ǝʇɐɯןnoS ǝʌoן ɐןןǝɹʎpuıɔ

Wednesday, January 27, 2010

I must be Lucky...!

It's been a long time since I last blogged at grabe sobrang na miss ko ang pamamahay kong ito. Hindi na bale, meron naman akong mga baong magagandang kwento. Tulad na lang nito:

Tinawagan ako ng land lady ko na may dumating daw na sulat sa aking bahay na matagal ko ng hindi binibisita at sobrang excited siya na mabasa ko na ang nilalaman ng sulat na galing daw sa immigration. Una kong naisip, ano na namang requirements ang hihingin nila sa akin? Araw yun ng Linggo at kasalukuyan akong nagpa- part time sa isang electronic company *ba yun?* Well, I was a part time promoter of IDD at wala akong ginawa maghapon kung hindi magdadadak dak habang nakatayo, mapahiya man ako dahil minsan ay dinededma ako ay carry lang. Parang walang nangyari, actually that job have been the first blessing to me this year, hindi lang dahil sa financial kung hindi pati na rin dito nahahasa ang aking skills lalo na sa pagdating sa sales. At isa pa, madami akong nagiging kaibigan o muling lumalawak ang aking mundo. Actually meron kaming kota and so far, lagi ko naman siya nare- reach. Well sipag at tiyaga lang talaga ang kailangan para guminhawa sa buhay at syempre dagdagan mo na din ng konting diskarte at utak.

And so yun na nga, after work ay pumunta ako sa madalas na meeting place namin, sa MTR station na malapit sa bahay nila. Medyo na late pa nga siya pero okay lang, para sa akin nang mga panahon na yun ay willing akong maghintay. Dumating naman agad ang land lady ko at iniabot sa akin ang isang envelope. AT kumaway na siya sa akin sabay sinabing "Good luck." Matapos kong magpasalamat ay umalis na siya and we parted ways.

Naglalakad pa lang ako ay hindi na ako mapakali, gusto ko na siyang basahin. And so I started tearing the envelope at saka inilabas ang papel na may chinese writing pa. So doon ako sa english version.

We are pleased to inform you

Pagkabasa ko pa lang ng sentence na yan ay kumabog na ang dibdib ko, this must be positive.

... that the above application has been approved.

Shit, naku kung hindi lang siguro ako nahihiya sa mga dumadaan ay nagtatatalon talon na siguro ako sa sobrang tuwa. Yes, totoo na 'to, na- approve na ang papers ni Soulmate! At makakasama ko na siya..! Tapos na ang paghihintay at sa wakas ay makakapagsimula na din kami bilang isang pamilya. Thank God at sinagot niya din ang matagal ko ng dinadasal gabi gabi. Naaalala ko tuloy the night before, ay bisperas ng bday ni Sto. Nino and what I did is I kissed the image that we have at home. Grabe, I must be so lucky.

PS: Salamat sa mga dumalaw sa blog ko at sa mga hindi nakalimot. ^__^