naging green, yan ang kanyang latest color. Ang aming bahay ay may dalawang kwarto, isa para sa aming dalawang magkapatid at isa para sa mga magulang ko. Hanggang sa dumating na nga ang isa ko pang kapatid na si Earon, ang aming bunsong lalake na nagdala ng kasiyahan sa aming lahat.

Noong nag college ako ay medyo nagkaroon na kami ng problemang pinansyal na kinailangan naming ibenta ang bahay at lumipat na lamang sa Cebu at doon na lamang manirahan. Bumili si Mama ng panibagong bahay sa Cebu and that means only one thing, to leave the said house and move on to another kind of life. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na kasama ang bahay na ito. Naaalala ko tuloy ang movie na "UP", try niyo panoorin ang movie na yun at madami kayong matutunan tungkol sa buhay, chasing your dreams or letting go of one of the most impirtant things in your life and moving on to a new adventure. Talaga nga naman people, things etc. come and go at tulad ng kasabihan, "There is no permanent thing in this world but change", and the only thing that will be left in us are the sweet memories na babalik balikan mo. Iniisip ko pa lang na may iba nang nakatira sa bahay na iyon na pinagipunan din ng mga magulang ko saddened me, pero siguro it's their time to have those kind of memories as well with that house. Sana lang ingatan nila tulad ng pagiingat namin dito.

It might be time to move to bigger things, bigger happennings and happier life.

Saturday, December 5, 2009

December Days

Been very busy these past few weeks, as I started my part time job as sales lady every Sunday, of course to save money and to have experience. Nakakatuwa kasi kasama ko si Mommy habang nasa work at mabait din naman kasi ang boss namin. Aalis kasi si Mommy papuntang Cebu at kinakailangan ng magbabantay so for the mean time ay ako na muna ang papalit sa kanya every Sunday. Hilig ko din kasi ang mga accessories kaya sobrang naaaliw ako tapos mas nasha- sharpened ang aking sales talk. Balak ko din kasi magkaroon ng business in the future, wala akong balak maging forever employee lang. Madami pa akong gustong gawin. Teka eto ang isang kuha mula sa store na pinapasukan ko pag linggo kung kaya naman libre ang pagsusukat ko ng mga accessories doon.

Bukod sa work ay naging busy din ako sa panonood ng mga favorite shows ko, isa na doon ang replay ng Full House na pinagbibidahan nina Heart bilang Jessie at Richard Gutierrez bilang Justin. Ngayon lang ako natuwa sa role ni Richard bilang suplado na artista, madalas kasi niyang role ay isang super hero, ngayon kasi ay mas realistic. Kahit yung korean version ay sinundan ko talaga at hindi naman ako nagsisi ng mapanood ko yung ending nu'n. Gwapo din kasi ni Rain.

Isa din sa kinaaadikan ko ay ang pagplu- plurk, para ko na nga siyang diary, dati kasi sa tunay na diary ako nagsusulat pero salamat sa technology at mas madali ko na ngayong nae- express ang aking mga saloobin. Mas mahirap magsulat gamti ang lapis kaysa sa pagta- type. So hindi na masyadong mahirap mag look back dahil may record na din ako ng aking time line.

Naadik din nga pala ako sa panonood ng mga presidential forum, magmula sa Isang Tanong hanggang sa Harapan. Mas naging aware ako sa mga taong tatakbo although tulad nga ng sinabi ko sa last post ko ay hindi ako makakaboto. Natuwa nga pala ako sa mga nag comment sa aking last post tungkol sa pagiging bayani. So ayun, it looks like na umikot lang ang buhay ko sa panonood at pagsusulat o pagu- update ng kung anu ano. Pati nga ang pagpo pose ng tulad ng picture ko sa taas na inedit ko na lamang ay pinatulan ko na. O di ba dami kong activites. Nakakaloka. Buti nga at nakakahinga pa ako. Syempre hindi ko na babanggitin ang 10 AM to 7 PM na work ko sa office at ang pakikipag usap ko sa aking husband. Miss ko na nga ang mokong na yun, sayang at di kami magkakasama ngayong pasko pero sana kahit sa Valentines na lang ay magkasama kami. Nami- miss ko na din ang bahay namin na ilang linggo ko na ding hindi nabibisita kaya for sure dami ng nakatira doon bukod sa maligno at mga ipis. Hayz. Kasi naman pag pupunta ako doon naaalala ko ang mga moments namin together, so kung dati noong magkasama pa kami ni Soulmate sa bahay na yun ay gustong gusto ko siyang palaging uwian at linisin, kabaligtaran naman ngayon, feeling ko kasi maririndi ako sa katahimikan ng bahay na yun. Feeling ko masusunog ang bawat himaymay ng aking pagkatao, drama ano? Ang tagal naman kasi ng immigration mag response.

Moving on, nakikita naman natin na umiikot na ang buhay ko sa panonood at pagu- update ng kung anu- ano. Di naman ata makatarungan para sa aking blog na pabayaan ko siya ng ilang linggo. Hindi ko naman kasi gustuhin ang mag hiatus ay hindi talaga pwede sa aking schedule. Paano ba yan, magde- december na? Natapos na din sa wakas ang aking ermitanyo days and here I am coming out again. Oh I miss this, miss you all. Makapag blog hopping na nga! ^__^